Part 20

8.4K 206 4
                                    

A/N: dapat nxtweek pa ito eh.. Pro dahil malakas kau sa akin kaya ito na.. Enjoy!!

Sandy's POV

Halos dalawang taon na mula ng makita ako nila Nay Melba sa dalampasigan na nagpalutang lutang.. Pero hanggang ngayon hindi ko parin maalala kung sino ba talaga ako.. Nagtanong tanong pa kami sa karatig bayan kung may nawawalan ba ng isang kapamilya pero wala naman kaming nakuhang impormasyon tungkol sa akin.. Tanging ang dalawang singsing lang na nasa akin ang nagpapatibay pa ng loob ko.. Alam ko may pamilya ako.. Pero bakit hanggang ngayon hindi parin nila ako hinahanap?

Minsan may napapanaginipan akong mga pangyayari.. Para akong nanonood ng pelikula dahil kitang kita ko ang dalawang tao na magkahawak kamay.. Minsan nasa school sila minsan din nasa labas din namamasyal.. Pero ang mas matindi ay nung nakita ko silang ikinasal.. Hindi ko maaninag ang mukha nila pero ramdam ko ang kasiyahan nila pareho.. Nang pinasuri namin ang singsing ko sa isang pawnshop napag'alaman kong isa pala yung weddibg ring at isang enggagement ring na may initials pa na SC.. Kaya malakas ang loob kong ako ang nasa panaginip ko na ikinakasal.. Sino ba talaga ako? Sino ang dalawang tao sa panaginip ko? Sino ang lalakeng pinakasalan ko?..

" Ate ganda.. " napalingon ako ng may tumawag sa akin.. Si beboy lang pala.. Bunsong anak ni Nay Melba.. Sa kabila ng wala akong maalala nagpapasalamat parin ako dahil sa mabubuting kamay ako napunta.. Isang single mother si Nay Melba at masasabi kong proud ako sa kanya dahil nagawa nyang buhayin ang apat na anak kahit sya lang mag'isa.. Dumagdag pa ako..

Sabi nila naliligo raw ang anak nitong si Ana sa dagat kasama ang mga kaibigan ng makita nila ako na palutang lutang.. Akala pa nila patay na ako pero nang maiahon nila ako sa dagat saka nila napag'alamang humihinga pa pala ako kaya dinala agad nila ako sa pagamotan.. Napaswerte ko sa kanila..

" O beboy anong ginagawa mo rito? " tanong ko ng makalapit na ito sa akin.. Nasa may tulay kasi ako.. Kapag gusto kong mag'isip isip dito ako naglalagi.. Nagbabakasakaling may kunti akong maaalala..

" Tawag ka po ni Nanay ate ganda.. Kakain na raw po kasi.. " sabi pa nito.. Nginitian ko sya.. Giliw na giliw ako sa batang to dahil ang bibo bibo sa edad na apat na taon.. Ginulo ko ang buhok nya saka ko sya hinawakan..

" Halikana at ng makakain na tayo.. " sabay na kaming naglakad papunta sa bahay nila..

Hindi naman malaki ang bahay nila Nay Melba pero malinis ito kahit malapit sila sa dagat..

Pagpasok namin nakita kong nasa hapag na sila Nay Melba, Ana, ang panganay nya na si Leandro na kaedaran ko rin.. Ang pangalawang anak ni Nay Melba ay nakatira ngayon sa bayan dahil nag'aaral ito sabay ang pag'aaral kaya minsan lang kung makauwi..

" Umupo na kayo rito Chinita ng makakain na tayo.. " napangiti lang ako sabay upo narin katabi si Leandro na ngumiti din sa akin.. Mula ng makita nila ako dahil nga hindi nila alam ang pangalan ko kaya chinita na ang tawag nila sa akin dahil din daw singkit ang mata ko..

" Sumasakit na naman ba ang ulo mo Chin? " tanong ni Leandro sa akin..

" Hindi naman.. May iniisip lang ako.. " sagot ko sabay subo ng pagkain ko.. Hindi lingid sa akin ang pagtingin na nararamdaman ni Leandro sa akin.. Sinabi nya ito last year lang.. Pero ayoko naman syang umasa.. Isa pa hanggat hindi pa ako nakakasigurado sa buong pangyayari kung bakit ako nawalay sa pamilya ko.. At sa asawa ko wala akong karapatang magkarelasyon.. Mabuti naman at naiintindihan nito.. Pero pansin ko ang pag'iwas na nito mula noon..

" Ate Chin may pa'audition mamaya sa plaza para sa mga magaling sumayaw sasali po kami ni Cris.. " sabi ni Ana sa akin.. Mahilig itong sumayaw.. Pero hindi hiphop kundi ballroom.. Minsan nga napanood ko sya sumayaw kasama nito ang partner nyang si Cris talagang humanga ako sa kanya.. At yun din ang araw na bigla nalang sumakit ang ulo ko dahil may naalala ako.. Isang grupo nagsasayaw.. Sabi nga ni Ana baka raw member ako sa isang dance group noon.. Pero sumakit lang ang ulo ko ng pinilit ko iyong alalahanin..

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon