Chapter 26

109 11 20
                                    

----

JANNA

Pagpasok ko sa bahay ay inabutan ko si mama na bumababa ng hagdanan , hawak ang record book niya at cellphone. Ngumiti ako!

"Oh! Nandiyan ka na pala!" Nagmano naman ako sa kanya. "..kamusta naman ang paliligo niyo sa ilog? Nag enjoy ba ang mga kaibigan mo? Nagustuhan ba nila ang resthouse natin?" Sunod-sunod na tanong pa ni mama sa akin.

"Opo! Maayos naman! Nagkaroon ng konting inuman pero 'di naman po lasing!"

Ngumiwi naman si mama kaya natawa ako.

"Amoy ka ngang alak."

"Konti lang iyun mama! Grabe!" Sabi ko.

Natawa naman siya at kinuha ang bag niya na nasa sofa. Paalis yata siya.

"Papunta akong bayan , may ipapabili ka ba?"

"Wala 'ma. Magpapalit lang ako ng damit tapos papunta na ako kela carla. Dadayo kami ng volleyball." Sagot ko naman.

"Anong dadayo? Hindi ka pa pwedi maglaro!"

"Charot lang! Manonood lang ho ako! Sila carla lang ang maglalaro!"

"Siguraduhin mo lang janna! Baka masapak kita pati ang ama mo!"

"Tapang ah.."

"Siraulong bata ito ah!"

Natawa naman ako dahil sa inis na mukha ni mama. Nakakatuwa siyang asarin talaga.

"Sige na 'ma , ingat po."

"Bisitahin mo ang M-Cupcakes bago ka umalis mamaya ha."

"Opo!" Pagtingin ko sa oras ay alas-kwatro na pala ng hapon.

Hindi naman ako lasing dahil konti lang ang ininom namin. Si prio lang naman ang hindi uminom dahil hindi naman talaga siya nag i-inom ganuon din sila clio. Taga-kanta lang sila.

Paakyat na sana ako sa hagdanan ng muling magsalita si mama.

"Nagka-usap na ba kayo ni prio?"

"Hindi pa ho!"

"Janna.." Nilingon ko si mama at bakas sa mukha niya ang pag a-alala. "..subukan mo munang pakinggan ang rason ni prio. Kilala mo naman siya diba? Si prio yung tipo ng tao na hindi basta-basta ang desisyon. Iniisip niya ang pweding mangyari sa mga desisyon o plano na ginagawa niya. Kapag iisipin mo talaga ang mga negatibong bagay dahil sa desisyon niyang pag-alis , wala ka talagang maiintindihan. Subukan mo pakinggan ang mga positibong dahilan niya anak. Kilala mo si prio. Sa dami ng tao sa paligid niya ay ikaw ang mas nakakakilala sa kanya ng sobra , diba? Pakinggan mo muna siya. Baka naman hindi lang para kay gia ang pag-alis niya , baka pati na din sa sarili niya." Bahagya akong naguluhan ngunit napapaisip sa sinasabi ni mama. "..hindi mo ba iniisip kung bakit madali para sa kanya na bitawan ang course na kinuha niya sa college?" Duon tila may pumitik sa utak ko. Bakit nga ba nawala sa isip ko ang mga bagay na iyun? Bakit mas inunan ko pa ang emosyon ko. Hindi talaga ako nag i-isip minsan.

"Opo 'ma!"

"Mag i-ingat kayo sa pagdayo ha. Mag text ka sa amin ng papa mo."

"Opo!"

Ngumiti si mama at tuluyan ng umalis ng bahay.

Saglit akong naligo at nagsuot lang ng maong short at black na t-shirt. Pinatuyo ko din muna ang buhok ko 'tsaka ako nagsuot ng puting sumbrero na bigay sa akin ni prio. Bumaba na din ako agad at pumunta sa M-cupcakes na katabi lang naman nitong bahay namin. Pagpasok ay binati ako ng mga tao ni mama. Madami ding costumers dahil hapon na , oras ng meryenda.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon