Chapter 16

206 15 16
                                    


----

JANNA

"Live ang interview kay tita sessai sa BN International.."

Sabi ni carla na kagagaling sa kusina dala ang pop corn na niluto niya.

Kakauwi ko lang galing sa practice. Kumain na din naman kami ng hapunan kaya nagpapaantok na lang.

"Lipat mo muna , bilis." Sabi niya pa.

Kaya naman nilipat ko agad ang channel at agad naman siyang tumabi sa akin.

Napakaganda ni tita sessai sa suot niyang high waisted jeans na cream ang kulay at white na turtle neck para sa pang-itaas niya. Naka-coat din siya na white at mataas na heels kaya mas lalo pa siyang tumangkad tignan. Nakalugay din ang buhok niya na lampas lang sa kanyang balikat. Matapang ang dating niya. Para siyang mayaman na maldita dahil seryoso ang kanyang mukha. Hindi naging hadlang sa ganda niya ang peklat niya sa mukha.

"How does it feel to be back in the company Mrs. Sessai Buenavista?"

"Masaya ako na walang nagbago sa pagtanggap sa akin ng mga taong nasa mataas na posisyon sa mundo ng business! I'am happy to be back in the company and yes ako ulit ang bagong CEO ng Corpuz Group.." Seryosong sagot ni tita sessai sa isang reporter.

Nasa right side niya si tito zac habang sa kabilang side naman si tita zherlyn. Hindi sa akin familiar ang mga taong kasama nila sa interview pero sa mga dating nila ay mukhang matataas ang posisyon nila sa kompanya o business na meron sila.

"Ayos lang po ba na magtanong ng tungkol sa inyong pamilya?"

"Personal ba yan?"

"Medyo po!"

"Kung kaya ko namang sagutin , sige magtanong ka.."

"Is it okay to have your husband's mistress with you at home?"

Natigilan ako sa tanong ng isang reporter. Nagkatinginan kami ni carla at muling tumingin sa T.V.

Hindi ko inaasahang ngingiti si tita sessai.

"Walang kabet ang asawa ko!" Sagot ni tita habang diretsong nakatingin sa reporter na nagtanong "..i'm living with my family right now! If you're talking about kristel? Hindi siya kabet ng asawa ko. She's just a nobody na nakitira sa bahay ko!" Nakangiting sabi pa ni tita sessai at maririnig mo sa telebisyon ang bulungan ng mga tao.

Tinapos namin ang interview at lahat ng iyun ay tungkol lang sa business. May nagtanong kung anong nangyari sa 12 years na pagkawala ni tita sessai pero sabi ni tita ay personal reasons na daw iyun kaya wag na daw alamin ng media. Nakatanggap din ako ng message kay mama na baka daw uuwi sila ng tarlac sa isang araw pagkalabas ni clio sa hospital.

Ilang araw na din na naka-confined si clio sa hospital pero ang alam ko ay bukas na ang labas niya. Kaya siguro sa isang araw pa ang punta nila mama dito para makapag-bonding pa sila tito gio kasama si tita sessai bago sila makipagkulitan sa kaibigan nila. Alam ko din naman na sobrang miss na nila si tita sessai.

Marami 'man kaming tanong kung anong nangyari kay tita sessai sa 12 years , masaya na din kami. Ang mahalaga ay bumalik siya at nakita ko ang saya sa mata ni prio sa tuwing papasok siya sa school at iku-kwento niya ang mga ginagawa ni tita sessai sa kanya ngayon. Parang kumpleto na naman daw siya ngayon. Masayang-masaya siya na bumalik ang mommy niya at syempre masaya ako na masaya na siya.

Bigla ko tuloy naalala si tito sol. Noong makita niya kasi si tita sessai ay para siyang naging bata dahil sa lakas ng pag-iyak niya. Halos mawalan nga siya ng malay sa sobrang pag-iyak habang yakap siya ni tita sessai. He really love's tita sessai. I still remember noong mga times na nawala na si tita sessai sa kanila? Isa siya sa mga hindi makausap. Umiiyak lang daw siya noon at hirap na hirap. Kaya siguro ngayong buhay si tita sessai ay ganuon na lang ang pag-iyak niya. Kahit hindi niya sabihin ay nakikita kong masaya siya.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon