----JANNA
Ingay ng mga students mula sa University namin at sa kabilang School ang sumalubong sa amin ng makapasok kami sa arena. Naghahalo ang kaba at excitement sa akin dahil ito ang unang laban namin. At ito ang una kong laro sa ganitong lugar. Kinakabahan ako dahil wala si Mama at Papa. Bukod duon ay hindi ako sigurado kung manonood si prio.
"Janna!" Lumingon ako sa malakas na sigaw ni Carla.
Napangiti ako ng makita ang mga kaibigan ko maliban kay Jet , Gia at Prio. Pagtingin ko kay Xyreel ay may hawak siyang banner. Natawa pa ako dahil ipinasa niya iyun kay irish at tinaasan ako ng kilay.
Sus! Suportado din naman niya ako!
"Nasan si Prio?" Tanong ni Dylan.
"Busy eh!"
"Eh diba same schedule lang naman sila Xyreel sa kanya? Bakit nandito sila tapos si Prio wala dito?" Tanong niya pa.
Nagkibit balikat na lang ako at bumuntong hininga. Noong pumunta ako sa bahay nila at magkatabi kaming matulog , iyun na ang huli kong kita sa kanya. Isang linggo na ang nakakalipas. Hindi na kami nagkakausap ng maayos na naman. Tumatawag siya at nag te-text pero madali lang dahil madami siyang ginagawa. Hindi naman nagtatagpo ang schedule namin sa school kaya kahit iisa lang ang University namin ay hindi kami nagkikita. Buti pa nga si Xyreel , Irish at Jenelle. Nakikita nila si Prio dahil pareho ang schedule nila , hindi na namin ito nakakasabay sa lunch dahil lumalabas na siya ng Univetsity.
Nag a-alala na ako. Baka kasi napapabayaan na niya ang pag a-aral niya.
"Kaya mo ba maglaro?"
"Yes Captain!"
"Sure?"
"Sure!" Nakangiting sagot ko.
Nag focus ako sa laro. Kahit kabado ako at magulo ang isipan ko ay ginawa ko ang lahat para maging maganda ang laro ko. Kami ang nanalo sa unang set pero sa pangalawa ay natalo kami. Ramdam ko na ang pagod sa aking katawan ngayon. Basang-basa na ako ng pawis at habol ko na ang hininga ko. Hindi ko na din nakita ang mga kaibigan ko sa pwesto nila kanina kung saan ko sila nakita , ang sabi kasi nila ay hindi nila matatapos ang game dahil may mga klase pa sila. Ayos lang naman sa akin yun. Ang mahalaga ay nakita ko sila bago magsimula ang laro. Kahit paano ay kumalma ako at nabawasan ng kaunti ang kaba at takot ko. Mahalaga pa din na makita ko sila at maramdaman ang suporta nila sa akin ngayon. Lalo na siya.
"Mine!" Sigaw ko at agad na hinarangan ang bola ng i-block ito sa kabilang team.
Napasigaw ako ng hindi nila makuha ang bola , nasa amin ang puntos. Tumango ako at ngumiti sa gitna ng pagod ko ng batiin ako ng mga ka-team ko. Nagpatuloy ang laban at masasabi kong magagaling talaga sila dahil nahihirapan kami.
Naging alerto ako ng i-serve sa kabilang team ang bola. Gumulong sa sahig si Bela ng habulin niya ang bola , umangat iyun sa ere at tumalon si Dylan para i-set ang bola.
"Janna!"
"MINE!" Malakas na sigaw ko at hinampas ang bola dahilan para tumama iyun sa kabilang team. Napasuntok ako sa hangin at napa-upo sa sahig dahil sa pagod.
Panalo kami.
Nakipag-kamay kami sa kabilang team. Kahit pagod ay nagawa kong ngumiti. Nakatanggap din ako ng papuri sa mga ka-team ko lalo na kay Coach. Wala naman akong ibang masabi kundi Thank you habang nakangiti kahit sobrang pagod.
"Uy! Libre daw tayo ni Captain!" Sigaw ng isang ka-team ko.
Nagsigawan naman sa saya ang mga ka-team ko at nagpapasalamat agad kay Captain kahit nag a-ayos pa lang kami ng gamit. Sinuot ko na ang Jacket ko matapos ko magpunas ng pawis. 'Tsaka ko isinabit sa kanang balikat ko ang bag ko.