-----Sumandal ako sa swivel chair ko at pinagmasdan ang video na ipinasa sa akin. Ngumisi ako ng makita ko sa video ang lampungan ng daddy ni gio at kristel. Malinaw ang kuha sa video at makikita mo duon na nag e-enjoy silang dalawa.
12 years , kristel. Mukhang na-enjoy mo naman ang kagagahan mo kaya tama lang na tapusin ko na. Ako naman.
"Madam!"
Nilingon ko si Rena. Ang aking sekretarya.
"Yes?"
"May tawag po sa telepono. Carla daw po ang pangalan niya."
Kinuha ko sa kanya ang telepono at agad na itinapat sa aking tenga.
"Carla!"
"Tita! Nasa hospital po kami ngayon!"
Agad akong napatayo at lumabas ng opisina ko sa mismong bahay ko.
"Bakit nandiyan kayo? Anong nangyari?"
"Si clio po! Binugbog siya ni kristel tapos nahulog po sa hagdan!"
Halos 'di ko na maintindihan si carla dahil sa sobrang pag-iyak niya.
"Saang hospital? Papunta na ako!"
Matapos sabihin ni carla ang pangalan ng hospital ay agad akong nagmaneho patungo duon. Sinabihan ko na din si kuya zac na nasa hospital si clio. Hindi na siya nagtanong ng kahit ano sa akin dahil alam naman niya na anytime ay magpapakita na din ako sa mga anak ko. Nagsabi lang siya na susunod siya agad sa akin pagkatapos ng meeting niya.
Kumuyom ang kamao ko at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Ramdam ko ang sobrang galit sa aking sistema. Gusto ko ng sapakin si kristel. Sino ba siya para saktan ang mga anak ko ng ganuon? Wala siyang karapatan! Kapag may nangyaring masama sa bunso ko , hindi ko na alam ang magagawa ko sa katangahan niya. Baka mapatay ko siya. Hindi ko siya sasantuhin.
"Nurse! May isinugod ba ditong babae kanina? Clio Amarra Buenavista ang name niya!" Natataranta na tanong ko.
"Nasa emergency room po siya ma'am!"
Kumuyom ang kamao ko at mabibigat ang bawat paghakbang ko patungo sa emergency room. Nag-iinit ang mata ko sa mga luhang nagbabadyang pumatak. Sobra ang galit ko pero lamang duon ang takot sa pweding mangyari sa anak ko.
"UMALIS KA NA KRISTEL!"
"Please gio! Magpapaliwanag ako!"
Hindi ko na inisip ang magiging reaksyon ng pamilya ko sa bigla kong pagdating. Ang agad kong nilapitan ay si kristel at agad ko siyang sinakal 'tsaka ko siya pabatong binitiwan. Bakas ang takot sa kanyang mukha pero nagawa niya pa ding tumayo para harapin ako. Nanginginig siya pero naging matapang siya para diretsong tignan ang aking mga mata.
Ngumisi ako sa kanya.
"Umalis ka na , kristel. Marami pang araw na magkakaharap tayo."
"Hindi ikaw si sessai! Patay na siya! PATAY KA NA! PATAY KA..." Hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng malakas ko siyang sampalin ng dalawang beses.
Gulat niya akong tinignan pero nanginginig pa din ako sa sobrang galit.
"Nagising ko na ba ang diwa mo?"
"Imposible.."
"Posible kristel dahil nasa harapan mo na ako ngayon!" Matapang na sabi ko at muli ko siyang sinampal. "..buhay na buhay ako! Tanggapin mo na lang sa sarili mo na buhay ako at hindi ko na hahayaan na makalapit ka pa sa pamilya ko lalong-lalo na sa ASAWA KO!" Sabi ko at buong lakas ko siyang itinulak. "..umalis ka na. Don't worry maglalaan ako ng oras at araw para sa paghaharap natin. At gusto kong ihanda mo ang sarili mo pag dumating ang araw na yun dahil sisiguraduhin kong pagsisisihan mo lahat ng ginawa mo sa akin!" Nagbabanta na sabi ko sa kanya. "..ipagdasal mong makaligtas ang bunso ko , kristel. Dahil sa oras na may mangyaring masama sa aking bunso. PAPATAYIN KITA KRISTEL!" Galit na sigaw ko at napaatras siya dahil duon.