-----JANNA
"Ito na!"
Masiglang sabi ni captain ng ipatong niya sa table namin ang mga order niya para sa buong team.
Wala kasi kaming naging celebration last week kaya naman ngayon na lang siya nanlibre. Siya ang gumastos ng lunch ngayon dito sa canteen at pinag dugtong-dugtong namin ang tatlong table dahil madami kami. Nagkaingay sila at nagpalakpakan dahil sa dami ng pagkain.
"Iba ka talaga captain!"
"Sus! Diyan naman kayo magaling!"
Nagtawanan kaming lahat dahil sa pagtataray ni captain.
Alam naman ng mga kaibigan ko na makakasama ko ang team mates ko. Sakto namang hindi kami makakapag-lunch ng magkakasama dahil may konting pagbabago sa schedules dahil na din sa mga activities sa courses namin.
Lalo na si Jet , Jhommel at carla na habang natagal ay mas nagiging ipit ang schedule.
"Lakas din talaga ni janna sa court no?"
"Kaya nga eh! Halimaw din!"
"Hindi na nakakapagtaka kung bakit close sila ni captain. Pareho ng mga galawan eh. Pati referee aawayin eh!"
Natawa kami ni captain.
"Mga baliw!" Natatawang sabi ko. "..hindi naman magaling. Marunong lang!"
"Ay wow? Humble ka ghorl?" Sabi ni dylan at sumubo ng pagkain.
"Magaling kayong lahat and this is the best team for me , girls."
"Syempre naman captain. Wala ka namang ibang team. Kami lang."
"Siraulo!" Natatawang singhal ni captain kay leny at pabiro niya itong babatuhin ng tubigan niya pero tinawanan lang siya nito kaya naman napailing na lamang siya.
"Uy!" Gulat na sabi ng team mates ko.
"Hala! Ayos ka lang?" Tanong ni Dylan.
Napatayo ako ng bumuhos sa uniform ko ang iniinom kong juice dahil sa malakas na pagbangga sa inuupuan ko.
"Ayos lang!" Sagot ko.
"Paharang-harang kasi ang chair mo eh. Siga ka ba? Hindi ikaw ang may ari ng canteen kaya wag kang epal ha?"
"Hala. Hindi naman nakaharang!" Sagot ni dylan kay rochelle.
Kasama na naman niya ang mga alipures niya na masama na naman ang tingin sa akin samantalang nanahimik ako dito.
"Ano na naman ba rochelle?"
"Paharang-harang ka kasi!"
Tinignan ko ang paligid ng canteen at nakitang mas malawak ang space duon kesa dito sa pwesto namin. Nasa gilid na kasi kami ng canteen dahil nga madami kami kaya nakapagtataka lang na nagawi pa ito dito sa pwesto namin. Pambihira!
"Gulo ba ang hanap mo?"
"What if i said yes? Anong gagawin mo?"
"Ibibigay ko sayo!"
"Malamang probinsyana ka eh! Laki ka sa lugar kung saan...ARAY!"
Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya dahil sinampal ko na agad siya. Nagtayuan ang mga team mates ko at agad na inawat ako sa braso. Nginisian ko si rochelle ng makita ko ang pamumula ng kanyang pisnge habang dumudugo ang labi niya.