A/N: on going po ang story na'to.. Xnxa na kng medyo mdalang aq mg'UD ngaun sa kdahilanang umiipal ang health ko.. Medyo ngkasakit lng ang lola nyu.. Kaya heto pinipilit ang sarili na mg'UD.. Sana lng mbgyan q ng justice ang part na'to..
-------------------------------------------
Sandy'sHalos isang linggo na mula ng sagutin ko si Chan ngunit hanggang ngayon lutang parin ako sa kaligayahan.. Paano ba namang hindi eh halos araw araw nya parin akong nililigawan.. Araw araw na sundo't hatid sa bahay at araw araw na may bulaklak.. Alam narin ng mga magulang ko na kami na at masaya naman sila.. Niyakap pa nga nila si Chan eh.. Grabe hindi man lang nagpakipot ang mga magulang ko.. Nagmana pa sa akin..
Ngayon naman ang araw na ipapakilala na ako ni Chan sa parents nya at kinakabahan talaga ako.. Kanina pa ako nakatingin dito sa salamin sa kwarto ko at tinitingnan kung okay naba ang hitsura ko..
Simpleng dress lang naman ang sinuot ko.. Sabi kasi ni Chan be myself at simple lang naman ako.. Pero paano kung hindi ako magustohan ng parents nya?.. Napapailing nalang ako sa iniisip ko.. Dapat positive palagi.. Nagulat pa ako ng makarinig ako ng pagsipol kaya napalingon agad ako.. At napanganga talaga ako sa kagwapohan ng nilalang na nasa harapan ko ngayon.. Bakit ba ang fresh fresh palagi ng hitsura nya?..
" Wow.. " sabi nya.. Kumunot naman ang noo ko..
" Anong wow? " tanong ko.. Pumasok sya sa kwarto ko at umupo sa pinakadulo ng kama ko..
" Ikaw.. Ang ganda mo.. "
Pakiramdam ko tuloy lahat ng dugo ko nasa mukha ko na.. Ang chessy talaga ng lalaking to..
" Binobola mo pa ako ha.. Halika na nga at ayokong paghintayin ang parents mo.. " sabi ko sabay hila sa kanya.. Pero hinawakan nya ako ng mahigpit.. Nakaupo parin sya habang ako nakatayo sa harapan nya.. Tinitigan nya ako sa mga mata.. At kahit natitensyon ako sa klase ng mga titig nya hindi naman ako umiwas..
" Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na girlfriend na kita.. Hanggang ngayon pakiramdam ko nasa alapaap parin ako.. " ganun din pala ang nararamdaman nya.. Hindi ako makapagsalita.. Masyado akong nilulunod ni Chan sa kaligayahan..
" Mahal na mahal kita Sandy ko.. " sabi pa nya.. Parang nag'init tuloy ang mga mata ko at gusto kong maiyak.. Tumayo sya kaya pumantay na ang mukha nya sa mukha ko.. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi..
" Alam ko masyado pang maaga para ipaalam ko sayo to pero gusto ko lang malaman mo na seryuso ako.. Pagkatapos na pagkatapos ng graduation natin magpapakasal na tayo.. " hindi ko maiwasang mapanganga sa sinabi nya.. After our graduation?.. Seryuso ba talaga sya?.. Napabuntong hininga sya.. Hinawakan naman nya ngayon ang mga kamay ko saka hinalikan iyon isa isa.. Hindi parin ako makapagsalita.. Parang pina'process pa ng utak ko ang mga sinabi nya..
" Please Sandy magsalita ka naman.. " sabi niya.. Nakikita ko ang paghihirap sa mga mata nya..
" A-ahm a-ano b-ba ang d-dapat kong s-sabi-hin? " gosh nauutal pa ako.. Well hindi nya ako masisisi dahil binigla nya ako..
" Anything sweetheart.. K-kung papayag kaba na pakasal sa akin.. " sabi nya.. Kumunot ang noo ko..
" Bakit nagpopropose ka naba? " tanong ko..
" Oo? " napapakagat pa sya sa labi nya.. Inanakit ba ako ng lokong to?.. Pinamaywangan ko sya..
" Nasaan yung singsing? At bakit ka dito nagpopropose sa kwarto ko? Alam naba ito ng parents ko? Yung parents mo? Yuri naman bakit mo ba ako binibigla.. " sabi ko.. Napalitan ng pag'alala ang hitsura nya at hinawakan ako ulit..
" I know i know nabigla kita.. First time ko tong gawin.. Hindi ko naman alam kung papano gagawin.. Sorry.. " sabi niya na parang maiiyak.. Oh my Yuri..
Hinawakan ko naman ang magkabila nyang pisngi at tinitigan sya sa mga mata.. Wala naman sa tagal ang batayan ng isang tunay na pagmamahal eh.. Nasa dalawang tao yan kung papano nila panghahawakan ang kanilang pag'ibig para sa isa't isa.. At habang nakatitig ako sa lalakeng nasa harapan ko tinatanong ko rin ang sarili ko kung handa naba ako.. And by just looking to his eyes na punong puno ng pagmamahal alam ko sa sarili ko ang sagot.. Handa na ako.. Handang handa na akong makasama habang buhay ang Yuri ko..
" Yes.. I will marry you.. " bulong ko sa kanya.. Nakita ko ang pag'iba ng reaksyon ng mukha nya.. Unti unti syang ngumiti..
" Talaga? " tumango ako na kagat kagat ang labi ko.. Bigla nalang nya akong kinarga at pinaikot ikot sa ere..
" Thank you sweetheart.. Thank you.. " sabi nya saka ako hinalikan sa labi na buong puso ko namang tinugon..
Nang maghiwalay ang labi namin bigla syang sumigaw..
" She said yes!! " at isa isang pumasok ang parents ko.. Si Divina at Kai.. At dalawang magkapareha na hindi naman msyadong matanda parang sila mama ko lang..
" Sweetheart meet my parents.. " at napanganga akong napabaling kay Chan.. Parents nya?.. Nandito parents nya?..
" Sorry ha.. Sinabi ko na sa kanila ang plano ko bago kita alukin.. Lalo na sa parents mo.. Kaya nung isanga araw nagmeet na sila ng parents mo at parents ko.. " sabi nya pa.. Napatingin naman ako sa mama ko na hilam na ang pisngi sa luha.. Lumapit sila sa akin saka ako niyakap.. Nasaan naba ang boses ko at hindi ako makapagsalita..
" Congratulation anak " sabi ni mama.. Nag'unahan narin sa pagtulo ang luha ko.. Gusto talaga nila si Chan para sa akin.. Saka ko naman niyakap ang papa ko.. Pagkatapos naman ay lumapit ang parents ni Chan sa akin..
" Iha.. No doubt napaibig mo si Chan Yuri ko sayo.. Ang ganda mo naman pala.. " sabi ng mama ni Chan na nakaka'intimidate ang kagandahan.. Pati ang papa niya na parang hinugot lang sa magasine.. Mga totoong tao ba ang nasa harap ko..
Sunod naman na lumapit sa akin ay si Divina na ngiting ngiti pa..
" Gaga ka.. Congrats ha.. " naiiyak na sabi nito sabay yakap sa akin.. Narinig ko rin na binati din ni Kai si Chan.. Parang hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayong araw nato..
Lumabas naman sila agad sa kwarto at iniwan kami ni Chan sa loob.. Sabi ni mama may handaan daw sa baba dahil nagdala ng mga pagkain ang parents ni Chan.. So pamamanhikan pala ito.. Grabe lang talaga ang paglilihim ni Chan sa loob ng isang linggo.. Hindi pa ako nakapaghinala dahil wala naman akong kakaibang ginagawa ng mga tao sa paligid ko.. Pati sila mama ingat na ingat din..
" Hey.. Nagwoworry na ako.. Magsalita ka naman.. " narinig kong sabi ni Chan.. Tiningnan ko sya..
" Ginulat ba kita? " dagdag pa niya.. Sunod sunod na tumulo ang luha ko.. Hindi ko naman alam kung para saan ang pag'iyak ko.. Hindi naman ako galit at lalong hindi naman ako nalulungkot.. Gusto ko lang maiyak.. Agad naman akong dinaluhan ni Chan na nag'aalala sa pag'iyak ko..
" Hey sweetheart.. Whats wrong?.. Galit kaba? Sorry.. Please wag kanang umiyak.. "
Umiling iling ako.. Hindi ako galit..
" Um'oo kana diba? " tanong niya.. Tumango ako..
" Then what's wrong? " tanong ulit..
" Ikaw.. Ikaw kasi.. Nakakainis ka.. Pinapasaya mo ako ng sobra sobra.. " there.. I said it..
" Awwww sweetheart.. " at niyakap nya ako ng buong higpit.. Hinahalikan ang ulo ko ng buong pagmamahal..
Pwede pala yun nho.. Hindi mo nalang malalaman ang mararamdaman mo.. Hindi mo ma'explain kung ano ang nararandaman mo.. Maiiyak ka nalang na hindi mo alam kung ano ang iniiyakan mo.. And the bottom of it ay masaya ka lang pala.. Sobra sobrang kaligayahan na sa pamamagitan nalang ng pag'iyak mo maipapakita..
-------------------------------------------
Mahiwagang Mensaheeeeee...Waaaahhhhh sabaw!!!!.. Sarrryyyy!!!!... Pinapadali ko lang ang story nila.. Comments plzzzzzz...
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...