---JANNA
"Opo papa!" Sagot ko habang kausap si papa sa screen ng aking laptop.
Hindi ko siya magawang tignan dahil sa dami ng paper works ko sa table ko.
"Matagal ka ng hindi umuuwi anak. Puro ka na lang negosyo. Tumatanda na kami ng mama mo." Sermon niya pa. "..hindi mo ba kami namimiss anak? Sana naman ay makauwi ka ng maaga bago mag pasko para naman mas mahaba ang bakasyon mo!" Nagtatampo na sabi pa ni papa kaya napabuntong hininga ako.
Inipon ko sa isang folder ang mga papers na natapos ko ng pirmahan.
"I'm finishing all my schedule papa before Christmas because I also want to go home." Sabi ko at saglit siyang tinignan. "..babawi po ako papa. Miss ko na kayo ni mama!" Pagod na sabi ko. Tipid akong ngumiti sa kanya.
Sobrang dami kong pagod dahil sa dami ng schedule ng meetings ko. Mga appointments at meetings na kailangan kong puntahan. Sobrang hands on ko sa business ko at sa M-Cupcakes kaya heto at naiipit ako sa dami ng trabaho.
Matagal na rin noong huling beses akong umuwi ng pag-asa. Nagtatampo na nga sila papa dahil hindi na daw nila ako nakikita. Noon ay umiiyak pa ako sa tuwing nagkakasakit ako dahil malayo sila sa akin....at wala rin si prio. Pero ngayon ay kaya ko na ,kailangan kong kayanin ng ako lang. Hanggang sa unti-unti ay nasanay na rin ako.
"Nasan po si Jareed?" Tanong ko.
Awtomatikong sumilay ang ngiti ko at binitiwan ang paper works ko ng makita ang pagsilip ng kapatid ko sa screen ng laptop.
"Baby ko!"
"Ate! Ate! I miss you ate!" Malakas na sabi niya at tinadtad ako ng halik sa screen. "..when are you going home , ate. Marunong na po ako mag-bike dahil tinuruan po ako ni papa kanina." Ngiting-ngiti na sabi niya pa. Nakakatuwa siyang panoodin habang nag ku-kwento. Nakaupo siya sa mga hita ni papa habang nasa likuran nila si mama na abala sa pagluluto. "..look ate!" Inangat niya ang palad niya at nakita kong mapula iyun at may gasgas. "..nagkasugat po ako kasi natumba po ako pag ba-bike ko kanina pero ayos lang kasi po sabi ni papa ganuon daw po talaga kapag nag u-umpisa pa lang!" Dagdag niya pa. "..pag-uwi mo ate mag ba-bike po tayo ah?" Dagdag niya.
"Hindi ba masakit?"
Malambing na tanong ko at umiling-iling naman siya habang pinipisil ang pisnge ni papa. Ginagawa niya iyun habang nakatingin sa akin.
Ang cute.
"Hindi po masakit ate."
Ngumiti ako at pinagmasdan ang kapatid ko na tumatawa na habang kinikiliti ni papa.
Malaking biyaya ang pagdating ni jareed sa amin nila papa at mama. Akala namin noon ay hindi na talaga ako magkakaroon ng kapatid pero five years ago ay sobrang nagulat at natuwa kami dahil sa balitang buntis si mama. Maselan ang pagbubuntis ni mama katulad ng kung paano niya ako pinagbuntis noon pero doble ang pagbabantay at pag i-ingat sa kanya ng doctor na kinuha namin para sa kanya. Sobrang saya ko lalo na ang mga magulang ko habang nakikita ang paglaki ng tiyan ni mama at mas naging masaya at kumpleto kami ng masilayan na ni Jareed ang mundo kasama kami. Normal ang lahat sa kanya at sobrang thankful kami dahil walang sakit si jareed. Isa si jareed sa rason kung bakit nagsisikap ako dahil gusto ko siyang suportahan sa lahat ng bagay o pangarap niya sa pagdating ng panahon. Because of jareed , pakiramdam ko nabuhay ako ulit. Nabuhay ako mula ng iwan ako ni prio. Nagkaroon ng kulay ang mundo ko dahil sa pagdating ng kapatid ko.
"Huwag kang makulit kay mama at papa ha?"
"Si papa busy din po sa work pero lage siyang umuuwi dito sa bahay kasi miss daw niya ako agad. Siguro kaya hindi ka umuuwi kasi hindi mo ako namimiss. Palage pong work lang. Hindi mo na po ba miss si jareed?" Nadurog ang puso ko at agad na namuo ang luha sa gilid ng mata ko.