-----PRIO
"Tinay!" Bahagya niya lamang akong nilingon.
Nanatili ang tingin niya sa kwarto kung saan nakahiga sa hospital bed ang papa niya. Maraming naka-kabit dito at walang malay.
"Tinay!" Muli kong tawag at hinaplos ang mahaba niyang buhok. "..you need to rest too. Baka ikaw naman ang magkasakit. It's 3am already , tinay. Wala ka pang tulog." Nag a-alala na sabi ko sa kanya ngunit 'di siya sumagot.
Hinaplos niya ang transparent na salamin kung saan kitang-kita ang papa niya kahit nandito lang kami sa labas ng kwarto.
"He'll be okay. Kailangan niya lang ng pahinga."
"Ano pong balita sa results , Doctor Buenavista?"
Magalang at puno ng respeto ang pagtawag niya sa akin.
"Sabi ni Doctor Santos." Pagtutukoy ko sa asawa ni tita sally. "..mamaya pa daw natin malalaman ang results ng mga test ni tito. Ayokong magbitaw ng salita para umasa ka but i want you to be ready , tinay. Maaaring hindi maganda ang maging resulta ng mga test ni tito rolando." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang braso niya upang iharap siya sa akin. Magang-maga na ang mata niya dahil sa sobrang pag-iyak. "..iluluwas natin siya ng manila , okay? Dadalhin natin siya sa magandang hospital para gamutin siya. Magiging okay siya , ha? Stop crying , my tinay. Pray ka lang. Everything will be fine." Sabi ko at isinandal siya sa dibdib ko. Tila sinaksak ang puso ko ng marinig ko na ang malakas niyang hikbi.
"Hindi ko kaya ng wala si papa.."
Hindi ako sumagot. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya habang patuloy kong hinahaplos ang mahaba niyang buhok.
"Pakiramdam ko ay sinasaksak ang puso ko habang wala siyang malay....iniisip ko pa lamang na wala si papa ay para na akong mamamatay....hindi ko kaya...i can't live without papa....siya ang buhay ko...si papa lang ang kailangan ko...si papa ang buhay at mundo ko...kapag nawala si papa , ano pang silbi ko? Hindi ko kaya ng wala si papa sa buhay ko.."
"Don't say that , tinay. Magiging okay siya. Dadaan siya sa maraming test at pag ga-gamot at gagawin namin ang lahat para magamot siya."
"Bata pa lang ako , kami na ni papa ang palageng magkasama....kasama niya ako sa bukid , sa palayanan , sa dagat....kasi mahina na rin si lola kaya hindi na ako maalagaan....si papa palage ang nandiyan...si papa palage ang kasama ko...si papa ang nagsasabit ng medalya para sa akin...si papa yung proud na proud palage sa akin...si papa palage...si papa lang...kaya hindi ko kaya...hindi ko po kaya ng wala si papa...walang tinay kung wala si papa...ayoko..'di ko kaya..No."
"I love you , tinay."
Yumakap siya sa akin pabalik at sa yakap ko siya umiyak ng umiyak.
Hindi ko pa rin nakumbinsi na umuwi si tinay kaya naman sinamahan siya ni mommy na magbantay kay tito rolando. Alas-kwatro na ng madaling araw ng makauwi ako. At naabutan ko si janna na nakahiga sa mahabang sofa , sa sala nila tita sally. Si jhommel naman ay karga si carla at umaakyat na sila ng hagdanan. Kakapasok lang ni jet sa kwarto habang si tita gia naman ay galing sa kusina at may dalang tubig.
"How's kuya rolando?" She asked.
"Naghihintay pa kami ng results ng mga test niya." Sagot ko.
"Si tinay?"
"Ayaw niyang iwanan ang papa niya. Kaya sinamahan na muna siya ni mommy."
Bumuntong hininga si tita gia.