-----CARLA
"Powta!" Natawa ako ng isubsob ni Lyn ang mukha niya sa lamesa ng makaupo kami sa canteen. Isa siya sa kaklase ko.
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya at kumagat ng fries.
Ngumiwi naman siya at masama akong tinignan. Para siyang stress na stress sa buhay niya ngayon. Natatawa talaga ako!
"Gag* ang hirap ng course na ito. Bakit ba ito ang kinuha ko ngayong college? Dumudugo na ang utak ko! Naku ghorl! I'm telling you na , sumusuko na ang mga brain cells ko. Depowta!" Reklamo niya pa at masama ang loob na kumagat sa pagkain niya. Stress talaga siya ngayon.
May biglaang exam kasi kami kanina at hindi handa ang karamihan sa mga kaklase ko. Buti na lang ay sanay kami nila prio at janna na mag advance reading about sa mga subjects at ibang topics about sa pinag a-aralan namin dahilan para maging ready kami sa tuwing may mga exam o seatworks na katulad nito. Naranasan na din kasi namin ni Janna ang bumagsak noong highschool dahil hindi namin inaasahan ang biglaang quiz sa Math. Buti na lang mabait si Papa kaya ipinagtanggol niya ako kay mama noon.
"Edi mag-iba ka na ng course.." Sabi ko.
"Ayoko!" Nakasimangot pa din na sagot niya. "..ito naman kasi talaga ang gusto ko noon pa...'di ko lang inasahan na mahirap pala talaga." Bumuntong hininga pa siya. "..grabe ka nga eh. Parang sisiw lang sayo ang mga subjects natin. Nakakaloka ka din eh!" Sabi niya pa at nginiwian ako. Natawa naman ako.
"Nahihirapan din ako uy!" Sagot ko. "..pero syempre medyo may alam na ako kasi nag a-advance reading nga ako or nag se-search ako ng mga importanteng details about sa course natin so may ideya na ako. Para sa akin din naman kasi iyun. Gusto ko matuto kaya ganuon ang ginagawa ko." Dagdag ko pa at nginitian siya.
"Kapag college ka na talaga...hindi pweding pa-chill-chill lang eh. Kainis!"
"Malayo sa pagiging highschool.."
"Ay ano pa nga ba.." Sabay irap niya pa.
Marami pa kaming napag-usapan about sa mga subjects namin. Syempre nagtanong din siya about sa pagiging close namin ni Jhommel. Itinanggi ko naman na may relasyon kami dahil iyun ang totoo.
Siya ang kasama ko dahil may mga ginagawa ang mga kaibigan ko. Hindi na kami naku-kumpleto dahil kahit break time ay mga tinatapos pa din kaming papers related sa mga course namin. Si Jhommel nga ay dadaanan ako sa room namin para bigyan ako ng pagkain 'tsaka siya aalis dahil busy din siya sa plates and school works about sa course niya.
"Bye carla.."
"Bye!" Nakangiti akong kumaway sa mga blockmates ko ng makalabas kami sa huling klase namin ngayong araw.
Kinuha ko naman ang phone ko at agad na tinawagan si Janna. Napairap ako ng hindi ito sumagot. Naka-tatlong tawag na ako pero wala manlang siyang sinagot. Pagtingin ko sa oras ay pasado alas-sais na ng hapon. Nag a-agaw na din ang dilim at liwanag sa paligid. Siguro ay nasa gym ito at nag p-practice ng volleyball kaya hindi sumasagot sa tawag ko kaya naman duon na ako dumiretso. Nag text naman si Jhommel na may project sila ng mga ka-grupo niya sa architecture kaya hindi niya ako maihahatid. Ayos lang naman iyun.
Pagdating ko sa gym ay narinig ko na ang tunog ng mga sapatos. May naglalaro nga duon at nakita ko si Janna na pawis na pawis ganuon din ang mga team mates niya. Umupo ako sa mga upuan sa gym at tahimik na pinanood ang paglalaro niya.
Grabe ang training nila ngayon para maipanalo ang season na ito. Syempre para din naman ito sa University namin.
"Hoy! Kalma!"