----JANNA
Muli akong bumalik sa kusina. Duon ako dumaan pabalik sa bahay dahil magkalapit lang naman ang business namin at ang bahay. Inaasahan ko naman na susundan talaga ako ni prio dahil isinilang na siyang makulit sobra. Natutuwa naman akong pagmasdan siya kapag napipikon na siya sa pag ma-maldita ko o kaya naman ay ang pagiging pasaway ko palage sa kanya.
"What do you want?"
"Akala ko ba paalis ka na? Umalis ka na. Busog ako!"
Umirap ako at aakyat na sana sa hagdan nang hawakan niya ako sa kamay at hinila ako papasok sa kusina nang bahay namin.
"Ipagluluto na nga kita kaya nga anong gusto mo?"
"Eh bakit parang galit ka pa?" Nakasimangot na tanong ko. "..kung ayaw mo akong ipagluto edi wag na lang , busog naman kasi ako." Reklamo ko pa.
"I'm not galit.."
"Ayan ka na naman sa pag english-tagalog mo!" Siya naman itong sumimamgot. "..busog nga ako!" Sabi ko.
Paalis na naman sana ako ng kusina kaso bumalot sa bewang ko ang mga braso niya at buong lakas niya akong binuhat para paupuin sa bangko. Masama ko siyang tinignan at hinampas sa braso pero hindi manlang siya natinag sa ginawa ko, tinaasan pa nga niya ako nang kilay.
"Ano ba kasi? Ang kulit mo?"
"Ano bang gusto mong food? Nagpalipas ka na naman ng pag kain mo , Janna. Tapos ay mag re-reklamo ka na nahihilo ka at nagugutom.." sermon niya. "..so ano? Anong gusto mo? Bilisan mo kasi may labahin pa akong naiwan sa bahay!" Magsasalita pa sana ako nang takpan niya ang bibig ko gamit ang palad niya. "..don't talk , mag ma-maldita ka na naman!"
Hindi na ako nagsalita nang buksan niya ang ref at maglabas ng mga kailangan niya sa pagluluto. Seryoso lang siya habang naghihiwa ng mga rekado ganuon din ang manok na kabibili lang ni papa kanina.
Tumahimik na lamang din ako at pinanood siya sa ginagawa niya.
"Sino yung babae kanina?"
Saglit niya akong tinignan at nagkibit balikat. "..i don't know!" Tumaas ang kilay ko sa naging sagot niya sa akin.
"Nagsama ka ng babae kanina na hindi mo kilala? Pinaglololoko mo ba ako?"
Ngumiwi siya at kumuha naman ng kawali at isinalang iyun sa apoy. "..i really don't know her , okay? Kanina ko lang naman siya nakilala eh , pamangkin ni doctor kang!" Dagdag niya pa at kinuha ang hiniwa niyang rekado na nasa sangkalan pa. "..hindi ko siya kilala!" Muli niya pang sabi at iginisa na ang mga rekado.
"Maganda siya! Halatang hindi taga-probisnya!" Sabi ko at pumitas nang isang saging na nasa gitna ng lamesa.
"Do you like her?"
"No!" Mabilis kong sagot at kumagat sa saging 'tsaka ko siya tinignan ng inosente.
Salubong na naman ang makakapal niyang kilay at isinalang na ang manok.
"Why?"
"Anong why?"
"Bakit hindi mo siya gusto?"
Natawa ako at tumayo 'tsaka ko pinanood ang pagluluto niya.
"Obligado ba ako na magustuhan siya?"
"Hindi naman! Hindi mo pa kasi siya kilala pero ayaw mo na agad sa kanya!"
"Because i don't like her , tapos!"