Chapter 14

140 11 9
                                    


------

MENG

"Makikinig kami!" Ngumiti ako kahit na patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.

Humakbang ako palapit kay sessai at marahan kong hinaplos ang mga peklat sa kanyang braso. Pinasadahan ko ng daliri ko ang malaking bakas ng sugat sa kanyang leeg at peklat sa kanyang pisnge.

Puno ng sakit ang mga mata niya na ngayon ay katulad kong lumuluha. Ngumiti ako upang iparating sa kanya na kahit mahaba ang taon na nawala siya sa amin ay kami pa din ang pamilyang babalikan niya. Kahit walang paliwanag , kahit anong dahilan , bukas ang aming mga braso upang ikulong siya sa aming mga yakap. Kung yun ang isa sa magpapagaan ng pakiramdam niya ay ibibigay namin dahil wala pa 'man siyang sinasabi at wala pa 'man na salita ang lumalabas sa kanyang bibig ay kita at ramdam na namin ang sakit na pinagdaanan niya sa loob nang mahabang taon na inisip namin siyang wala na at patay na.

"Kahit ano pa ang dahilan mo. Kahit ano pa ang rason na ibigay mo sa amin. Makikinig kami. Walang judgement. Tanggap ka pa din namin." Umiiyak na sabi ni flor at hinalikan si sessai sa noo.

Napapikit ng mariin si sessai at maya-maya pa ay tinignan niya kaming tatlo.

"Two months ago before that accident happened. Huminge ako ng schedule kay Dr. Kang kasi may mga nararamdaman ako sa katawan ko na habang tumatagal ay lalong nagpapahirap sa akin!" Iyun ang naging panimula niya. "..and then after kong magpa-check up at dumaan sa mga test. Nalaman namin na namamaga ang puso ko. May ugat sa puso ko na hindi normal ang takbo ng dugo at hindi din normal ang tibok nito which is sobrang delikado. Gustong-gusto ko sabihin sa inyo. Para akong bata na iyak nang iyak nung time na nalaman ko iyun. Kaso 'di ko ginawa kasi inisip ko. May pamilya na kayo. May mga anak kayo na dapat niyong unahin kesa sa akin. Kumbaga---hindi na ako yung nasa first priority kasi may mga anak at pamilya na kayo at ganuon din ako. So i decided na hindi na sabihin sa inyo at kinausap ko si Dr. Kang about sa case ko and he said na malala na. But still humawak ako sa pag-asa na madadala pa ng gamot." Para na akong bata na humahagulhol sa pag-iyak habang nakikinig sa mga salita niya.

"Ipinagpatuloy ko ang buhay ko kahit alam kong hindi na normal. Everytime na sumasakit ang dibdib ko na halos hampasin ko na ang dibdib ko. Pilit kong itinatago. Matalino si prio! Alam kong ramdam niya! Alam kong nakikita niya ako! Pero pinaniwala ko ang sarili ko na kaya kong itago at palakasin ang sarili ko ng hindi nagsasabi sa inyo!" Pinunasan niya ang kanyang mga luha at muling nagsalita. "..akala ko tapos na pero hindi pa pala. Bukod sa sakit ko sa puso. Lumala ang anxiety ko at kailangan ko na ng doctor for my depression!" Pare-pareho kaming napamura dahil sa narinig sa kanya.

"Dapat nagsabi ka! Pamilya mo kami! Hindi ito biro sessai! Buhay mo yun! "

"Alam ko!" Sagot niya kay flor. "..pero mahal ko kayo kaya hindi ako nagsabi. Sabi ko pa nga. Kung darating yung time na kukuhain ako ni lord. Alam kong hindi niyo pababayaan ang mga anak ko. Pero nagpalakas pa din ako. Nag search ako ng mga gamot na makakatulong sa akin. Gusto ko ng isuka ang malalaking gamot na tine-take ko everyday lalo na kapag inaatake ako ng depression. Kasi sabi ko. KAILANGAN AKO NI GIO. KAILANGAN AKO NG MGA ANAK KO. Pero lumala lalo ang sakit ko ng pumasok sa buhay namin si kristel at gia." Ang dami kong gustong sabihin pero mas pinili ko na lang ang tumahimik.

"Si lord na lang yung hawak ko! Segu-segundo yata nagdadasal ako sa kanya! Nagmamakaawa ako na bigyan niya pa ako ng lakas para sa mga anak ko! Kung 'di man kayanin ng katawan ko kahit lakas na lang para sa anak ko. Lakas na lang para kay prio. Sabi ko wag niyang hayaan na magtanim ng galit ang panganay ko sa daddy niya!"

"Niloko ka na pero inaalala mo pa din si gio!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Kinausap ko si gio. Ang sabi ko bumalik na siya. At nung time na yun alam kong babalik na siya pero sinugod ako ni kristel sa company. Nag-away sila ni kuya kasi tinawagan ko si kuya na puntahan ako sa office para harapin si kristel kasi natatakot ako para sa sarili ko! Natatakot ako na baka biglang bumigay ang puso ko ganuon din ang katawan ko! So i called kuya zac para siya ang humarap kay kristel. And that accident happened.." nahugot namin ang hininga ng makita ang tipid na ngiti sa kanyang labi pero gumuguhit ang sakit at lungkot sa kanyang mga mata.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon