Part 26

8.9K 241 6
                                    

A/N: ang pic po sa taas ay gawa ni thisgurlwasfound .. Tnx beh..

Sandy's POV

Walang nagawa si Chan ng araw na yun ng sumama ako kina Nay Melba.. Gustohin ko mang sumama sa kanya pero may bahagi ng puso ko na natatakot.. Gusto ko munang malinawan.. Maraming mga tanong sa isip ko na gusto kong masagot.. Pero ayoko naman syang tanungin dahil hindi ko alam kung magsasabi ba sya ng totoo..

Sa totoo lang naaawa ako sa kanya.. Kung totoo mang sa simula pa lang hinanap na nya ako ibig sabihin hindi lang ako ang nahihirapan kundi lalo na rin sya.. Gusto ko syang paniwalaan pero natatakot ako.. Natatakot ako sa posibleng mga nangyari ng mawala ako.. Papano kung sa pagkawala ko nagkarelasyon pala sila ni Kyla? Kahit pa hindi ko sya naalala pero hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit na tumatagos sa puso ko.. Hindi man sya naalala ng isip ko, naalala naman sya ng puso ko..

" Ate ganda may bisita ka po.. " nilingon ko si Beboy ng magsalita ito sa likuran ko.. Kanina pa kasi ako nandito sa paborito kong tambayan kapag gusto kong mag'isip.. Ngunit nagulat naman ako ng mapag'sino ang kasama nya.. Malungkot itong nakatitig lang sa akin habang nakasilid sa bulsa ang mga kamay nito.. Nandyan na naman ang kaba na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya.. Ganun din ba ang nararamdaman ko noon?

Pilit kong nginitian si Beboy..

" Salamat Beboy.. Sige iwan mo na kami.. " ngumiti lang ito saka patakbong umuwi ng bahay.. Ibinalik ko agad ang paningin sa malawak na dagat.. Gusto ko lang kasing itago ang kaba na nararamdaman ko ng dahil sa presensya nya.. Naramdaman ko ang paglapit nya at lumapit din ito sa may hawakan ng tulay.. Hindi naman ito masyadong malayo kaya amoy na amoy ko ang pabango nya.. Napakapamilyar.. Malamang iyon ang gamit nya noon pa..

" Kumusta kana? " maya maya'y tanong niya.. Nakatingin parin sya sa dagat katulad ko.. Pasimple ko lang syang tinitingnan sa gilid ng mata ko..

" Okay naman.. " maikli kong sagot.. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.. Para bang kahit sa pamamagitan nun mababawasan ang bigat na dinadala nya..

" Halos mawalan na ako ng pag'asa na makita ka pa.. Pero napakabuti nga ng Diyos dahil sa wakas nakita narin kita.. Sandy.. " kita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon nya sa akin.. Para namang kakaiba ang hatid na pakiramdam sa akin ng sambitin nya ang pangalan ko.. Gustohin ko mang salubongin ang tingin nya pinigilan ko lang ang sarili ko..

" I missed you.. So.. Damn.. Much.. Sweetheart.. " bigla nalang nag'init ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nya.. Para bang hindi sya ang nagsabi ng mga yun kundi ang puso nya.. At parang hindi ako ang sinasabihan nya kundi ang puso ko..

Nakita ko ang pagyuko nya at ang pag'iling iling.. Namilog nalang ng bahagya ang mga mata ko nang umalog alog na ang mga balikat niya.. Indekasyon na umiiyak sya.. Kaya hindi ko narin napigilan ang sarili kong mga luha.. Hindi ako makapagsalita..

" Im so sorry.. This is all my fault.. " narinig kong sabi nya habang nakayuko parin.. Gusto ko syang hawakan.. Gusto ko syang yakapin.. Pero nag'aalangan naman ako..

" Kung hindi ko lang hinayaan na maligo ka nang gabing yun.. Kung sana nagmatigas ako wala sana tayo sa ganitong sitwasyon ngayon.. " sabi pa nya.. Napatakip nalang ako sa bibig ko.. Naalala ko nga ang eksenang yun sa panaginip ko.. Gusto kong maligo sa dagat kahit pa ang lakas ng alon.. At may isang lalakeng hindi ako pinayagan pero matigas ang ulo ko at lumusong parin ako sa dagat..

Tumingala sya at bahagyang pinunasan ang luha sa pisngi.. Nakatitig lang ako sa kanya.. Wala akong maisip na sasabihin.. Parang nablanko ako sa pinapakita nyang emosyon ngayon..

" God knows Sandy.. God knows how much I love you.. How much I wanna be with you.. How much I need you.. Kaya noong nawala ka ayoko nang mabuhay.. I was wasted bcoz of the pain of loosing you killing me slowly.. Yung isipin kong gigising ako sa araw araw na wala ka sa tabi ko.. I can't bare that pain Sandy.. Kaya tinangka kong wakasan ang buhay ko.. " nagulantang ako sa huli nyang sinabi.. Ganyan nya ba ako kamahal na kahit buhay nya kaya nyang wakasan? Hindi ako makapaniwala na nakatitig sa kanya.. Nilingon nya ako kaya nagtama ang paningin namin.. At kitang kita ko ang nararamdaman nyang sakit sa mga mata nya.. Patuloy parin sa pag'agos ang luha sa mga mata ko.. Kinagat ko nalang ang labi ko para hindi mapahikbi..

" Nakita ako ni Kai kaya nandito pa ako at nakatayo sa harap mo.. I can do that again Sandy kung mawawala ka ulit sa akin.. You're my life.. Ang mabuhay ng wala ka ay para naring pagpapakamatay.. " dagdag pa niya.. Unti unti syang lumapit sa akin at pinunasan ang magkabila kong pisngi.. Hindi ako makagalaw.. Naramdaman ko ang labi nya sa noo ko na nagpapikit sa akin.. Hindi na ako nakapagpigil at napahikbi na ako kaya hindi na ako pumalag ng yakapin nya ako..

" Ssshhss.. Don't cry.. Ayokong nakikita kang umiiyak.. " mahina nyang sabi habang hinahalikan ang buhok ko.. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng marinig ko ang mga sinabi nya.. Pakiramdam ko nasa mabuti akong mga kamay.. Kaya hinayaan ko lang na yakapin nya ako.. Inihilig ko pa ang ulo ko sa dibdib nya..

Humupa na ang mga emosyon namin pero walang gustong kumalas sa aming dalawa.. Alam ko may pag'aalinlangan parin ako pero kanina nang makita ko sya na umiyak parang may malaking bahagi ng puso ko na naniwala sa kanya.. Kitang kita ko sa hitsura nya ang paghihirap.. Tumatagos sa puso ko ang sakit na nararamdaman nya kaya siguro napaiyak narin ako.. Naramdaman ko ang paghagod hagod nya sa likod ko.. Walang tigil parin nyang hinahalikan ang ulo ko..

" Say something sweetheart.. " mahina nyang sabi.. Sya lang ang nakayakap sa akin dahil ang dalawa kong braso ay nakadantay sa dibdib nya habang ang ulo ko ay nakasandal din sa kanya.. Ano nga ba ang sasabihin ko?

" I.. I don't know what to say.. " sabi ko.. Humigpit pa ang yakap nya sa akin..

" It's okay.. Naiintindihan kita.. I hope you can come with me now sweetheart.. Sumama kana sa akin please.. " pagsusumamo niya.. Siguro naman hindi nya ako sasaktan.. Siguro naman hindi nya ako pababayaan.. Gustong gusto ng puso ko na sumama sa kanya kaya pagbibigyan ko ang puso ko.. Maybe then maaalala ko sya.. Maybe then maaalala ko kung gaano nya ako kamahal.. Kumalas ako ng bahagya sa pagkakayakap nya at pinakatitigan sya.. Kitang kita ko ang pamumugto ng mga mata nya na mas lalong ikinasingkit nito.. Pero kahit ganun masasabi kong gwapo parin ito.. Papani nga ba nagkagusto sa akin ang lalakeng 'to?.. Naging mabait ba ako noon kaya biniyayaan ako ng ganito ka'gwapo na asawa?..

Bahagya ko syang nginitian kaya kitang kita ko ang pagngiti din nya.. Tumango ako ng mahina..

" Sasama na ako sayo.. Chan.. " mas lalo pa syang napangiti at muli akong niyakap ng mahigpit.. Muli na naman syang humarap sa akin na may luha na naman ang mga mata..

" Yuri.. Yuri ang tawag mo sa akin Sandy.. You call me by my second name dahil alam mong ikaw lang ang tumatawag sa akin ng ganun.. " nakangiti niyang sabi.. Napangiti din ako..

" Yuri.. " sabi ko na mas lalong nagpaiyak sa kanya.. Sino ang may sabing nakakabawas ng pagkalalake ang pag'iyak?.. Sa nakikita ko kasi ngayon hindi kabawasan kundi nakadagdag pa iyon ng kanyang kakisigan.. At napapikit nalang ako nang maramdaman ang mga labi nya sa labi ko.. Alam ko makakaalala ako at tutulungan ako ni Chan.. Ni Yuri.. Ang asawa ko..

--------------------------------------------
A/N: biglang UD lang 'to kaya maikli lang.. Try ko bukas mag'UD.. Tnx sa inung lahat!.. Keep on reading!.. And voting.. Hehe..

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon