Authors note: Pakinggan niyo po yung song sa itaas habang binabasa. Thank you!----
CARLA
Nakangiti kong tinignan ang konting gamit na naipundar namin ni janna. Mga gamit sa kusina na sapat lang sa aming dalawa. Nag sobra lang kami ng ibang gamit para sa mga kaibigan namin kapag naisipan nila na dito tumambay. Pagkain pa naman ang palageng nasa hapag kapag magkakasama kami. Hindi yun pwedi mawala. Duon kami nagkakasundo eh.
"Si tita meng at tita florian po ba ang bumili ng mga gamit niyo dito sa apartment niyo?" Tanong ni Zir. Ang babaeng anak ni Tito zac.
Maganda siya at mataas katulad ng kanyang mommy zab. Mahaba ang buhok nito na straight at bagsak. Model ang datingan. Kung sasali nga siya sa Ms. Universe ay siguradong may laban siya. Tatlong taon lang ang tanda namin sa kanya pero dahil sa ganda ng taas niya at katawan niya ay parang magkaka-edad lang kami. Mas mataas pa nga siya eh.
Katulong namin siya dito sa kusina habang si kylie at clio naman ay katulong ni xyreel sa itaas. Dalawang kwarto kasi ang meron itong apartment kaya naman tig-isa kami ni Janna. Si jenelle ang nag-aayos sa isang kwarto na katapat lang ng kwarto na nililinisan nila xyreel , clio at kylie.
Kumpleto na sana sila nag mag pi-pinsan kung nandito lang ang anak ni tita zherlyn na limang taon pa lamang at si Soline na hindi pinayagan na sumama dito ngayon.
Ang mga lalaki naman ay nasa sala para ayusin ang malalaking gamit duon.
"Malaking tulong din ang mga naipon ko mula sa sweldo ko kay tita meng.." sagot ko sa kanya. "..may ipon din kasi si janna kaya nakabawas kami sa gastusin ng mga gamit dito sa apartment!" Dagdag ko pa at tinulungan siya sa pagpupunas nang ibang gamit na hinugasan.
"Kahit naman kasi 'di ka na mag trabaho ay ayos lang! Lumalaki na business niyo sa pag-asa diba? Kaya na ni tita flor ang suportahan ang pag-aaral mo! Tapos maganda pa ang work ni tito mike sa manila kaya ayos na yun. " Sabi naman ni janna na inaayos sa cabinet ang ibang grocery na dinala nila prio at clio.
Wala sana kaming balak na maglagay ng ref dito dahil dagdag lang iyun sa bayarin ng kuryente ang kaso nagdala naman si Jhommel para daw sa mga pagkain na kailangan ilagay sa ref upang 'di masira.
Sa dami daw ng ref nila sa bahay nila ay wala na daw silang mapaglagyan kaya dinala niya ang isa dito. Hanip ah!
"Nakakahiya kasi!" Sagot ko kay janna. Si Zir naman ay nakikinig lang. "..lahat ng kailangan namin ni viena ay naiibigay ni mama flor at papa mike. Kahit sa ibang gastusin ko sa school na kaya ko namang gastusan ay ako na ang gagastos. Kaya nga nag trabaho ako sa M-cupcakes eh para makaipon tapos extra pa minsan sa restaurant nila prio sa bayan kaya dagdag sa kita ko." Sabi ko pa sa kanya.
"Paano ka nakakapag-work ate carla? Eh diba nag-aaral ka ng highschool?"
Ngumiti ako sa kanya. "..5pm ang tapos ng klase namin nila janna eh nagsasara naman ang M-Cupcakes nila tita meng ay 10pm na kaya may limang oras ako para magtrabaho at binabayadan naman ni tita meng ang oras ko. Minsan naman bibigyan ako ni mama flor ng malaking halaga para sa baon ko for one week. Yung iba itatago ko at idadagdag sa ipon ko tapos yung matitira yun na ang budget ko. Tinuturuan din kasi kami ni mama kung paano magtipid.." Sagot ko.
"Eh kelan ka lang po na-extra sa restaurant nila kuya prio?"
"Kapag walang pasok.." Sagot ko ulit. Si janna ay abala pa din sa ginagawa niya at pinapakinggan lang siguro kami. "..saturady at sunday kasi ay madaming costumers ang restaurant nila prio kaya madalas ay nanduon din sila janna at prio para tumulong sa pagluluto. Habang naka duty ako duon ng saturday at sunday. 350 din yun isang araw kaya sa dalawang araw may 700 din ako!" Natawa ako dahil nakatitig talaga siya sa akin habang nag ku-kwento ako.