------MABIGAT ang aking pakiramdam ng magising ako. Kahit umaga na ay madilim pa din sa labas dahil maulan ang panahon. Doble din ang lamig ngayon kumpara noong nakaraang taon. Ilang buwan na din kasi ay magpapasko na kaya siguro malamig na lalo ang simoy ng hangin sa labas.
Wala naman akong ginawa maghapon ngunit tila ba pagod na pagod ako. Masakit ang ulo ko at nanghihina ang aking katawan. Bumangon ako at tinignan ang oras sa phone ko. Alas otso na pala ng umaga. Late na akong nagising.
Nitong mga nakaraan ay madalas na akong late bumabangon at minsan ay hindi pa ako lumalabas ng kwarto buong araw. Nakaugalian ko na ang mag stay sa loob ng aking silid lalo na kapag may tao sa sala. Hindi na ako madalas makipag-usap sa iba kahit sa mga taong kasama ko dito sa bahay maliban kay jet at prio.
Pakiramdam ko ay kailangan kong idistansya ang sarili ko sa kadahilanang baka nga kamalasan talaga ang hatid ko sa mga taong nakapaligid sa akin at nasasaktan ako sa isipin kong iyun.
"Oh!" Nilingon ko si tita sessai na nasa tapat ng pintuan habang isinasara ng marahan ang pinto.
Ngumiti siya sa akin.
"I thought you're still sleeping kaya naman hindi na ako kumatok. I'm sorry."
"It's okay po tita.."
Tipid akong ngumiti sa kanya.
"This is our last day! Mamayang gabi na ang flight natin! Anong oras mo bibisitahin ang mommy mo?" Nakangiti niyang tanong. "..she's still your mother , gia. May karapatan pa rin naman siya na malaman ang desisyon mo kahit nakakulong siya ngayon." Nakakamangha kung paano sinabi iyun ni tita sa akin. Sinabi niya iyun na para bang walang kasalanan sa kanya si mommy. "..if you want ihahatid na kita. Baka hindi mo pa kaya ang mag drive? Okay lang ba sayo?" Saglit pa akong napatitig sa kanya bago ako ngumiti.
"I'm okay tita. I can drive po."
"Are you sure?"
"Opo! Matagal ko din na hindi makakasama ang kotse ko! Baka mamis ko!"
Pareho kaming natawa sa sinabi ko.
Nilapitan ako ni tita at hinalikan sa noo 'tsaka niya hinaplos ang mahaba kong buhok.
"Umalis lang sandali si prio at ang daddy mo. May inaayos lang sila sa restaurant duon sa pampangga. Si clio amarra naman ay nasa kusina , kagigising lang niya kaya sabayan mo na. Paalis din kasi ako dahil may biglaan akong meeting tungkol sa site sa bulacan."
"Okay po!"
Tumitig sa akin si tita at halata ang pag a-alala sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Nag a-alala ako sayo , gia. Sigurado ka bang kaya mo mag isa?"
"Opo!" Seryosong sabi ko. "..kailangan kong kayanin dahil may gusto din akong malaman mula sa kanya." I smiled. "..don't worry tita , i'll be okay. I need to do this.." Bumuntong hininga siya at ikinulong ako sa mainit niyang yakap.
"I love you so much , gia."
"I love you too tita , thank you."
"Just call me if something happened okay?"
"I will po!" Muli niya akong hinalikan sa noo.
Lumabas din si tita kaya naman naligo na ako at saglit na nag ayos ng sarili 'tsaka ako bumaba. Tumungo ako sa kusina at naabutan ko si clio na kumakain ng almusal mag-isa. Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo niya at gulat siyang napatitig sa akin. Mahina akong natawa.