----JANNA
NAPANGITI ako ng mapagmasdan ko ang itsura ni gia. She looks so beautiful in her wedding dress. Lalong lumabas ang ganda niya at kitang-kita pa ang magandang hubog ng kanyang katawan sa suot niyang gown na si tita zab mismo ang nag design. Ang asawa ni kuya zac. Makikita mo sa mga mata ng bisita ang paghanga dahil sa ganda ng bride.
Habang naglalakad ay tumutulo ang luha niya na pilit niyang pinipigilan. Ngunit sa likod ng mga luha niya ay makikita mo ang saya habang diretsong nakatitig sa lalaking naghihintay sa kanya sa dulo ng altar. She's happy.
Tila nabiak ang puso ko ng mahagip ng paningin ko si jet na diretsong nakatitig kay gia habang si gia ay nakatitig sa fiancee niya. Tinatapik ni jhommel ang balikat ni jet habang may ibinubulong dito. Tipid na ngumiti si Jet at tumingala upang pigilan siguro ang luha. Palihim niya pang pinunasan ang luha niya bago ngumiti at tumango-tango.
Kinausap rin siya ni prio. Ngumiti lang rin siya habang tinatapik na rin ni prio ang balikat niya. Tila ba pinapakalma siya.
"Masakit na makita siyang nasasaktan!" Sabi ni carla na nasa right side ko.
Tumango ako at tipid na ngumiti.
"Siguro dahil nakita natin kung paano naghintay si jet kay gia. Naging witness tayo kung paano naging excited si jet tuwing malalaman niya na okay si gia at nagiging okay na ang sitwasyon niya. Kaya siguro masakit rin para sa atin kasi nakita natin kung paano naghintay si Jet tapos hindi siya ang end game." Emosyonal kong sabi pa.
Mararamdaman mo talaga na totoo ang lahat ng salita na lumalabas sa bibig ni gia at ng mapapangasawa niya. Halata mo sa ganda ng ngiti ni gia na masaya siya kahit patuloy na tumutulo ang mga luha niya habang diretsong nakatitig sa groom niya. Na tila ba may sarili silang mundo , na para bang walang ibang tao ngayon sa simbahan na ito at sila lang nandito.
Ano kayang pakiramdam ng ikasal? Bigla ay napatanong ako sa sarili ko.
Kapag ako kaya ang ikakasal? Ano kayang mararamdaman ko?
Napangiti ako sa sarili kong iniisip.
At wala sa sarili akong napalingon kay prio at bahagya pa akong nagulat ng mapagtanto kong nakatiig rin siya sa akin. I smiled.
At ng mabasa ko ang sinabi niya mula sa malayo ay mas napangiti pa ako.
He really loves me.
Bago umalis ng simbahan ay nagkaroon pa ng pictorial ang mga abay na lalaki at babae kasama ang mga bagong kasal. Kasama si jet sa mga lalaking abay pero ng kukuhaan na kami ng picture ay nagpaalam siya sa amin na maghihintay na lang siya sa labas. Hindi na namin siya tinanong o pinigilan dahil alam na namin ang dahilan kung bakit gussto na niyang umalis. Kahit naman siguro ako.
Hindi ko kayang makita ang taong mahal ko na ikinakasal sa iba. Hindi ko kayang makita si prio na nagsasabi ng wedding vow niya sa ibang babae. Magpapakamatay na lang siguro ako.
Matapos ang ilang shots ng pictures ay lumabas na rin kami upang tumungo sa reception ng kasal. Nag alisan na ang lahat pero naiwan kaming magbabarkada sa tabi ng van nila Jhommel na nasa parking ng simbahan. Nakabukas ang pinto ng van at duon naka-upo si jet habang nakatuon ang siko sa dalawang hita at nakayuko. Hindi namin alam kung paano magsasalita o anong sasabihin namin dahil pareho kaming nangangapa ng sasabihin.
"Pare..." Si kenneth ang bumasag ng katahimikan. "..halatang hindi ka okay pero ano? Kaya mo pa bang pumunta sa reception? Duon sa venue? Kasi kung hindi , maiintindihan namin. Kami na ang bahala na magsabi kay gia na umuwi ka na." Sabi pa ni kenneth at tinapik sa balikat si jet.