Special Chapter of Jet and Gia

124 11 5
                                    


----

GIA DINEES

Kunot noo kong tinignan si mommy ng makita kong kalalabas niya sa room ni daddy. Malakas niya pang isinara ang pinto ng kwarto at bumabakas ang inis sa kanyang mukha.

"Why?" Walang gana kong tanong.

Wala si dad ngayon dahil may biglaan siyang meeting sa pampangga. Kasama niya si prio duon kaya nakapunta siya. Ayaw kasi siyang payagan ni prio dahil baka sumama na naman ang pakiramdam ni dad. Wala tuloy choice si dad ng mag insist si prio na samahan siya.

Driver nila si tito jolex. Si clio naman ay kasama ni zir ngayon sa mall.

"Nakita kong nasa bed ng daddy mo ang mga pictures ni sessai. Nag p-play pa ang mga videos ng probinsyanang yun."

Bumuntong hininga ako at sinundan si mommy na bumaba ng hagdan.

"Masaya duon si daddy. Hayaan na..."

"Pwedi ba gia? Wag mong pairalin ang katangahan mo ngayon!" Singhal ni mommy sa akin ng saglit niya akong lingunin bago muling bumaba nag hagdanan. Manhid na yata ako sa mga salita ni mommy. "..naiinis ako kaya wag ka na lang magsalita kung wala din naman akong maririnig na maganda mula sayo , okay? Umiinit lalo ang ulo ko!" Sabi niya pa at dumiretso sa mga alak niya. Pinanood ko siyang magsalin ng paborito niyang alak sa kanyang baso.

Naaamoy ko naman ang nilulutong pagkain ni manang mula sa kusina.

"Patay na ang babaeng yun pero siya pa din ang hinahanap ng daddy mo! Kung hindi niya ako binuntis edi sana masaya siya sa probinsyanang iyun!"

"Kung hindi tayo naghabol kay dad. Wala siguro tayo sa ganitong sitwasyon mom!" Natatakot 'man pero lakas-loob kong sinabi iyun kay mommy.

"Kung hindi ako naghabol sa daddy mo edi sana hindi tayo kumpleto ngayon! Wala kang daddy! Wala ka sa pamamahay na ito! Edi sana wala akong magandang posisyon sa kompanya ngayon!" Sigaw ni mommy. "..ginawa ko lahat ng iyun para sayo pero hindi mo ma-appreciate? Ganyan ka na ba talaga gia dinees ha?" Napaiwas ako ng tingin. "..i'am your mother , gia. Ako ang kakampi mo sa bahay na ito. Ako lang walang iba. Darating ang panahon at tatalikuran ka din nila prio at clio. Kaya wag kang umasa na okay kayo anak. Mabait lang sila sayo para makuha ang loob ng daddy mo!" Sigaw niya pa at totoong kumirot ang dibdib ko.

Agad na nagbadya ang mga luha ko at nasasaktan akong tinignan siya.

"Instead na pagaanin niyo ang loob ko at piliin na maging maayos ang pamilya na ito. KAYO MISMO ang humihila sa akin pababa , mom. Kelan mo ako iaangat , mommy? Ikaw dapat ang mag angat sa akin pero ikaw pa ang nagpapamukha sa akin na anak lang ako sa labas.."

Napaatras ako ng ibato ni mommy ang baso na hawak niya at nabasag iyun sa mismong harapan ko.

"Masiyado kang ma-drama! Tigilan mo ako gia! Tama ang mga sinasabi ko! Ikaw lang itong hindi ako maintindihan!"

Tumulo ang luha ko.

"KRISTINA!"

"Ma-madam!"

"LINISAN NIYO YAN AT PWEDI BA? PAKIBILISAN ANG PAGLULUTO NG HAPUNAN! NAGUGUTOM NA AKO! BAKA GUSTO MONG PALAYASIN NA KITA? WALA KANG SILBI! PALIBHASA AY MATANDA KA NA!"

Kahi kelan ay wala talagang preno ang bibig ni mommy. Wala siyang pakielam kung makasakit siya.

Umiiyak kong tinignan si mommy na tumungo sa pool area dala ang isang bote ng paborito niyang alak.

"Luto na ang hapunan anak. Gusto mo na ba kumain?" Nanduon ang pag-aalala at lambing sa boses ni Manang kristina.

Kahit lumuluha ay ngumiti ako at pinunasan ang basa ko pisnge.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon