----
XYREEL
"Sa totoo lang nakaka-miss maging highschool diba?" Sabi ni Kenneth at kumagat sa burger niya.
Nag da-diet daw kasi siya kaya fries and burger lang ang lunch niya ngayon. Tumataba na daw kasi siya. Naghahanda na din daw siya para sa basketball.
As usual. Gusto nila maging parti ng team.
"Oo! Iba ang highschool eh! The best!"
Sagot naman ni Jhommel at uminom sa mineral water niya. Katabi niya si carla na tahimik lang na kumakain.
"Aba noon nga mas pino-problema ko pa kung paano ako magkakaroon nang wamport kesa duon sa quiz eh!"
Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Jet.
Siraulo talaga!
"Hindi mo maiisip yung quiz kasi mas iniisip mo pa kung paano ka magkakaroon nang papel eh!" Dagdag ni Vincent na nasa tabi ko.
Nagtawanan ulit kami habang inaalala ang mga kahangalan noong highschool at syempre sila jet ang nangunguna sa kalokohan kaya sila itong madaming kwento habang kumakain kami nang lunch dito sa canteen.
"Palibhasa kasi ay pumapasok ka lang!"
"Nag-aaral ako Jenelle!"
Singhal ni Jet kay Jenelle na kanina pa wala sa mood. Hindi siya makulit ngayon eh. Hindi siya maingay dahil nga siguro wala sa mood kaya nagsusungit.
"Magkaiba ang pumapasok lang sa nag-aaral mismo , jet!" Dagdag pa ni Jenelle.
"Pasado ang grades ko , tol. Hindi ako makakapasa sa engineer kung hindi ako nag-aaral!" Depensa pa ni Jet.
Sila kenneth naman ay pangiti-ngiti na halatang nagugustuhan ang pagtatalo ni Jet at Jenelle. Hayst! Lahat na lang ay nakakaasaran ni Jet dahil hindi din siya nauubusan ng sinasagot. Kaya niya ngang i-depensa ang sarili niya kahit kanino eh. Dapat siguro ay nag abogado siya kesa engineer dahil mahilig din naman siyang makipagtalo at ipagalaban daw ang karapatan niya. Siraulo din talaga!
"Ikaw na ang best in Math!" Pikon na sabi ni Jenelle at inirapan pa si jet.
Jusko naman!
"Thank you , jenelle!" Ngiting-ngiti na sabi ni Jet. "..ikaw naman ang the best sa kusina kaya nga tumataba ka eh!" Hinampas ko sa braso si jet dahil sa sinabi niya. Okay na eh. Dinugtungan pa niya.
Paano pa sila matatapos sa bangayan?
"Hoy Jet! Kapag ikaw nalapitan ko! Ihahampas kita sa pader! Wag mo sabihin na hindi ko kaya! Sa payat mong yan? Sa tingin mo may laban ka sa akin? Malaki naman braso ko sayo. Siguradong uuwi kang gumagapang!"
"Ohmyghad! I'm scared!" Kunwaring bakla na sabi ni jet. Nang-aasar talaga.
"Siraulo ka. Dahan-dahan sa mataba. Tinatamaan din ako!" At mabilis na pinitik ni kenneth ang noo ni jet.
Hindi siya agad nakaganti dahil sa sakit ng pagkakapitik sa kanyang noo.
Magkakasama pa din kami ng matapos ang lunch break. Tumambay pa kasi kami saglit sa lobby dahil may 30 minutes pa kami pero ng malapit nang mag time ay nagpaalam na si jet para mauna na sa amin. Si jhommel naman ay nag-insist ulit na ihatid si carla , madalas na silang ganuon kaya wala na ding nagagawa si carla dahil kahit naman tanggihan niya ay nakasunod sa kanya si jhommel.
"Mauna na kami sa inyo.." Nakangiti na sabi ko kela Janna at prio.
Alam ko kasing ihahatid pa ni prio si janna kaya mauuna na kami.