----NAGISING ako dahil sa maya't mayang pagtunog ng phone ko. What the f*ck!
Pikit pa ang mata ko ng kapain ko ang phone ko sa bed side table. Sinagot ko iyun habang nakadapa pa rin sa kama ko , antok na antok.
"Hello.." Antok na sagot ko.
"Gia is here!" Awtomatikong nagmulat ang mata ko ng marinig ang malungkot na boses ni Jet.
"J-jet?" Napa-upo ako sa kama at pinasadahan ng daliri ko ang magulo kong buhok. "..a-ano ulit yun? Anong sabi mo?" Nauutal na tanong ko.
"Si gia! She's here! Gia is here!"
"Ohmyghad.."
"A-anong gagawin ko? She texted me , janna. Gusto niyang magkita kami!" Dahil nga kagigising ko ay wala akong maisagot ng maayos.
Anak ng tokwa...
Paanong hindi namin nalaman na nakauwi na dito sa tarlac si gia? Kasama ba niya sila tita sessai? Bakit hindi ako na-inform? Kainis!
Uupakan ko itong si prio. Hindi manlang ako sinabihan , samantalang madalas siya dito sa condo ko magmula ng bumalik kami dito sa tarlac. Hatid-sundo pa ako sa trabaho tapos hindi manlang sinabi na ngayon ang dating ni gia.
Bumangon ako at naghilamos ng mabilis. Nag online ako sa instagram at nakita ko nga ang story ni gia. Picture iyun ni prio habang naka-dekwatro at naka-upo sa single sofa sa bahay nila. May binabasang libro at naka-suot ng salamin sa mata. Palibhasa ay malabo na lalo ang mata niya ngayon kaya kailangan niya na ng salamin sa mata o contact lense.
Tinawagan ko si prio at wala pa manlang dalawang ring ay sinagot na niya.
"Baby.."
Konti na lang ay masasanay na ako sa palageng bungad ni prio sa phone call.
"Nandito na pala si gia sa tarlac?"
"Opo babe.."
"At bakit hindi mo sinabi sa akin na ngayon pala ang dating nila gia?"
"Ahm.." Hindi agad siya naka-sagot. "..sorry love. Akala ko po nasabi ko sayo , sorry." Halata sa boses niya na kabado siya ngayon.
"Si tita..."
"Is that janna? Give me your phone. Let me talk to her!" Rinig kong sabi ni tita at maya-maya pa ay siya na nga ang kausap ko. "..hija? Janna? I miss you , hija." Napangiti ako ng marinig ang excitement sa boses ni tita. "..magluluto ako ng lunch , dito ka na kumain ha. Susunduin ka ni prio. I can't wait to see you anak." Hindi pa manlang ako nakakasagot ay pinatay na ni tita ang tawag. Napatitig na lang ako sa phone ko.
Rest day ko ngayon pero sa dami ng trabaho na kailangan matapos ay parang magagamit ko pa rin ang pahinga kong araw para sa trabaho. Bumaba ako at nagluto ng almusal ko. Nag timpla rin ako ng kape at habang nag a-almusal ay nakaharap ako sa laptop ko para sa mga trabahong kailangan kong tapusin.
December 29 na. Bagong taon naman ang pinaghahandaan namin ngayon at siguradong kumpleto kaming lahat ngayon dahil nandito na sa pilipinas sila tita sessai. Mas masaya sigurado dahil mas marami kami ngayon sa pag-asa.
Tumunog ang phone ko dahil sa tawag ni jesel.
"Yes?" Sagot ko habang ang mata ay nasa laptop at abala ang mga daliri ko sa pag ta-type.
"Good morning , ma'am." Pagbati niya ng sagutin ko ang tawag. "..ipinasa ko na po sa email niyo yung lahat ng copy na kailangan niyo. Nakausap ko na rin po si Architect Bautista about po duon sa design ng restaurant sa baguio. Ang sabi niya po ay si Architect Jhommel Azul na lang ang bahala sa project." Kumunot ang noo ko dahil sa narinig at itinigil ang ginagawa ko.