---GIA DINEES
"Are you okay?"
Napakurap ako at mula sa labas ng bintana ng kotse ay ibinaling ko ang tingin ko kay Jet. I smiled.
"Yeah! Why?"
"Napakalalim ng iniisip mo eh! Halatang may iniisip ka!" Seryosong sabi niya ngunit may ngiti sa kanyang labi.
Ngumiti ako at marahang pinisil ang pisnge niya. "..i'm okay! Don't worry!"
"You want coffee?"
"Libre mo?"
"Gusto mo pati coffee shop bilhin ko para sayo eh." Natawa naman ako sa sinabi niya at napailing.
Pati naman siya ay natawa sa kalokohang sinabi niya.
"Charot lang!" Sabay bawi niya.
Tumigil kami sa isang coffee shop na madadaanan namin bago makarating sa University. Sabay kaming pumasok sa loob at tumungo sa counter para mag order.
"Kaya pala familiar kay Carla ang mga menu sa Restaurant na bagong bukas last time kasi si Tita Sessai ang owner!"
"Totoo?" Gulat na sabi ni Jet.
Mahina lang ang boses namin. Sapat lang para magkaintindihan kami habang pumipila kami sa counter.
"Yeah!" I answered while smiling. "..tita sessai also plans to build another branch in Pag-Asa." Dagdag ko pa.
"Ayos yun tapos ako ang Engineer.."
Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Kapag magpapatayo ako ng sarili kong house , ikaw ang kukuhain kong Engineer." Sabi ko sa kanya.
Ngumiwi naman siya at parang babae na umirap sa akin.
"Ayaw ko!"
"Why?" Natatawang tanong ko!
"Future husband mo ako eh!"
Saglit akong napatigil sa sinabi niya at ngumiti 'tsaka napailing.
"Okay po! My Engineer!"
"Hoy! Kinikilig ako!"
"Baliw!" Hinampas ko pa siya ng mahina sa braso bago kami nag order dalawa.
Napansin ko din na pinagmamasdan siya ng ibang crew dito sa coffee shop. Instead na mainis ay proud kong tinignan si Jet na nakikipag-usap sa babae para sabihin ang order namin. Ang gwapo niya! Hindi na ako magtataka kung bakit marami din ang nagkakagusto sa kanya. Nakakatuwa din ang personality niya kaya hindi ko masisisi ang iba kung bakit gusto nila si Jet.
"Don't stare at me too much." Bulong niya. "..pinapakilig mo ako lalo!" Natawa ako at kinurot siya sa tagiliran.
Instead na masaktan ay natawa pa siya.
"Stop it.."
"Okay babe!" Natatawa niya pang sabi at hinalikan ako sa gilid ng ulo ko.
Umalis na din naman kami dahil pareho pa kaming may klase. Pagdating sa parking ay pinagbukas niya pa ako ng pinto at dinala ang gamit ko.
"Sabay tayo sa lunch?"
"If free ka , sige." Nakangiting sabi ko.
Ngumiti naman siya at tumango. Pumunta kami sa Building ng course ko. Pagdating duon ay kinuha ko na ang gamit ko.