Part 21

7.8K 205 3
                                    

Sandy's POV

Ilang sandali nalang ang lumipas ng mag'umpisa na ang programa.. Isa isa ng pinakilala ang mga judges at isang tao lang ang kumuha ng atensyon ko.. Si Chan Yuri De Guzman.. Hindi ko alam pero nang marinig ko at makita ko sya bigla nalang kumalabog ang puso ko.. Napakaseryoso ng mukha nya.. Hindi katulad ng dalawang nauna sa kanya na nakangiti pa sila habang kumakaway sa mga naroon.. Pero nang sya ang tinawag tanging tango lang ang kanyang ginawa at bumalik na sa pag'upo.. Parang pamilyar sa akin ang mukha nya.. Parang nakita ko na sya dati..

Minsan naring nangyari ito sa akin noon.. Noong pumunta kami ni Nay Melba sa palengke.. May nakita akong babae na maganda at mukhang taga maynila rin at pamilyar na pamilyar sya sa akin.. Dahil nga desperado na ako noon na makilala ang sarili ko kaya kinausap ko ang babae.. Pagkakita nya sa akin nakita ko ang pagbilog ng kanyang mata pero saglit lang.. Nang tinanong ko naman sya kung kilala nya ba ako bigla nalang itong sunod sunod na umiling.. Hindi nya raw ako kilala at nung araw na yun nya lang raw ako nakita.. Iyak ako ng iyak noon ng makauwi kami ni Nay Melba.. Sabi pa nya nangyayari raw talaga yun dahil narin sa kagustohan kong makilala ang sarili kaya napagkakamalan ko ang ibang tao na kilala ako.. Kaya simula nun hindi na ako ulit sumubok na makipag'usap sa hindi ko kilala..

" Sila Ana na Chin.. " bulong sa akin ni Leandro.. Nakahawak ito sa magkabila kong balikat.. Okay lang naman sa akin iyon dahil wala namang malisya sa akin.. Napabaling ang tingin ko sa stage at nakita ko nga doon sila Ana na bahagya pang kumaway sa akin bago sila pumwesto ni Cris.. Saglit kong nakalimutan ang iniisip ko kanina dahil magsisimula na ang sayaw nila Ana.. Narinig ko pa ang hiyawan ng lahat.. Ngunit napakunot ang noo ko ng magsimula na ang kanta na sasayawin nila.. Parang narinig ko na ang kantang yun.. Pakiramdam ko naisayaw ko na iyon.. Bumaling ako kay Leandro..

" Lean anong title ng kantang yan? " tanong ko sa kanya.. Tumingin ito sa akin na may ngiti sa labi..

" Thinking Out Loud ni Ed Sheeran.. Ang ganda diba? " sagot nito at ibinaling nito ang tingin sa stage.. Napatango nalang ako pero kunot noo parin.. Napakapamilyar talaga ng kanta.. Pinipilit ko iyong alalahanin..

I want to kiss you..

Mas lalo akong napakunot noo ng marinig ang boses na yun.. Napatingin pa ako kay Leandro dahil akala ko sya ang nagsasalita pero busy naman ito sa panonood.. Napahawak ako sa ulo ko ng bahagya iyong sumakit.. May mga sumasagi na naman kasi sa isip ko..

I think I like that too..

Babae na naman ang narinig ko.. Pilit kong pinapakalma ang isip ko.. Ayoko naman na umiksena dito dahil moment ito nila Ana..

" Okay ka lang ba? " narinig kong tanong ni Leandro.. Pilit akong ngumiti sa kanya..

" O-okay lang ako.. " sagot ko naman sa kanya.. Pero dahil parang hindi narin ako makahinga kaya napagpasyahan kong umalis nalang sa kinatatayuan ko.. Baka kasi himatayin nalang ako bigla doon.. Alam kong tinatawag ako ni Leandro pero hindi na ako lumingon.. Nakisiksik nalang ako sa mga taong nandoon para makalabas lang..

Chan's POV

Papunta pa lang kami rito bad trip na agad ako.. Hindi ko naman kasi alam na sasama pala si Kyla.. Doon ko na nalaman ng nasa airport na kami.. Nagtataka pa nga ako dahil parang hindi pa sya mapakali habang papalapit na kami sa Tacloban.. Sabi pa ni Kai sasakay pa raw kami ng bangka para makarating doon sa isla..

" Bakit naman kasi si Chan pa ang kinuha mong judge eh alam mo naman na busy sya.. Pwede naman ako.. " narinig ko pang sabi ni Kyla.. Nakasakay na kami ngayon sa eroplano.. Nasa may bintana ako at nakatingin lang sa mga ulap na madadaanan namin.. Hapon na ng magbyahe kami at mamayang gabi na raw ang audition.. Kung hindi ko lang talaga bestfriend si Kai hindi na talaga ako sasama pa..

" Kanina kapa Kyla ha.. Alam mo kung hindi ka lang talaga pamangkin ni Manager hindi kita isasama.. Ikaw naman ang hindi dapat sumama dito eh.. " si Kai na alam kong naiirita narin kay Kyla.. Minsan talaga isip bata ang huli.. Napapailing nalang ako.. Mas gusto ko pang tumambay nalang sa bahay at tingnan buong araw ang letrato namin ni Sandy.. I really really miss her.. Walang araw na hindi ko sya namimiss.. Minsan pa nga nagigising nalang ako sa gabi na may luha na sa mga mata ko..

Pagbaba pa lang namin sa eroplano hindi na maiiwasan na may mga tao talaga na nakakakilala sa amin.. Kahit matagal na noong huli kaming nagsayaw sa TV.. Mabuti nalang at may nag'iscort sa amin na mga guwardya kaya matiwasay kaming nakalabas ng airport..

Sumakay na naman kami ng service para ihatid kami sa port at mula doon sasakay na kami ng bangka para papunta sa isla.. Nakakapagod ang byahe pero okay lang dahil narerelax ang isip ko.. Sana lang talaga at hindi iyon sisirain ng presensya ni Kyla..

Nang makasakay naman kami sa bangka hindi ko maiwasang isipin na naman ang nangyari noong nawala si Sandy.. Simula noon iniiwasan ko nang magpunta sa dagat dahil naaalala ko lang ang tragedyang yun.. Hanggang ngayon naman kasi sinisisi ko parin ang sarili ko sa pagkawala nya.. Naputol lang ang pag'iisip ko ng akbayan ako ni Kai..

" Alam ko naalala mo parin sya.. Pero sana ngayon hayaan mo muna ang sarili mong mag'enjoy.. " sabi pa nito.. Napapailing ako.. Napakahirap naman kasi ng sinasabi nya.. Simula noong mawala si Sandy nawala narin pati kaligayahan ko.. Parang hindi ko na alam ang kahulugan ng kaligayahan.. Dala dala ni Sandy ang kaligayahan ko ng mawala sya..

" I'll try.. " sabi ko.. Tinapik nya lang ako kaya nginitian ko nalang ito..

Pagdaong ng bangka na sinakyan namin sa Isla Balising agad kaming sinalubong ng mga ilang tao na may mga banner pang dala para i'welcome kami.. Nakipagkamay pa si Kai sa isang lalake na sa pagkakaalam ko ay barangay chairman nila.. Sabi pa nito sa isang private resort raw kami mamalage.. Hindi ko naman maiwasang mainis ng umangkla si Kyla sa akin na para bang girlfriend ko sya.. Mahina kong inalis ang kamay nya..

" Pwede ba Kyla.. " pabulong kong sabi na nagpawala sa ngiti nito.. Hindi na ako nag'aksaya at iniwan sya doon.. Wala akong panahon sa kanya..

Sandali lang kaming nagpahinga.. 8 pm kasi raw mag'uumpisa ang audition sa plaza nila at marami rami rin ang mag'o'audition sabi ng chairman nila.. Pagdating palang namin sa venue agad sumalubong sa amin ang napakaraming tao.. Habang sa byahe papunta dito hindi ko naman maintindihan kung bakit kinakabahan ako.. First time itong nangyari.. Sa mga sayaw namin noon hindi ako kinabahan.. Sa mga meeting ko with the board members and even the biggest clients hindi ako kinakabahan ng ganito.. Isang beses lang naman ako naging ganito.. At sa iisang tao lang.. Kay Sandy.. Sa asawa ko.. Bakit kaya?

Pagkatapos naming isa isang ipinakilala bilang mga judges nagsimula na agad ang audition.. Unang tinawag ang magpartner na sila Ana at Cris.. Naghiyawan naman ang mga tao.. Pero nanigas ang buo kong katawan ng pumailanlang na ang kanta na kanilang sasayawin.. Thinking Out Loud.. Ang huling sinayaw namin ni Sandy bago sya nawala.. Ang kantang pilit kong wag mapakingan dahil bumabalik na naman ako sa pangyayaring iyon.. Napatitig lang ako sa nagsasayaw.. Iginala ko pa ang paningin ko dahil pakiramdam ko may nag'uudyok sa akin na pagalain ang paningin.. At natigil ang paningin ko ng makita ang isang babae na nakayuko.. Nasa unahan sya malapit sa stage.. Kahit nakatagilid sya.. Kahit napakasimple ng damit nya pero nakilala sya ng puso ko..

" Sandy.. " tatayo na sana ako ng hinawakan ako ni Kai..

" Dude saan ka pupunta? Kakaumpisa pa lang.. " sabi pa nito..

" Nakita ko si Sandy.. " sabi ko sabay turo sa kinaroroonan nya kanina pero napakunot noo ako ng makitang wala na sya roon..

" Dude guni guni mo lang yan.. Sige na kakasimula pa lang ng audition oh.. " sabi pa nito.. Umayos nalang ako ng upo.. Alam ko sya yun eh.. Alam ko ilang beses na itong nangyari sa akin.. May mga ilang babae din akong napagkakamalan na si Sandy.. Pero iba ngayon.. Iba ang isinisigaw ng puso ko.. Alam kong sya talaga ang nakita ko.. Hindi ako titigil hanggat hindi ko makita ulit ang babaeng yun kanina..

----------------------------------------------
A/N: I ddcate this part to charlaine_moreno and RosemarieMuyco.. Tnx sa pagsupport sa story nila Chan at Sandy.. And plz do recommend this to others.. Thank you!!! Love y'all!!!

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon