Part 19

7.7K 200 4
                                    

Chan's POV

" What's my next schedule for today Gail? " tanong ko sa aking sekretarya.. Dati syang secretary ni Papa at masasabi kong magaling sya sa kanyang trabaho.. No doubt sya ang nagtagal sa pagiging secretary ni Papa.. Knowing Dad..

Isang taon na ng ako ang humalili kay Papa sa company namin.. Nung una nahihirapan pa ako pero siguro nga natural na sa akin ang pagiging businessman dahil nakuha ko naman agad ang tiwala ng mga board members.. At dalawang taon ko narin na patuloy na hinahanap si Sandy.. May times na gusto ko na sanang sumuko pero sa tuwing naaalala ko kung gaano namin kamahal ang isa't isa parang nagkakaroon ako ng pag'asa na magkikita pa kami..

" May meeting po kayo with Mr. Swan Sir.. " rinig kong sagot nya.. Kasalukuyan kasi akong pumipirma sa mga papeles ba nasa lamesa ko..

" Cancelled it.. " walang gana kong sabi..

" P-pero Sir.. Potencial investor po sya sa company.. " sabi pa nya.. Napaangat ako ng tingin sa kanya.. Alam ko ang sinasabi nya pero alam ko ang totoong motibo ng matandang yun kaya nakikipagmeeting sa akin.. Gusto nya lang ireto sa akin ang anak nya.. The hell! Alam ng buong mundo na may asawa na ako.. Kahit hindi ko pa nakikita si Sandy at kahit hindi ko sya kasama ngayon hindi ibig sabihin nun na hahanap na ako ng iba..

" The hell I care Gail.. Hindi pa naghihirap ang kompanya ko para mangailangan ng potencial investor.. Kung gusto nya talagang mg'invest dito hindi na kailangan ng lunch meeting sa bahay nila.. Kahit ikaw lang ang haharap sa kanya pipirma na sya.. " sabi ko.. Napayuko ito.. Isa pang kinaiinis ko last month nya pa dapat pirmahan ang mga papeles pero nagmatigas pa ito at sinabing pipirma lang kung ako ang haharap sa kanya at tatanggapin ang imbetasyong mananghalian sa kanila kasama ang anak nito.. Napailing ako.. Ayoko sa lahat yung hinahaloan ng kahit ano ang usaping negosyo.. Business is business..

" Ok Sir tatawagan ko nalang po sila.. " tumango lang ako saka ito nagpaalam para lumabas.. Saka naman ako napasandal sa upuan ko at hinihilot ang sentido.. Alam kong masyado na akong busy sa negosyo namin.. Minsan pa nga sinasadya ko talagang mag'over time para lang may mapagkaabalahan.. Ayoko namang mag'inom dahil hindi naman ako mahilig sa ganun.. Iniiwasan ko lang talaga na mabakante ang araw ko dahil paniguradong iisipin ko na naman si Sandy.. Well hindi naman talaga sya nawala sa isip ko pero minsan kasi nakakasawa ng maramdaman ang sakit.. Kinakain nito ang buo kong pagkatao..

Natigil ang pag'iisip ko ng tumunog ang phone ko.. Nakita kong si Kai ang tumatawag..

" Dude.. " sabi ko ng masagot ko na ang tawag..

" Hey dude magkit naman tayo mamaya.. May sasabihin ako sayo.. " sabi nito..

" Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon? " walang emosyong sabi ko..

" Hindi pwede dude.. Sige na.. Minsanan na nga lang tayo magkita eh.. Alam mo naman na masilan mag'buntis ngayon si misis.. Ngayon nga lang ako pinayagan eh dahil alam nyang ikaw ang kikitain ko mamaya.. Sige na.. " para pang nagmamakaawang sabi nito.. Napabuntong hininga ako.. Swerte din itong gagong to eh.. Magkakaanak na.. Last year din pala kinasal na sila ni Divina.. Akalain mong aabot ang mga ito sa kasalan..

" Ano dude.. Sige na.. " sabi pa nito.. Napapailing nalang ako.. Well siguro nga kailangan ko din na magrelax muna.. Matagal tagal na nga rin na hindi kami nagkita ni Kai simula ng mabuntis si Divina.. Swerte lang talaga.. Naramdaman ko naman ang kahungkagan sa puso ko.. Malamang may mga anak narin kami ngayon ni Sandy.. Napabuntong hininga ulit ako..

" Okay sige.. Kita nalang tayo sa dati.. 8pm.. " sabi ko..

" Wow good! Sige dude.. " saka nito tinapos ang tawag.. Ang dati namang sinasabi ko ay ang dance studio na pinatayo ni Kai.. Dalawang palapag kasi ang pinatayo nito at nasa second floor ang studio at sa baba naman ang isang bar.. Pero alam nyang hindi ako umiinom kaya doon lang kami sa opisina nya na makikita ang nagsasayaw sa labas..

Wala naman akong ginawa sa buong araw aside sa meeting ko ng 2pm kanina sa conference room pagkatapos nun tinapos ko nalang ang mga dapat pirmahan.. 7:30 ng umalis na ako para pumunta sa bar ni Kai.. Naabotan ko pa si Gail sa mesa nito ng lumabas ako..

" Mauna na ako sayo Gail.. " paalam ko sa kanya..

" Ingat po kayo Sir.. " sabi naman nito.. Tango lang ang iginanti ko sa kanya.. Ewan ko ba simula nung mawala si Sandy parang napakahirap na para sa akin ang ngumiti.. Akala nga ng ilan na mga empleyado na istrikto ako noong una nila akong nakita..

May ilan pang mga empleyado akong nakita habang papalabas ako.. Alam kong sa akin ang mga tingin nila.. Minsan pa nga may nakapagsabi sa akin na halos lahat raw na mga empleyadong babae dito ay gusto ako.. Pero alam nilang may asawa na ako kaya ang ilan nadismaya lang..

Iniabot agad sa akin ang susi ng kotse.. Nakita kong nakaabang na sa labas ang Ford Mustang ko.. Ang favorate car ni Sandy.. Ang surpresa ko sana sa kanya pagbalik namin galing honeymoon.. Black ang kulay sa labas pero pagpasok mo sasalubungin ka ng purple na kulay.. Mula sa upuan hanggang sa mga accessories nito ay kulay purple na paboritong paborito niya.. Naka lagay pa ang mga initials namin na SC sa mga upuan.. Pina personalized ko talaga ito para sa kanya..

At ang bahay na sana titirhan namin after ng aming honeymoon ay kulay purple din.. Supresa ko din sana sa kanya iyon.. Pero ngayon hindi ko pa iyon napupuntahan.. May pinagkakatiwalaan lang akong magmaintain ng kalinisan doon..

Eksaktong 8pm ng makarating ako sa bar.. Marami na ang mga tao doon.. Masasabi kong succesfull din ang negosyo ni Kai dahil mas lalong dumadami pa ang nagpupunta doon..

Pinapasok agad ako ng bouncer pagkakita sa akin.. Kilala na naman kasi ako rito.. Diritso agad ako sa opisina nya..

" Hey dude.. " bati nya agad sa akin ng makapasok ako.. Nakita kong may babae dun at papalabas na narin ito.. Kunot noo akong tumingin kay Kai..

" Seriously? " tanong ko agad.. Nagtaas naman sya ng dalawang kamay na parang sumusuko..

" It's not what you think ok.. Nagpahatid lang ako ng drinks natin.. " sabi nito..

" Tang'ina mo wag ko lang talaga malalaman na niloloko mo si Divy.. Bestfriend sya ng asawa ko.. " sabi ko sabay upo sa may couch doon.. Umupo rin ito sa pang isahang upuan..

" Dude alam mong hindi ko magagawa yun kay Divy.. Takot ko lang dun nho.. " natatawa pa nitong sabi.. Napapailing nalang ako.. Sana nga nagbago na sya.. Kundi hindi ako ang unang sasapak sa kanya..

" Ano bang sasabihin mo sa akin? " pag'iiba ko nalang sa usapan..

" Oh inom ka muna.. " sabi nya sabay abot sa akin sa isang baso..

" Alam mong hindi ako umiinom.. Sira ulo ka talaga.. " sabi ko..

" Hindi ito nakakalasing dude.. Lady's drink lang ito.. Kaya nga ito yung ipinadala ko rito dahil alam kong hindi ka umiinom.. "

" At kailangan babae din ang maghatid? " sarkastikong tanong ko sa kanya.. Napailing lang ito habang tunatawa..

" Dude chill ka lang ok.. Nakakatakot ka naman.. Simula noong nawala si Sandy nawala narin yung pala tawa kong bestfriend.. " sabi nito.. Hindi ako nagsalita.. Totoo din naman kasi.. Papano pa ba ako makakatawa kung ang mismong magpapaligaya sa akin wala sa tabi ko?..

" By the way dude.. Alam mo naman na nagpapa'audition ako para sa next dancers natin diba.. May gagawin na audition sa Isla Balising sa Tacloban gusto ko sanang gawin kang isa sa mga judges dude.. " sabi nito..

" Bakit ako? Alam mo namang may trabaho ako.. " sabi ko sabay inom sa drinks na binigay nito kanina..

" C'mon dude dalawang araw lang naman.. Alam mo naman na ikaw lang yung maaasahan ko dito.. Sige na Chan.. Plz.. " napangiwi pa ako ng makitang napapanguso pa ito.. Para talagang sira..

" Wag kang gaganyan.. Hindi bagay.. " napapailing na sabi ko.. Mas ngumuso pa ito kaya napangiti nalang ako.. Ano pa bang magagawa ko?

" Sige na.. Sige na.. Wag ka lang ngunguso dahil nasusuka ako.. " sabi ko.. Akma pa sana nya akong yayakapin pero pinigilan ko nalang sya.. Ngayon ko narealize na namiss ko rin pala ang makipag'usap sa bestfriend ko.. Siguro nga kailangan ko rin na magbakasyon kahit dalawang araw lang.. Kahit ngayon lang..

------------------------------------------
A/N:
Baka po next week na po ako mg'update dahil medyo bz lng ako sa mga susunod na araw.. Salamat ulit sa mga readers ko.. Love yah all!!

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon