Chapter 21

147 12 9
                                    


-------

JANNA

"Kamusta naman si Gia?" Tanong ni mama sa akin habang kausap ko siya sa laptop. "..hindi sumasagot sa call si sessai. Siguro ay abala siya ngayon."

"Ang alam ko po ay busy siya sa company nila at inaasikaso din ang kaso kay kristel." Sagot ko naman.

Si Carla ay nasa sala at duon gumagawa ng mga school works niya. Nandito naman ako sa kusina at nag a-aral habang kausap si Mama. Konti lang naman ang ginagawa ko kaya pwedi kong kausapin si Mama habang nag a-aral ako ngayon.

"Si prio?"

"Sobrang busy niya din ngayon ma!" Sagot ko at tinignan ang phone ko. Wala pa din siyang message. "..after kasi ng klase niya ay dumidiretso siya sa pampangga para bumisita sa restaurant. Siya din ang nag ha-handle ng ibang branch katulad ng branch diyan sa pag-asa."

"Kaya niya ba?" Nag a-alala na tanong ni papa na ngayon ko lang nakita sa screen.
"..kagagaling ko sa trabaho anak!"

"Mano po papa!" Nakangiting sabi ko at inilapit sa screen ng laptop ko ang noo ko.

"Eh ano? Kaya naman ba ni prio? Pagod sa pag a-aral tapos trabaho naman after ng klase. Aba! Baka naman magaya siya sa daddy niya nagkakasakit na dahil sa pagod at sobrang stress sa trabaho."

Hindi ako nakasagot. Sa totoo lang ay nag a-alala na din ako kay prio. Ilang araw na siyang ganuon palage. Halata na ang pagod sa mga mata niya at makikita mo talagang kulang na siya sa tulog. Maitim na nga ang ilalim ng kanyang mata eh. Matamlay siya ngunit pinipilit niyang makipagsabayan ng kulitan kay kenneth at jhommel. Si Jet kasi ay abala din kay Gia. Hindi na namin siya madalas makasama dahil mas madalas silang magkasama ni Gia lalo na't kailangan siya ni Gia ngayon.

Madami din naman akong tinatapos na school works kaya hindi ko siya magawang puntahan. Lalo na't abala pa ako sa training ko sa Volleyball dahil malapit na ang laban. Naging busy kami lalo.

"Kausapin mo si prio anak. Baka magkasakit na siya sa ginagawa niya."

"Opo mama!"

"Sige na! Mag aral ka na! Mag i-ingat kayo diyan ni Carla ha."

Tumango ako at ngumiti sa kanila.

Marami pa silang paalala sa akin bago ko pinatay ang tawag. Nag focus ako sa ginagawa ko kaso laman talaga ng utak ko si prio. Naging emosyonal ako bigla.

Namimis ko na siya.

"Napapaano ka na?" Nakangiwing tanong ni Carla habang kumukuha ng tubig.

Lalo akong sumimangot at pinanood ang video ni prio na nag gi-gitara habang kumakanta. Napakagwapo niya talaga.

"Mis ko na si prio.."

"Mis na mis ka na din 'nun." Sagot niya.

Napabuntong hininga ako.

"Nag a-alala ako sa kanya , carla. Baka magkasakit na siya sa sobrang busy niya. Hindi na kami nagkikita palage."

"Puntahan mo kasi sa kanila.."

"Ayokong makaabala!"

"Kelan ka ba naging abala kay prio? Baka matuwa pa yun kapag ikaw mismo ang pumunta sa kanya!" Sabi niya pa.

"Bukas na lang siguro! Pupuntahan ko siya after ng training ko!" Sagot ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising ganuon din si Carla. Sabay kaming nag almusal at pumasok sa university. Hindi na ako sumama sa kanya sa lobby. Nanduon kasi ang mga kaibigan namin ngayon. Sa dome kasi ang punta ko dahil may kailangan kaming pag usapan ng group mates ko about sa COMMERCIAL na kailangang gawin sa isang major subject.

Atin Ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon