"Ahhhhhh!!" Sigaw ko. Sumasakit na naman kasi ang ulo ko. May mga sumasagi na mga kaganapan na pilit inaalala ng utak ko.
"Anak,anong nangyari" Si nanay Perla. Ang umaruga sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag'aalala.
"S-sumasakit na naman po kasi ang ulo ko nay" sagot ko na hawak hawak parin ang ulo ko. Dalawang taon na ako sa kanila at dalawang taon narin akong walang maalala. May mga sumasaging kaganapan sa isip ko. Nasa school ako at napakaraming estudyante na tinitingnan ang lalake at babaeng magkahawak kamay at masayang nagtatawanan. Nararamdaman ko ang kaligayahan nila. Minsan naman nasa isang kasalan ako. May mga tao akong nakikita pero hindi ko naman sila kilala. Nakita ko din doon ang lalake at babae sa school na nasa harap ng altar at siyang kinakasal. Masayang masaya din sila sa araw na yun. Pilit kong inaaninag ang mga mukha nila lalo na ang lalake dahil humarap pa ito sa akin. Gusto ko siyang makilala. Gusto kong malaman kung sino siya sa buhay ko. Pero kapag nga pinipilit kong alalahanin ang lahat sumasakit lang talaga ang ulo ko tulad ngayon.
Tiningnan ko ng matagal ang mga singsing na nasa palasingsingan ko. Dalawa pa nga yun. Isang silver gold ring na may nakaukit pa na SC at diamond ring. Sabi ni nanay nasa kamay ko na raw ito ng makita nila ako. Posible kayang ako ang ikinasal ng araw na yun? Posible kayang may naiwan akong asawa na siguradong alalang alala na sa akin dahil sa pagkawala ko ng dalawang taon?
___________________________
A/N:
Hi..here I am again..naisip ko lang naman ang story na'to habang nagluluto kaya before mawala sa isip ko eh isinulat ko na agad agad sa notebook ko. Ginamit ko na fictional character sila Chanyeol at Dara dahil idol ko po si Chanyeol ng EXO at crush naman niya si Dara. Ang cute din kasi nila. Hehe. Okay hope u like it. Vote,comment,and share para ganahan naman ako mag'UD. Mwuahhh!..
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...