Chapter 27 - Bagong Simula

156 12 16
                                    


----

Inayos ko ang mga gamit ko sa table ko at pinatay ang computer na ginagamit ko.

Napatingin naman ako kay rizalyn ng katukin niya ang table ko.

"Sama ka Carla? Inom tayo saglit!" Sabi niya pa at may tinype sandali sa phone niya bago muling tumingin sa akin. "..mga ka-work mates lang din naman ang kasama natin , sama ka na." Sabi niya pa at kumurap-kurap na parang aso.

Ngumiti ako at isinabit sa balikat ko ang bag ko.

"Next time na lang ako!" Sagot ko at sumimangot naman siya. "..kakain kami ng boyfriend ko sa labas eh. Ngayon lang kami ulit magkikita." At sobrang mis na mis ko na talaga si jhommel.

Sobrang busy ko sa work ko at ganuon din si jhommel. Marami din kasi siyang project dahil isa siya sa pinaka-magaling na architect ngayon. Kilala siya at ganuon din si Engineer Jet na palage niyang nakakasama sa project. Dahil sobrang ipit ng schedule namin ay hindi na kami madalas magkita. Sa totoo lang ay sobrang mis ko na siya , sobrang dami kong pagod sa trabaho at kailangan ko na talagang makita si jhommel para mawala naman ang pagod ko.

"Sana all talaga may jowa eh." Natawa ako dahil nakasimangot na talaga siya.

"Sana nga magkasama kami sa anniversary namin. Sobrang busy namin pareho."

"Ilang years na nga kayo?"

Matamis akong ngumiti at may lihim na kilig sa sistema ko ng tumingin ako sa kanya.

"7 years!" Napatakip siya sa bibig niya at nagpapadyak na parang bata.

"Sana all nag ce-celebrate ng 7 years. Punyeta!" Natawa ako at sabay kaming naglakad palabas ng banko kung saan kami nag ta-trabaho. "..lord! Kelan ba yung sa akin? Malapit ng mawala ang edad ko sa kalendaryo pero wala pa din akong jowa. Bakit naman ganuon?" Pag da-drama niya.

"Makakahanap ka din.."

"Kailangan yata maghanap na ako!"

"Sige. Simulan mo na."

Ngumiwi naman siya kaya lalo akong natawa.

Paglabas namin ng bank ay nagpaalam pa kami kay manong guard. At napangiti ako ng makita ko si jhommel na naka-sandal sa kotse niya habang naka-ekis ang mga binti at naka-pamulsa sa pantalon niya. Ngumiti siya agad ng bumaling ang tingin niya sa akin. Agad naman akong tumakbo palapit sa kanya at ibinuka niya naman ang kanyang mga braso upang salubungin ako ng mahigpit na yakap. Napapikit ako ng maramdaman ko ang init ng yakap niya. Paulit-ulit niya ding hinalikan ang ibabaw ng ulo ko at ang aking noo. Bahagya akong tumunghay sa kanya pero nanatiling nakayakap sa bewang niya ang mga braso ko. Mas lalo akong napangiti ng halikan niya ako sa magkabilang pisnge , sa ilong at siniil ng halik ang labi ko.

"I really miss you , hon."

"Sobrang miss din kita , hon. Buti na lang may time ka ngayon?"

Muli niya akong niyakap kaya naman isinandal ko ang sarili ko sa dibdib niya.

"Sorry kung nawalan ako ng time. Sobrang dami lang trabaho lalo na't may problema sa site duon sa rizal. I'm sorry." Bumitaw ako sa kanya at tumingkayad upang halikan siya sa labi.

Ngumiti ako at inayos ang buhok niya.

"It's okay! Busy din naman ako!" Sabi ko habang nakangiti. "..sobrang namiss lang talaga kita!"

Ibinalot niya sa bewang ko ang braso niya at diretso akong tinitigan.

"Let's date because you miss me.." Natawa ako at pinalo siya sa braso. "..just kidding ,hon." Natatawa niya pang sabi at hinalikan ako sa noo.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon