Chapter 25

130 8 10
                                    


----

XYREEL

Umupo ako sa tabi ni vincent dala ang isang mangko ng mangga na pinitas namin ni Jenelle at Jet kanina. May bagoong din na ibinigay si tita sally kaya lalo akong natakam. Busog naman ako dahil madami ang pagkain sa tanghalian kaso kahit busog ay naglalaway ako sa mangga.

After kumain ng lunch ay naglabas ng mahabang lamesa ang asawa ni tita sally para sa inuman. Kung hindi ako nagkakamali ay LAMBANOG ang tawag sa alak nila dito sa quezon , nakahanda din sa long table ang sisig at crispy pata na dala ni tito jp kanina ng dumating sila kasama ang asawa nitong si tita ernea. May dala namang tinumok na alimango si tita meng at tito jm , ang parents ni janna. May dalawang malaking isda naman na dala si tito rolando kanina , marami daw sana siyang dadalhin kanina pero naubos na daw sa palengke kaya dalawa na lamang ang natira. Inihaw naman iyun ni tito gio at tita sally. Dumating din ang isa pang friend ni tita sessai. If i'm not mistaken , Jas or Jasmine yata ang name niya , mommy daw iyun ni chloe at asawa si tito ciemar na may dalang buko kanina. May dala naman na lumpia si Tito Jasper , isa din sa mga kaibigan ni tita sessai. Daddy ni Ellaine at asawa ni tita essa. Myghad! Sa sobrang dami namin kanina dito , mabuti na lang natandaan ko sila. Sobrang bait naman nila at pinaramdam naman nila na sobrang welcome kami dito sa pag-asa.

Kasabay naman ni jhommel na dumating si carla at ang mommy niya na si tita flor. Nakipag-away pa nga ito kay tita meng , hindi naman totally away.....parang asaran o bonding na nila ang pag a-away. Na-meet na din namin nila jenelle ang mga anak nila kaya medyo nabawasan ang hiya namin dahil welcome nga kami.

"Gag*!" Dinig kong singhal ni tito jp kay tito ciemar. Natawa naman ang ibang tita's at tito's sa kanila. "..ano yang tagay mo? Kape? Siraulo!" 'Tsaka niya ibinalik sa harapan ni tito ciemar ang alak na inilagay niya sa isang tasa. Ang dami nga naman.

"Mahina ka pala eh.." Nakangiwing sabi ni tito ciemar pero natawa din. "..si daniel padilla nga empi pa ang ininom , isang tasa." Natawa kami nila vincent dahil naalala ko ang commercial na sinasabi ni tito ciemar. "..eh ito lambanog lang. Ang weak mo naman chef jp!" Sabi pa niya.

"Ulol!" Singhal ni tito jp.

"Papa!" May batang lumapit kay tito jp habang nakikipagtalo siya kay tito ciemar.

Medyo chubby ito at maputi. Kamukha niya si tito jp pero ang makinis at maputing kulay ng balat ay nakuha sa mommy niya. Para kasing model si tita ernea pero medyo chubby pero maganda.

"Bibili po kami ng isaw sa kabilang kanto.." Sabi nito.

"Sinong kasama mo?"

"Kami tito." Sigaw naman ni sarry sa loob na biglang sumulpot sa may pinto ng kusina. Si tita ernea naman ay nakatingin lang sa asawa't anak niya. "..babalik po kami agad , gusto lang ni clio ng isaw."

"Okay sige! Mag ingat kayo!"

"Wait!" Nagsalita naman si tito gio na ipinatong sa lamesa ang pangalawang isda na iniihaw niya para sa pulutan. "..isaw? Street foods?" Salubong ang kilay at kunot pa ang noo na tanong ni tito gio.

"Dad!" Reklamo agad ni clio.

Napakaganda talaga ng kapatid ni prio. Maputi ito lalo na sa suot niyang bistida na kulay pula at bulaklakan. Nakataas ang mahaba niyang buhok kaya kitang-kita mo ang maputi at makinis nitong balat. Lahat naman sila ay maganda. Si chloe ay hindi kaputian pero medyo namumula ang kanyang balat. Suplada tignan ang mata niyang singkit parang kay tita jas. Baliktad iyun sa makulit niyang personalidad. Si Tinay naman , anak ni tito rolando ay morena beauty. Palageng naka-braide ang buhok niyang natural daw ang pagka-blonde. Mataas din siya at maganda ngumiti parang ang papa rolando niya. Si Sarry ay maputi din katulad ni tita sally at balingkinitan ang katawan. Para bang future mutya ng pag-asa. Habang si viena naman ay mataas pa sa ate niyang si carla. Maingay din ito ngunit maldita ang itsura. Maganda naman siya pero mas maganda at mas malakas ang dating ni carla. Si ellaine naman ay makulit baliktad sa nakikita kong personalidad ng papa jasper niya na tahimik lang sa tabi ng mama essa niya. Maganda din siya at palangiti. Sila ni clio ang mahilig sa pagkain.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon