Chapter 17

174 12 3
                                    

-----

JANNA

"Ano? Game na?"

"Okay! Okay!" Pumalakpak pa si jet 'tsaka tumapat sa phone ni jenelle.

Kanina pa kasi sila nag a-aral ni jenelle ng step sa tiktok at hindi nila makuha.

Nandito kasi sila sa apartment namin dahil wala namang pasok. Dito sila nakatambay at dala nila ang mga gamit nila sa school dahil may mga school works pa din naman kami kahit wala kaming pasok ngayon.

"Ayusin mo na Jet!"

"Oo nga jet! Sayang daw yung mga taba na pinaghirapan ni Jenelle!" Tumatawa na sabi ni kenneth. Nang-aasar na naman.

"Siraulo!" Agad naman siyang binato ni jenelle ng unan. "..kapag 'di hinihinge ang opinyon , manahimik ah." Sabi pa nito at hinila na ulit si Jet para mag tiktok.

Tumawa naman si kenneth na kumakain ng nova at nakipag-aper pa kay vincent na sinasaluhan pa sa kalokohan si kenneth.

Habang abala si jet at jenelle sa pag ti-tiktok ay abala naman kami ni prio sa paghahanda ng pagkain sa tanghalian. Maliit lang naman kasi ang apartment kaya makikita namin ang ginagawa ng bawat isa sa amin. Si vincent ay busy sa phone habang nasa tabi niya si kenneth na kumakain at abala sa panonood ng basketball na replay naman. Nasa mahaba silang sofa , hindi naman iyun kahabaan kaya sapat na sa kanilang dalawa ang space duon dahil malalaki silang tao. Nasa single sofa si carla habang nakasandal sa inuupuan niyang sofa si jhommel. May tinitignan sila sa laptop at mukhang seryoso iyun. Si gia naman ay nagbabasa ng isang makapal na libro tungkol sa medisina. Kagagaling lang naman ni irish sa banyo at agad na tumabi kay kenneth.

Si xyreel ay nandito din sa kusina at tumutulong sa amin sa pagluluto.

"Aray naman irish.."

Dinig kong reklamo ni vincent dahil sumiksik sa gitna nila si irish.

"Hoy! Ang feeling mo irish! Hindi ka naman payat para sumingit dito!"

Nakangiwi na sabi naman ni kenneth.

"Patabi lang!"

"Pandak ka lang pero hindi ka payat!"

"Pasmado ka ah.." Nakanguso na sabi ni irish at na-upo na lang ito sa gilid ni vincent 'tsaka niya ipinatong ang mga hita at binti niya sa hita ni kenneth at vincent.

Parang normal na iyun dahil ipinagpatuloy lang ni vincent ang pag ce-cellphone at ganuon din si kenneth na abala sa pag kain habang nanonood ng basketball.

"Ouch.." Nabaling ang atensyon ko kay xyreel ng mabitawan niya ang kutsilyo.

Dumudugo ang daliri niya dahil sa sugat.

"What happened?"

"Nahiwa ako eh!" Sagot niya kay prio.

Hindi ko inaasahan na lilingunin ako ni prio. Tinignan niya ako na para bang humihinge siya ng permiso upang lapitan si xyreel. Hindi ako nagsalita. Mahina ang naging pag buntong hininga ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Masakit prio.." Dinig ko pang sabi ni xyreel , halatang nag i-inarti sa sugat niya.

"Ate gia!" Saglit akong napatigil sa ginagawa ko ng tawagin ni prio ang kapatid niya. Lumapit naman si gia pero hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nga nasa hinihiwa ko ang aking atensyon wala sa kanila. "..dumudugo ang finger ni xyreel eh!" Dinig ko pang sabi ni prio.

"May gamot ako sa bag!" Sagot ni gia.

"A-ah! N-no thanks gia! Okay lang ako!"

"Are you sure? Grabe yung paglabas ng blood oh! Halika na! Gagamutin ko!"

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon