A/N: woooh 8 reads..ok lang yan ok na aq dyan..pero hindi bawal ang magvotes at comments..tsaka follow nyu rin ako..full efforts na ito ha..tsaka pagpasensyahan nyu nalang ang english ko..trying hard lang kasi..hihi..so here it goes...
Chan's POV
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari sa akin kanina sa stage. First time yun at ipinagtaka talaga yun ng mga kagrupo ko. Mabuti nalang at hindi naman nahalata ang dami pa namang nag'abang kanina sa pagsayaw namin.
Ako nga pala si Chan Yuri De Guzman. Half korean half filipino pero dito na talaga ako sa pilipinas lumaki since ayaw na naman daw bumalik ni mama sa home town niya. Korean kasi si mama ko. Since birth pa yata nakahiligan ko na ang pagsayaw. Nakuha ko ito sa papa ko na sikat na dancer sa kapanahunan niya. And yes sikat kami sa school at maaaring magiging sikat din sa buong pilipinas. Rumaraket na kasi ang grupo ko sa mga iba't ibang contest tapos kinukuha na din kaming back up dancer ng mga artista na nagmu-mall show. Kaya no wonder kung bakit halos dumagundong na ang auditorium kanina. Isa lang naman ang gumulo ng sestema ko kanina eh. Yung babae kanina sa harapan. I don't know what's got into me pero nung magtagpo ang mga mata namin parang nag'stop rin ang music kaya napahinto rin ako. Hindi naman siya yung ussual na babaeng makakanganga ka talaga sa ganda. Simpleng simple nga lang eh. Pero tang'ener yung kasimplehang yun ang nagpagulo sa akin. Para siyang angel na bumaba sa langit. Nerd angel actually. Kung hindi pa ako pasimpleng kinalabit ni Kai hindi na talaga ako gagalaw kaya para maibsan ang kahihiyan kinindatan ko nalang siya at sumayaw ulit. Ngunit sa paglingon ko wala na siya sa kinatatayuan niya.
"Hey dude" si Kai. Best buddy ko sa lahat. Although kaibigan ko naman talaga lahat ng ka'grupo ko pero si Kai lang ang mas nakakakilala sa akin. Nagshake hands kami. Yung klase ng shake hands na kami lang magkagrupo ang nakakaalam. "Anong nangyari sayo sa stage? Parang namatanda ka ah" natatawa pa niyang sabi. Umupo siya sa tabi ko. Nandito kasi kami sa dance studio ng school.
"Namatanda nga. May nakita akong anghel eh"
"Seryuso?" Tanong niya. Tumango ako.
"Ewan ko lang kung kilala mo siya kasi kanina ko lang din naman siya napansin. Hindi ko alam dude eh parang timaan ako" nangingiti pa ako.
"Idescribe mo baka kilala ko. Alam mo naman basta girls" kumindat pa talaga siya. Napailing ako. Playboy nga pala tong isang 'to. Mabuti nalang hindi ako nahawaan ng kamanyakan.
"Hindi siguro dude,hindi mo naman magugustohan ang tipo niya eh. Malayong malayo sa mga naging karelasyon mo"
"Try me" lakas ng bilib sa sarili.
"Chinita eh. Tapos may suot na reading glasses"
"Ah!.. Alam ko na. Kilala ko yan" sabi niya.
"Talaga?" Excited naman ako. Parang nakakita ako ng pag'asa.
"Oo,bestfriend siya ni Divy" sagot niya na parang sumimangot ng mabanggit ang pangalan.
"Sinong Divy?" Kunot noo pa aq sa pagtanong. Halos lahat ng naging fling niya kilala ko. Pero ang binanggit niya ay panibago sa pandinig ko.
"Nakilala ko lang nung isang araw. Idol ka nga nun eh" hindi yata siya interesado sa Divy na yun. First time 'to. Kapag kasi babae ang pinag'uusapan nagniningning ang mata niya.
"Oh para yatang hindi mo gusto na ako ang idol niya" asar ko sa kanya. Kilala ko si Kai basta babae hindi ito papatalo. Kahit nga kung sino ang idol sa amin hindi iyon magiging isyu. Gwapo din naman kasi si Kai at katulad ko rin na mayaman ang pamilya. Hindi naman kami mayabang. Sadyang may maipagmamayabang lang. Ngayon lang ako nagtaka sa ikinikilos niya. Simula kasi ng mabanggit niya ang pangalan ni Divy nakakunot na ang noo niya.
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...