----"Mula canada tapos paglapag mo sa tarlac , dumiretso na kayo ni Tito Jolex pabyahe dito?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Jet.
Magkakaharap na kami ngayon nila Jet , Jhommel , Carla , Tinay , Chloe , Sarry , Viena , Ellaine at sila Piolo , Jimboy , Albert at Aldrin. Ala una na ng madaling araw at heto naman nagkaayaan pa sila sa pag i-inom. Ini-interview nila si prio na nasa right side ko. Hindi naman siya umiinom , katulad pa rin ng dati.
"Yeah!" Nakangiting sagot ni prio at nilingon ako.
"Gagi! Ang pagod ng byahe mo!"
Sabi naman ni jhommel at ininom ang tagay na inaabot ni Albert.
"I took the earliest flight back here to the philippines to catch up on christmas and be with you guys." Nakangiti pa niyang sagot kay jhommel at saglit akong nilingon.
"Gago. Lalong nagkaroon ng sleng ang ingles mo tol. King-inang yan.." Umarangkada na naman ang kalokohan ni jimboy. "..kapag nagtira talaga ako sa ibang bansa. Baka hindi na ako magtagalog." Pagbanat pa nito na tinawanan ng mga kaibigan namin. Siraulo talaga!
"Kapag tinanong ka ng 'Hey! How's life?" Anong isasagot mo , Jimboy?" Tanong ni aldrin.
Umayos pa ito ng upo at ngumiti.
"She's okay!"
"GAGO!" Sabay-sabay na singhal namin sa kanya.
Tawang-tawa naman siya. Abnormal!
"Actually! I went straight to the airport after my duty at the hospital. I called daddy to meet me at the airport and he would take my belongings there. I didn't go straight home because my flight time was the end of my time on duty." Natigilan ako sa sinabi ni prio. Pagod siya sa hospital tapos bumyahe agad siya dito para lang makahabol sa pagsalubong ng pasko. "..mommy even went with dad to bring my things to the airport. Nagtatampo pa siya kasi nauna daw ako." Natawa pa siya at isinabit sa tenga ko ang iilang hibla ng aking buhok. "..ate Hailey and Clio are busy with their photoshoot while tita Gia is busy with the papers she needs for their wedding. So yeah , i came back here mag-isa." Napangiwi pa ako sa pagtatagalog niya sa huli.
Halata ngang hindi na siya sanay mag tagalog lalo. Napaka-conyo na naman niya.
"Oh really? You came here mag-isa? Wow!"
Pang a-asar ni jet. Nagtawanan sila habang ako naman ay nakangiwi.
Marami na ang nainom namin kaya mga tinamaan na rin ng na kalasingan. Hindi naman ako uminom ng sobra dahil pinapagalitan na ako agad ni Jareed. Bago nga matulog ay pinagsabihan pa ako na huwag daw akong magpapakalasing. Ang kulit talaga!
Bandang alas tres ng madaling araw kami huminto sa pag i-inom. Sinundo na rin kasi si albert ng asawa niyang si riza. Hindi ko alam kung ano o paanong nangyari pero nabalitaan na lang namin na buntis na itong si riza at nakatanggap na lang kami ng imbitasyon para sa kasal nila nitong nakaraang taon. Kaya ngayon may isang taon na siyang anak. Habang sila aldrin , piolo at jimboy ay ini-enjoy pa yata ang pagiging binata. Ang alam ko ay may girlfriend si jimboy kaso hindi namin close dahil bihira namang sumama kapag ganitong may kasiyahan kaming mag ba-barkada. Si aldrin ay abala sa pag ta-trabaho ganuon rin si piolo.
Umiinom na rin sila tinay pero hindi naman nalasing kaya nakauwi na rin kasabay nila carla.
Naiwan kami nila jet at prio kaya kami na lang tatlo ang nagligpit ng mga pinag-inuman at ibang pinagkainan. Ng matapos ay nagpaalam na si jet na matutulog na dahil lasing na nga. Dumiretso siya sa guest room kaya naiwan kami ni prio sa kusina. Tipid akong ngumiti.