---XYREEL
Maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw ko sa college. Well! Lage naman talaga akong maaga magising. Si irish nga ang late palage. Na-late lang naman ako nung enrollment dahil madami akong ginawa before ang araw nang enrollment kaya pagod ako at tinanghali nang gising. Siya nga itong alas-otso na ang pinaka maaga sa kanya at alas onse na ang pinaka-late na gising sa kanya araw-araw.
Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Nag white jeans lang ako at komportableng t-shirt na cream ang kulay 'tsaka black shoes. Hinayaan ko muna na nakalugay ang mahaba kong buhok 'tsaka ako bumaba dala ang gamit ko. Si mommy ang inabutan ko sa kusina , abala siya sa paghahanda ng pagkain sa lamesa habang si daddy naman ay nasa palawan pa dahil may medical mission sila duon kasama si tito jude. Doktor din kasi ang daddy ko habang si mommy naman ay teacher sa isang high school dito sa tarlac.
"Ihahatid na kita sa school mo.."
"Hindi na po mommy!" Sagot ko at humalik sa pisnge niya 'tsaka kami naupo para kumain. "..pupuntahan ko pa kasi si irish kela tito jairo eh!" Sabi ko sa kanya.
"Okay sige! Magpahatid ka na lang kay kiko para hindi kayo ma-late sa first day nang class niyo!" Pagtutukoy ni mommy sa family driver namin.
"Hindi ka po ba ihahatid ni Mang kiko?"
"Gagamitin ko ang kotse ng daddy mo kaya gamitin niyo na ang kotse ko para hindi na kayo mag taxi.."
"Sige po!"
Madalas talaga ay kami lang ni mommy ang kumakain ng sabay. Si daddy kasi ay madalas wala sa bahay dahil nga sa trabaho niya sa hospital pero syempre bumabawi naman siya sa tuwing rest day niya. Family time namin palage ang mga araw na wala siyang pasok sa hospital pero minsan ay may emergency kahit naka-rest day siya. Naiintindihan naman namin ni mommy ang bagay na yun. Sa totoo nga lang ay sanay na kami sa trabaho ni daddy. Nasanay na ako dahil bata pa lang ako ay ganuon na ang oras ni dad.
Naiwan ang dalawang katulong namin sa bahay pag-alis namin ni mommy. Dumiretso na kami agad sa Village nila Tito jairo dahil duon natulog ngayon si irish. Late na kasi siyang umuwi galing kela Jenelle kagabi kaya hindi na siya nakauwi sa kanila dahil siguradong papagalitan na naman siya ni Mama liza.
Nasanay na din kasi ako na Mama ang tawag sa mommy ni Irish.
"Good morning po tito.."
"Maganda ka pa sa umaga , xyreel!"
Ngumiti ako at bumeso sa kanya ng pumasok ako sa bahay nila.
"Si irish po?"
"Nasa kwarto niya pa! Nagbibihis na siguro yun!" Nakangiti niyang sagot at tumungo kami sa sala. "..kumain ka na ba ng breakfast? Kumain ka muna habang naghihintay ka sa kaibigan mo." May hawak pa si tito na isang tasa ng kape.
Nainggit tuloy ako! Gusto ko din ng kape!
"Thank you po tito pero kumain na po ako sa bahay bago umalis.."
"Kape?" Natatakam man pero tumanggi ako at ngumiti kay tito jairo.
"Okay lang po tito! Busog na po!"
"Okay sige may titignan lang muna ako sa likod ng bahay.."
"Sige po!"
Bihira akong pumunta dito sa bahay nila tito Jairo. Nahihiya kasi ako sa asawa niya dahil hindi naman ito nagsasalita sa amin. Mabait naman ang wife niya yun nga lang ay tahimik kaya hindi namin magawang mag stay dito para tumambay o kaya naman ay mag overnight dahil hindi namin makuha ang ugali ng asawa ni tito.