Chapter 6

141 10 14
                                    


----

JANNA

DALAWANG linggo na ang nakalipas simula noong pasukan. Nag stay kami kela prio dahil wala naman kaming ibang matutuluyan sa tarlac maliban dito. Kaso sa tuwing nandiyan ang mommy ni gia ay hindi kami lumalabas ni carla. Iba kasi itong tumingin sa amin. Pakiramdam ko ay kumakain siya nang buhay. Para siyang bruha sa fairy tale na kinu-kwento sa akin palage ni papa noong bata pa ako.

Huli akong lumabas ng classroom after nang klase. Last subject ko na at week end na kaya wala kaming pasok bukas. Sana ay ganuon din sila carla dahil ayoko namang maiwan sa bahay nila prio kapag may pasok siya. Hindi ako makalabas eh.

Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita sa labas ng classroom si prio. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng hallway ngunit hindi ko siya nakita. Napabuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko sa bag.

-- I'm sorry Janna , may class pa ako. See you at the lobby okay? Sorry!

Anim na minuto na ang nakalipas ng mag text siya. Nag reply lang ako nang 'okay' at tinawagan si carla na papunta na ako sa lobby. Sakto namang katatapos lang din ng klase niya. May dadaanan lang daw sila ni Jhommel at Jet sa library kaya hintayin ko na lang daw sila sa lobby. Dating pwesto.

Tumungo ako mag-isa sa lobby kaso may mga students na nauna sa palage naming pwesto kaya naman naghintay na lang ako sa may bandang unahan nang lobby kung saan makikita nila ako agad. Nasa tapat lang naman nang building nila prio ang lobby kaya mabilis ko din silang makikita kapag tapos na ang klase nila.

Ilang saglit pa ay natanawan ko na si prio.

Humugot ako ng hangin ng makita kong sumabay sa kanya si xyreel. May pinag-uusapan sila at pareho silang tumatawa ganuon din sila irish. Kasama niya din sila Kenneth at Vincent na nagsasapakan sa likudan nila. Si Jenelle naman ay kasama ulit ang boyfriend niyang si Arven na nakikitawa din kela prio. Napaiwas ako ng tingin nang itulak ni Jenelle si Xyreel kaya napasubsob ito kay prio. Nakagat ko ang ibaba kong labi at napapikit ng mariin. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay mauubusan ako nang hangin sa katawan ngayon.

"Hoy!" Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng bigla na lang hampasin ni jet ang hawak niyang libro sa lamesa.

"Jet naman.."

"Nagdadasal ka ba?" Nang-aasar na tanong niya at naupo na naman sa lamesa.

"Hindi!"

"Eh ano? Nagseselos na naman?"

"Lubayan mo nga ako.." Singhal ko pero tinawanan lang niya ako. Pinalo ko siya sa braso at hinanap sila carla pero hindi ko sila nakita. "..nasan sila carla?" Tanong ko. Akala ko ay magkakasama sila pero siya lang naman itong nandito ngayon.

"May hinahanap pa silang libro sa library eh!"

"Eh bakit iniwan mo?"

"Ano ako? Third wheel? Janna! Mataas pangarap ko sa buhay.."

"Gago ka talaga! Manahimik ka na nga lang!" Tumawa na naman siya at pinisil ang magkabila kong pisnge kaya kinurot ko siya sa tagiliran para mabitawan ako.

"Payat na nga eh.."

Reklamo niya habang hawak ang parti ng tagiliran niya na kinurot ko.

Payat kasi si Jet ngunit sakto lang naman para sa edad niya. Mataas siya at sila talaga ni prio ang pinaka mataas ngunit pagdating sa basketball ay si Jhommel at Prio ang palageng nagkakasundo. Magaling din naman sila Vincent ngunit pag sila kasi ang nagsamang dalawa sa court ay hahanga ka talaga sa galing nila.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon