-----FLOR
NABITAWAN ko ang hawak kong kutsilyo ng mahiwa ako sa daliri. Dumugo agad iyun dahil nasagad iyun sa laman.
"Sabi ko naman sayo wag mong papatulan eh!" Kumunot ang noo ko ng marinig ang pagdating nila viena.
"Ay bakit naman hindi? Siraulo pala siya eh!" Lumabas ako ng kusina dahil narinig ko ang malakas at galit na boses ng bunso kong anak. May kaaway yata!
Nakita kong kasama niya si tinay , sarry at chloe.
"Anong meron dito?"
"Tita!" Sabay na tawag sa akin nung tatlo at nagmano ng makalapit ako.
"Saan kayo galing? Mukhang may problema yata kayo ah?"
"Si viena kasi , tita!" Sumbong ni sarry.
Tinignan ko naman ang anak ko at nakasimangot ito habang nasa labas ang tingin. Bumaba din ang tingin ko sa kamao niya na nakakuyom at mapula.
"Anong nangyari sa kamao mo? Bakit mapula? Nakipagsuntukan ka ba?"
"Opo!" Sabay na sagot naman ni tinay at chloe kaya nilingon sila ni viena.
"Lumayas na nga kayo!"
"Viena! Ano ba yan?"
"Oh? Bakit ayaw mong malaman ng mama mo?" Paghahamon pa ni sarry sa kanya. "..galing po kasi kami sa kabilang brgy tita flor kasi po dumayo po kami ng volleyball duon eh." Panimula ni sarry sa nangyari. "..nung pauwi na po kami nakita po namin si aldrin na kasama si krisha. Yung anak ni Mang adonis. Yung may tindahan po sa tapat ng gotohan sa may anawan." Dagdag pa nito.
Malayo ang anawan dito. Nakilala ko lang dahil kilala ko si mang adonis. Isa kasi ito sa may-ari ng malawak na palayanan sa brgy anawan kaya kilala siya dito.
"Ano naman kung kasama? Anong meron?" Nagtataray na tanong ko.
"Ma naman! Syempre nakaakbay siya kay krisha nung makita ko! Anong gusto mong gawin ko?"
"Anong karapatan mo duon? Bakit mo sinuntok si aldrin?"
"Eh tarantado pala siya eh!"
"Viena heart!"
Nagbabanta na tawag ko sa kanya. Naghahabol na siya ng hangin at mapula na ang mukha. Galit talaga ang bunso ko.
"Anong karapatan niya na umakbay sa ibang babae habang nililigawan niya ang ate carla ko? Wala siyang karapatan! Gago pala siya eh! Akala niya walang makakakita sa kagaguhan niya? Porke wala ang ate ko dito? Siraulo siya!"
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamao ni viena.
"Tama na! Baka bumagsak ka na naman dahil sa puso mo! Kumalma ka na anak! Ako na ang bahala duon , okay? Magpahinga ka na at kakain na tayo ng hapunan mamaya!"
"Oo nga , vianing. Kumalma ka na! Hindi makakabuti sayo ang sobrang galit!"
Sabi ni tinay sa kanya at inabutan siya ng isang yakult.
"Yan lang kaya kong ibili eh , isa lang."
"Salamat!" Tipid na ngumiti si viena.
"Sige na. Aalis na kami ha. Gabi na din eh baka hanap na din kami sa bahay."
Paalam naman ni chloe.
"Alis na po kami , tita flor."
"Mag-iingat kayo!"