Chapter 12

147 11 19
                                    


----

DR. JUDE KANG

"Tulungan niyo ang apo ko! Duktur! Nars! Tulungan niyo ang aking apo! Parang awa niyo na! Plis po! Plis po!"

Matandang lalaki ang nagmamadali na pumasok ng hospital. Buhat ang apo nitong babae na naliligo sa sariling dugo.

Agad na kumuha ng stretcher ang mga nurses at inasikaso ang babae. I check her vitals at tumulong sa pagtulak ng stretcher. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakaharang sa mukha nito ang buhok niya.

"Apo! Lumaban ka! Nandito na tayo! Lumaban ka! Wag mo iiwan si lolo!"

"Sorry po 'tay pero hanggang dito na lang po kayo.." Sabi ni nurse peng at isinara ang pinto ng Emergency room.

"What happened to the patient , doc?"

"She's...." Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng makita ko na ang mukha ng babae.

Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa babaeng nakahiga sa hospital bed at naliligo sa sariling dugo.

Imposible!

Paanong nangyari ito? Bakit tinatawag ng matandang iyun na apo si sessai?

"Doc!"

Nagugulat 'man ay ginawa ko agad ang responsibilidad ko as a doctor. Ginawa namin ang lahat sa pasyente pero hindi na naka-survive ang pasyente. Madami itong sugat sa katawan. Maraming dugo ang nawala sa kanyang katawan. At malala ang sugat sa ulo niya dahilan kung bakit hindi na din niya nakayanang lumaban.

Punong-puno ang utak ko ng lumabas ako ng E.R makalipas ang ilang oras. Agad na lumapit sa akin ang matandang lalaki at umiiyak na kumapit sa mga braso ko.

"Dok! Ano pong lagay ng aking apo? Ligtas na po ba siya? Kamusta ho siya?"

"I...i'm sorry po 'tay!"

"Dok!"

"Wa....wala na po siya! Marami pong dugo ang nawala sa kanya! Malaki din po ang sugat niya sa ulo at nabuo ang maraming dugo duon! Bukod po duon ay malaki ang bubog na tumama sa kanyang leeg kaya po..."

"HINDI PO MAAARI!" Napapikit ako sa malakas na iyak ng matandang lalaki at halos lumuhod sa harapan ko. "..hindi pa ho siya pweding mawala....Umuwi ho kami dito sa tarlac para makita ang kapatid niya....hindi maaari...bakit...dok..buhayin niyo ho ang apo ko...hahanap ako ng malaking halaga....basta buhayin niyo ang aking apo....nagmamakakawa ako" Hindi ko siya matignan ng diretso. Bukod sa masakit pakinggan ang pag-iyak niya ay nakakadurog ng puso ang itsura niya.

"Sorry 'tay pero ginawa na po namin ang lahat para mabuhay ang apo niyo."

Dahan-dahan akong lumuhod upang alalayan ang matandang lalaki na maka-upo ng maayos. Nanginginig siya at walang tigil sa pag-luha ang mga mata niya.

"Sana ako na lang ang na-aksidente. Kung hindi ako itinulak ng apo ko ay baka buhay pa siya...sana ako na lang ang nabangga hindi ang aking apo."

"Tay.."

"DOCTOR KANG! DOCTOR KANG!"

Napalingon ako kay Doctor Aradillos na nagmamadali sa pagtakbo palapit sa akin.

"Si sessai nasa kabilang operating room. Zac is with her." Agad akong tumayo at paalis na sana ng hawakan ako ng matandang lalaki sa braso.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon