Chapter 11

167 12 26
                                    

-----

"Always remember na mahal ka ni daddy kahit wala siya dito ngayon.."

"He loves gia more than me!"

"He loves you , kuya prio. Daddy loves you so much! He can do everything for you!"

"Bakit po wala siya dito?" She smiled.

I really love watching her smile. My favorite music is her laugh. I love the way she talk about life and advices. I love staring at her. I miss her hugs and kisses. Her care , her love , and her smile na nag-aalis ng pagod ko.

My mom is the best. She's my queen. My bestfriend. My human diary. My world. My Everything. She is the meaning of life for me. Siya lang ang the best sa lahat.

"No matter what happen. Even if the worlds is unfair to you always remember that you have me and daddy gio , always."

"I love you , mom."

"Wag kang magagalit kay daddy , okay?"

"Why?" Naguguluhan na tanong ng bata kong isipan. "..he hurts you , mom. Kaya dapat po ay galit..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng haplusin ni mom ang pisnge ko habang matamis na nakangiti.

Nasasaktan ako kapag nakikita ko ang sakit sa mata ni mom kahit naka-smile siya. The way she hold my hand everytime na naghihintay kami kay daddy , ramdam ko ang pananabik niya sa bawat oras na tumatakbo habang nakatanaw sa pintuan.

Kahit gabing-gabi , nasa sala siya. Hinihintay niya si dad. Patutulugin niya kami ni clio pero after 'nun ay nasa sala na siya nagpapalipas ng gabi para hintayin si dad. She's always like that , everynight. Hanggang sa tutulo na lang ang luha ko dahil naririnig ko na siyang umiiyak habang pinagmamasdan ko si mommy.

Why? Sa murang edad ang dami kong tanong. Bakit kailangang masaktan ni mommy ng ganito? My mom doesn't deserve this kind of pain. She deserve love and not this kind of pain. Kung ako lang? Hindi ko siya hahayaan na umiyak ng ganito. Ayoko siyang umiiyak. Nasasaktan ako. Bakit ganito sila ka-unfair sa mommy ko. Bakit ganito sila sa mommy ko? Why!

"When time comes na wala na si mommy. Wag mong iiwan si daddy ganuon din si clio.." Ngumiti siya pero ang nagbabadyang luha sa mata niya ay kita ko. "..nangako ako kay papa god na hindi ko iiwan ang daddy mo kaya kapag una akong kinuha ni lord , ikaw ang tumupad ng pangako ko."

PAGOD kong naimulat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang sikat ng araw na lumalampas sa nakabukas na terrace ng aking kwarto. Mabigat ang pakiramdam ko at medyo kumikirot pa ang ulo ko.

"Buti gising ka na! Wala ka pang maayos na kain! Kumain ka muna anak!"

Tinignan ko si dad na may dalang tray ng foods. Maingat siyang na-upo sa gilid ng bed upang ipatong duon ang kanyang dala 'tsaka niya ako inalalayan na maka-upo sa bed at sumandal sa headboard ng kama.

"Umalis na si janna. Siya ang nagbantay sayo magdamag dahil mataas ang lagnat mo. May klase siya kaya sabi ko ay ako na ang bahala sayo. Pupunta na lang daw siya dito mamaya pagkatapos ng klase niya at baka kasama niya pa ang mga kaibigan niyo." Sabi niya sa akin.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakikinig sa kanya habang pinagmamasdan ko ang bawat reactions ng mukha ni dad. At duon ko naramdaman na sobrang miss ko na pala siya. Parang ang tagal na nung huli ko siyang niyakap na may pananabik katulad ng kung paano ko siya yakapin at salubungin ng nakangiti sa tuwing uuwi siya galing sa trabaho.

"May...problema ba?" Hindi pa din ako sumagot. Gusto ko lang siya pagmasdan ng matagal ngayon. "..ayaw mo ba na nandito ako?" Bumuntong hininga siya at tumayo 'tsaka malungkot na ngumiti. "..babalik ako kapag tapos ka ng kumain. Ubusin mo ha!" Sabi niya pa bago ako tinalikuran. Palabas na sana si dad sa room ko ng tawagin ko siya.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon