Part 14

8.9K 224 0
                                    

Sandy's POV

Tumatama na ang sinag ng araw sa mukha ko kaya kunot noo akong unti unting dumilat.. Unang tumambad sa akin ang magarbong sailing fan na mahinang umiikot.. Napangiti ako ng maalalang nasa hotel pala ako kasama si Yuri.. Ang asawa ko.. Pinigilan ko namang mapasigaw dahil sa kilig ng maalala na kinasal kami kahapon hanggang sa pagyakap nya kagabi sa akin habang natutulog na kami.. I can't believe that this is happening to me.. Si Yuri ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko.. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong pagmanahal sa kanya.. Para bang kahit anong oras sasabog ang puso ko sa sobrang pagmamahal sa kanya..

Maya maya unti unti akong bumangon ng malamang ako lang pala ang nakahiga sa kama.. Saan na kaya ang lalakeng yun?.. Bababa na sana ako sa kama ng bumukas ang banyo at lumabas ang asawa kong nakatupi lang ng tuwalya ang baywang pababa habang tumutulo pa ang tubig mula sa ulo pababa sa katawan nito.. Minsan ko na syang nakitang topless pero napapanganga nya parin ako..

" Naglalaway ka na naman.. " narinig kong sabi nya kaya napahawak ako sa bibig ko.. Nang marealize na joke lang yun binato ko sya ng unan habang sya tawa lang ng tawa.. Inirapan ko tuloy.. Pagtripan ba naman ako..

" Ang sama mo.. " sabi ko.. Tumatawa pa ito habang lumalapit sa akin..

" Totoo naman talaga eh.. Tutulo na nga sana eh kaso tinakpan mo naman.. " sabi pa nito sabay tawa.. Kaya hinampas ko sya ng unan.. Hanggang nakihampas narin sya.. Tawa kami ng tawa.. Tumigil rin kami ng makaramdam ng pagod.. Bilib din ako sa tuwalyang nasa baywang nya dahil hindi man lang iyon nahulog..

" Alam mo sweetheart mabuti pang maligo ka na baka kasi gabihin tayo sa byahe.. Tsaka natitigasan na ako sayo.. " sabay nito sabay nguso sa harap ko.. Napatingin naman ako at namula ang mukha ko ng marealize na aninag na aninag sa suot kong nighties ang dibdib ko.. Tinakpan ko naman yun at dali daling pumasok sa banyo..

" Ang pervert mo! " sigaw ko.. Tawa lang ito ng tawa.. Napapangiti lang ako.. Nararamdaman kong magiging masaya talaga ako sa feeling nya habang buhay..

Nang makalabas na ako sa banyo nakita kong nakabihis na sya.. Maong pants at switshirt na puti ang suot nya.. Ako naman nakabihis na sa banyo.. White shirt lang din ang suot ko at fitting na jeans na may punit punit sa tuhod.. Terno pa kami ng snickers.. Sya naman ngayon ang pinasadahan ako ng tingin sabay sipol pa.. Napapailing nalang ako..

" Sexy ng asawa ko.. Are you seducing me wifey? " tanong nito sabay yakap sa akin pero nakaharap parin sa akin ang mukha.. Kinagat ko naman ang labi ko saka pinasadahan ng daliri ko ang leeg nya..

" Bakit naaakit kaba? " tanong ko in a sexy way.. Napakagat labi din ito..

" Alam mo Mrs De Guzman kung hindi ka titigil gagawa talaga tayo ng milagro dito sa oras na to.. " sabi nya.. Yumakap nalang ako sa kanya habang ngiting ngiti.. Alam ko kasi na nagpipigil lang ito..

" Nasabi ko naba sayo na ang gwapo gwapo mo? " sabi ko.. Gumanti din sya ng yakap sabay halik sa balikat ko..

" Hindi na naman nakakagulat yun.. " sabi nito.. Napatawa nalang ako ng mahina pero hindi na kumuntra.. Totoo din naman kasi..

Magkahawak kamay kaming bumaba para magbreakfast doon din sa hotel.. Kahit wala pa akong ganang kumain napilitan nalang din ako dahil hindi rin daw kami matutuloy kung hindi ako kakain.. Kaya pinagbigyan ko nalang.. Mukhang tataba talaga ako dahil sa kanya..

Pagkatapos naming kumain magkahawak kamay na naman kaming naglakad papunta sa harap ng hotel dahil ready na raw ang sasakyan nya.. Hindi naman maiwasang pagmasdan sya ng mga ilang babaeng madaraanan nya.. Pero ng tingnan ko sya seryoso lang ang mukha nya habang pinagsaklop ang mga kamay namin.. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin.. Well sorry nalang sila dahil sa akin lang naman ang lalakeng tinitingnan nila..

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon