Chan's POV
Hanggang ngayon kapag naaalala ni Sandy ang nangyari noong nag'aagaw buhay ako sa hospital hindi nya parin mapigilang mapaiyak.. She almost lost me.. Ang akala nya talaga iyon na ang kataposan ng lahat.. Kahit ako hindi din makapaniwala na makaka survive ako..
Nang una kong maibuka ang mga mata noon galing sa coma mukha ni Sandy ang agad bumungad sa akin.. Ang maganda nyang mukha.. Masaya ako dahil nakita kong okay na sya.. At ang mas nagpasaya sa akin ang malamang buntis na naman sya.. This time alam kong hindi na mawawala ang baby.. But my body is giving up.. Nararamdaman kong hindi na ako magtatagal.. Kaya nasabi ko sa kanya ang mga salitang yun.. Gusto ko naman kasing may maiiwan ako sa kanya bago ako mawala.. And seeing her break down make my heart break too.. Habang nire'revive ako ng mga doktor naririnig ko ang mga sigaw nya.. Ang pagmamakaawa nyang wag ko syang iwan.. Actually I really died.. But maybe it's really not my time yet dahil nandito parin ako..
It's our fifth year wedding anniversary today.. Almost three years na din ang nakakaraan ng muntik na akong mamatay.. At ginagamit ko talaga ang pangalawa kong buhay para paulit ulit na iparamdam sa mag'ina ko ang pagmamahal na walang katulad.. She gave birth to our first born baby girl.. At dalawang taon na ngayon si Chandra Yusan De Guzman.. She is my princess.. At nagmana sya sa ganda ng Mama nya.. Ang minana naman ni Chandy sa akin ay ang pagkahilig ko sa pagsasayaw.. Sabi nga ni Kai baka magkaroon din daw ng group ang mga anak namin sa future.. Well wala namang kaso sa akin kung ano ang gusto nya sa buhay as long as masaya sya susuportahan namin sya ni Sandy.. And speaking of my lovely wife na hindi ako pinapansin dahil akala nya nakalimutan ko ang araw na ito.. Pero hindi nya alam na may plano na ako mamaya para sa aming dalawa..
" Anong nginingiti-ngiti mo dyan? " tanong nya.. Nasa paborito na naman nyang tambayan kami.. Ang veranda ng bahay.. Nasa kabila syang upuan at nakapatong ang dalawa nyang paa sa mga binti ko.. Nagkibit balikat lang ako habang hinahagod ang mga paa niya..
" Wala naman.. Bakit ba ang sungit mo ngayon?.. Meron kaba? " nangingiti kong tanong sa kanya.. Umirap lang sya na mas lalo ko lang na ikinangiti.. Ang cute cute nya naman kasi..
" Anong meron?.. Alam mong tapos na.." sagot pa nya.. This time natawa na talaga ako na mas lalo nya lang ikinasimangot.. Alam ko naman talagang hindi pa sya dinadatnan dahil gabi gabi namang may nangyayari sa amin.. At ang ipinagtataka ko ngayon napaka agrisibo nya when we make love.. Kain pa sya ng kain ng mga weird na pagkain..
" Magkakababy na naman ba tayo ulit sweetheart? " tanong ko sa kanya.." Assuming ka.. Wala itong laman at hindi na ito magkakalaman.. " Padabog pa syang tumayo para iwan ako.. Pero bago pa sya nakaalis hinila ko agad sya at napaupo sya sa kandungan ko..
" Hey.. Hey.. Nakakaalarma na yang kasungitan mo Mrs. De Guzman ha.. May problema ba? " ikinawit ko pa ang buhok nya na nakakalat sa mukha sa gilid ng tainga nya.. Kinagat lang nya ang ibabang labi saka napatingin sa akin..
" Talaga bang wala kang natatandaan? " mahina niyang tanong.. So iniisip nya talagang hindi ko natatandaan ang araw na ito.. Bakit ko naman makakalimutan ang araw na syang simbolo na akin na talaga sya?
" Bakit ano ba ang dapat kong maalala? " pagbibiro kong tanong sa kanya.. Para pa yatang masisira ang surpresa ko nito sa kanya ah.. Sa gulat ko bigla nalang nya akong pinagsusuntok habang umiiyak..
" Ang sama mo talaga.. Ang sama sama mo.. " iyak lang sya ng iyak.. Napabuntong hininga nalang ako.. Isa pa ito sa ipinagtataka ko ngayon sa kanya.. Napaka emosyonal na nya ngayon.. Did I miss something?.. Hinagod ko ang likod nya saka ko hinawakan ang magkabila nyang pisngi.. She even pouted her lips.. Napangiti nalang ako.. Iniharap ko sya sa akin..
" Okay okay.. Stop crying na.. " napabuntong hininga ulit ako.. Saka sya pinakatitigan sa mga mata.. Pinunasan ko ng mga daliri ko ang kanyang pisngi..
" Hindi ko nakakalimutan okay.. Gusto lang naman sana kitang surpresahin eh kaso umiyak ka naman kaya hindi na yun surpresa.. " nakita ko ang pamimilog ng mga mata nya.. Napatakip pa sya sa kanyang bibig.. Yeah sweetheart you ruined my surprise.. Hayzt..
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...