Chapter 1

205 11 19
                                    


----

SOMEONE

"Are you bored?"

Nilingon ko si irish na pumasok na naman ng room ko without knocking.

"Yeah! Ilang days na kasi tayo dito sa buena resort!" Sagot ko at pinalo siya sa pwet dahil nakadapa siya sa kama ko.

"Nagsisisi nga ako dahil sumama ako sayo dito , so boring."

"Kung 'di kita naisama edi sana ako lang mag-isa ang na bo-boring ngayon.."

"Isinama pa nga ako!"

"Para saan pa at naging mag bestfriend tayo , diba?"

"Whatever!" Sabay irap niya kaya natawa ako at na-upo sa gilid ng bed.

Kinuha naman niya ang phone niya sa bulsa nang shorts niya.

"I have chika pala.."

"Ano?"

"Chismosa!" Ngumiwi ako sa sinabi niya at binato siya ng unan.

"Gaga! Malamang magtatanong ako kung ano diba?"

Tumawa siya at tumayo 'tsaka sumandal sa headboard nang bed.

"Nakita mo ba yung malaking picture sa lobby ng resort?"

Kumunot ang noo ko at inalala ang itsura ng lobby nitong resort.

"Why?"

"So nakita mo nga?"

"Yung babaeng maganda?"

"Aha!"

"Anong meron?" Nagtataka kong tanong.

"She looks familiar kasi eh! Parang nakita ko sa office ni tito jairo ang picture niya!" Inabot niya sa akin ang phone niya. "..look!" Pinagmasdan ko ang picture ng magandang babae sa phone niya. "..she's so pretty no? Ang ganda niya mag smile! She looks perfect , myghad." Saglit akong napatitig sa pader at inaalala kung saan ko ba siya nakita.

"I think i know her? Parang nakita ko na din siya pero i'm not sure.."

"She's one of the youngest CEO in tarlac daw!" Bumilog ang bibig ko sa narinig sa bestfriend ko. "..magaling daw itong humawak nang malaking company at business kaya nga may isang business magazine na tinatalakay ang buhay niya!" Dagdag pa ni irish. "..and ito pa ha , siya yung wife nitong owner nang buena resort." Duon ko na siya nakilala dahil sa sinabi ni irish.

"Sessai Buenavista?"

"Oh! You know her pala?"

"Not really.." Umiiling na sagot ko. "..naging pasyente siya ni tito jude noon!" Siya naman itong nagulat.

Myghad!

Bakit ba namin pinag-uusapan ang taong 'di naman nami lubos na kilala? Kaloka.

"Ohmyghad! So siya yung namatay sa car accident right? Yung may sakit din sa heart? Ghad. Ang ganda niya pala."

"Kaya nga eh! Sayang!"

"I didn't know na ganito siya kaganda talaga , paano pa kung personal.."

"Sabi nga ni tito gusto daw niyang ligawan ito eh nung 'di pa kasal kaso hindi pwedi.."

"Ohmyghad same lang pala kasi si tito jairo , gustong-gusto niya din ito.."

Nagkatinginan kami ni irish at sabay na pinagmasdan ang picture nung babae.

"Siguro bukod sa maganda siya ay maganda din talaga ang personality niya kaya madaming nagkakagusto sa kanya! Sayang talaga! Siguro napakaganda niya lalo sa personal!" Dagdag pa ni irish.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon