Chapter 9

133 11 15
                                    


----

GIA DINEES

"Mommy ano na naman ba ito?"

Sinundan ko si mommy ng maglakad siya papunta sa kwarto niya. Dumiretso siya sa bed side table kung saan nakapatong ang alak niya. Nagsalin siya sa baso at diretsong ininom iyun 'tsaka niya ako nilingon nang may galit sa mga mata niya.

"Bakit ako ang sinisita mo?" Galit na tanong niya. "..i'am your mother , gia. Dapat ay ako ang pinapanigan mo hindi ang prio na yun. Dapat nga ay magalit ka sa kanya dahil nasa kanya na naman palage ang atensyon ng daddy mo!"

"I'M NOT LIKE YOU , MOM. Kailanman ay hindi ako nakaramdam ng galit kay prio. Kapatid ko sila kahit anak ako sa labas ni dad. Ako nga itong walang karapatan sa bahay na ito eh dahil anak lang ako sa labas pero tinanggap ako ni prio ng bukal sa loob niya!"

"At naniwala ka naman?" Tinitigan ko si mommy ng tumawa siya. "..katulad lang siya ng mommy niya. Mabait sa harap ng iba pero demonyo talaga ang ugali. Kaya nga mas gusto ako ng lolo mo kesa sa mommy niyang probinsyana!"

"WILL YOU JUST SHUT UP , MOM? Wag niyong binabastos ang taong matagal ng wala! Maawa ka naman sa kanya! Admit it to yourself na IKAW MISMO , TAYO MISMO ang sumira sa pamilya nila. Tama si prio. Problema lang ang dinala mo sa pamilya nila at ako ang pinaka malaking problema na yun!"

"Anong karapatan mo na sumbatan ako matapos kong gawin ang lahat para maibigay sayo ang kumpletong pamilya na deserve mo.." Sigaw niya sa akin.

"Kumpletong pamilya?" Emosyonal na sabi ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "..kumpleto tayo....YES! Pero hindi tayo masaya! Hindi tayo katulad ng pamilya ni prio noon , mom. May daddy at mommy nga ako pero hindi ko naman maramdaman." Unti-unting nawala ang galit sa mga mata ni mommy at napalitan iyun ng pag-aalala. "..to be honest? Gusto kong bumalik sa nakaraan. Kung saan wala akong alam tungkol kay dad. Sa panahong maganda pa ang ngiti niya at masarap pakinggan ang pagtawa niya. Hindi katulad ngayon...puro sakit na lang ang ibinibigay mo kay dad. TANGGAPIN NA LANG NATIN NA WALANG-WALA KA KUMPARA KAY TITA SESSAI. WALAG-WALA KA MO----"

Malakas na sampal ang dumapo sa pisnge ko dahilan para matigilan ako at gulat na napatingin kay mommy. Instead na pagsisisi ang makita ko sa kanya. Galit iyun dahil siguro sa huling sinabi ko sa kanya.

Nilabanan ko ang matalim niyang tingin kahit tumutulo ang luha ko.

"Don't compare me to that probinsyana , gia. Isa akong mamahaling bato at isa lang siyang maliit na bato sa ilog na tinatanggay ng agos palayo. Kaya wag na wag mo akong ikukumpara sa babaeng iyun." Sigaw ni mommy at labas na ang litid sa leeg dahil sa sobrang pag-sigaw at galit niya.

"Ang maliit na batong iyun ay ang pinaka-malaking rason ng ngiti at pagtawa ni daddy. Ang maliit na bato na sinasabi mo ay ang dahilan kung bakit mas malaki at malawak pa din ang pagmamahal ni prio kesa sa galit na meron siya sayo , kay daddy at sa mundo." Nabasag ang boses ko dahil sa sobrang pag-iyak. "..nandito ka pati si dad na nakakasama ko but i feel empty. I feel incomplete. Hindi ako buo , mommy. Malaki ang kulang. Nakasama kita sa paglaki pero bakit hindi kita maramdaman?" Humugot ako ng hangin at pinilit na pakalmahin ang sarili ko.

Tipid akong ngumiti habang patuloy pa din sa pag-agos ang mga luha ko.

"I miss you.." Halos hindi na marinig ang sinabi ko pero alam kong naintindihan niya iyun. "..mis na mis na kita , mom."

"G-gia..."

Hindi ko na siya pinakinggan. Nagmadali ako sa paglabas ng kwarto niya at pinunasan ang basa kong pisnge dahil sa luha. Inayos ko ang sarili ko at naglakad patungo sa room ko. Ngunit huminto ako sa tapat ng kwarto ni clio. Kabado 'man pero maingat kong binuksan ang pinto at nakita kong magkausap si carla at clio habang sabay na kumakain ng dinner.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon