Chan's POV
Walang pagsidlan ang kasiyahan ko ngayon.. Nandoon na sana ako sa kasagsagan ng pagsuko na makita sya pero God is truly good.. Hindi man ako palaging nagdadasal pero alam kong alam Niya ang desire ng puso ko..
Nang makita ko sya sa kwarto ko nang araw na yun hindi ko maipaliwanag ang bumalot na kasiyahan sa puso ko.. After two years.. After two years nakita ko na din si Sandy..
Pero isang bagay ang nagpapalungkot sa akin.. Hindi nya ako maalala.. Hindi iyon imposible dahil bagyo ng oras n yun at malamang nabagok ang ulo nya sa matigas na bagay kaya nagka'amnesia sya.. Okay lang naman sana coz I know darating ang araw na maalala nya rin ang lahat kung magkakasama kami.. Pero papano kung ayaw nya namang sumama sa akin?
Isa pang ikinalungkot ko ay ng malaman kong nakunan si Sandy.. Ofcourse I cried.. Unang anak namin sana yun at nabuo yun noong naghoneymoon kami.. Mas lalo ko tuloy sinisi ang sarili dahil sa pagkawala nya.. Kung hindi lang talaga ako naging pabaya ng gabing yun hindi ito mangyayari ngayon at hindi mawawala ang baby namin..
" Hey.. "
Naputol ang pag'iisip ko nang magsalita sa likuran ko si Kai.. Alam na rin nya lahat.. Isa sya sa naging masaya ng malamang natagpuan ko na si Sandy.. Agad nya rin itong itinawag kay Divy na kung hindi nga lang raw masilan ang pagbubuntis malamang pupunta rin yun dito.. Tinapik nya ang balikat ko..
" Pabayaan mo muna dude.. Baka nga nabigla lang si Sandy sa mga nalaman nya.. " anito.. Napabuntong hininga ako..
Nandito parin kami sa resort.. Ayoko namang bumalik ng maynila kung hindi ko kasama si Sandy.. Itinawag ko narin ito kina Papa at bukas ay babalik na sila galing sa bakasyon nila.. Ayoko sanang pauwiin pa sila Papa dahil alam kong nag'i'enjoy pa sila pero si Mama raw ang may gusto.. Pati parents din ni Sandy nasabihan ko na at bukas darating sila..
" Naiintindihan ko naman.. Hindi ko lang talaga maiwasang masaktan.. Para kasing hindi nya ako pinaniniwalaan.. " parang gusto ko yata ulit umiyak.. Pinipigilan ko lang talaga.. Kailangan kong maging matatag ngayon.. Ang pagsuko ang pinakahuli kong gagawin.. Ngayon pa ba na nakita ko na ang asawa ko?
" Nakita nya pa kaming magkasama ni Kyla dito.. " dagdag ko pa.. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kai..
" Dude may sasabihin ako sayo.. " anito.. Nilingon ko sya na nakakunot noo.. Hindi ako nagsasalita pero nagtatanong ang mukha ko..
" Si Kyla matagal na pala nyang alam na nandito si Sandy.. " mas lalo pa yatang nangunot ang noo ko.. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nito.. Noong mga panahong nagpakahirap ako para hanapin si Sandy.. Noong mga panahong halos ayoko ng mabuhay pa dahil wala sa tabi ko ang asawa ko.. At noong mga panahong gusto ko nalang mamatay dahil hindi ko na kayang magpatuloy pa ng wala si Sandy.. Nandoon si Kyla.. Alam nya lahat ng pinagdaanan ko.. Kung alam nya kung nasaan si Sandy bakit hindi nya sinabi?..
" Alam ko hindi ka makapaniwala.. Pero knowing Kyla na alam nating noon pa man patay na patay na sayo hindi talaga imposibleng gawin nya ito sa inyo ni Sandy.. " dagdag pa nito.. Napahigpit ang kapit ko sa railings ng balkonahe..
" Papano mo ito nalaman? " tanong ko..
" Narinig ko sya.. May kausap sya sa phone.. Hindi ko lang alam kung sino.. " sagot nito..
" Fuck! " I curse.. " Where is she? "
" Nasa cottage nya parin- " hindi ko na pinatapos ng pagsasalita si Kai at agad na akong lumabas papunta sa cottage ni Kyla.. Alam kong nakasunod si Kai sa akin at tinatawag nya ako.. Pero hindi ko na ito mapapabukas pa.. Walang sino man ang may karapatang manipulahin ang buhay ko.. Lalo pa kung si Sandy na ang pag'uusapan..
Hindi na ako nag'aksaya pa ng pagkatok.. Tumuloy na agad ako at kitang kita ko ang pagkagulat nya.. Kasalukuyan itong nag'i'empake ng kanyang mga gamit.. Agad ko syang nilapitan at hinigit ang braso nya na ikinangiwi naman ng huli.. Galit ako at napaka malas nya dahil sinagad nya ang pasensya ko..
" C-chan n-nasasaktan a-ko.. " sabi nya.. Mas lalo ko pang diniinan ang paghawak ko sa kanya..
" Chan! " si Kai.. Pero hindi ko na ito nilingon..
" How could you do this to me huh?! " galit na tanong ko sa kanya.. Nabanaag ko agad ang takot sa mga mata nya.. Gusto kong mapailing.. Dapat lang talaga na matakot sya sa akin..
" H-hindi ko alam ang p-pinagsasabi mo.. " anito at nauutal pa.. Mas lalo ko pa syang inilapit sa akin.. Naramdaman ko rin ang paghawak ni Kai sa balikat ko..
" I can't believe that you actually do this to me Kyla.. I trusted you so much.. Alam mo bang ang sarap mong saktan ngayon.. Ha?! " aangat na sana ang kamay ko para sampalin sya ng pigilan ako ni Kai.. Nakita ko din ang pagyuko ni Kyla..
" Chan hindi mo naman kailangang manakit.. " sabi ni Kai sa akin.. Hinablot ko ang kamay ko at matalim na tiningnan si Kyla..
" Ayoko nang makita ka pa.. Leave us alone Kyla or else you will know what I'm capable to do.. " saka ako tumalikod.. Pero bago pa ako nakalabas naramdaman ko ang pagyakap ni Kyla sa likod ko..
" Chan please.. Please.. Ako nalang.. Ako nalang ang mahalin mo.. Please.. " pagmamakaawa nito.. Hindi ko akalain na hahantong ang kahibangan nya sa puntong gagawa na sya ng mali.. Marahas kong kinalas ang mga kamay nya sa baywang ko at hinarap sya..
" You're crazy.. " I hissed..
" Yes I am!!.. Dahil sayo! " sigaw nito habang umiiyak.. Muli ko syang hinablot na mas lalong nagpaiyak sa kanya..
" Hindi ako ang dahilan ng pagkabaliw mo Kyla.. It's you.. That's your choice.. Bago pa kita kasohan mas mabuti pang wag kanang magpakita sa akin.. " saka ko sya pabalyang binitawan.. Kung hindi pa sya nasalo ni Kai baka sa sahig na sya napunta.. Tinapunan ko pa sya ng matalim na tingin bago ako lumabas.. Galit na galit ako.. Hindi lang sa kanya kundi dahil rin sa sarili ko.. How can I be so stupid?.. Kasalanan ko ito lahat.. Kaya nawala si Sandy dahil sa kapabayaan ko.. Kaya din itinago ni Kyla sa akin ang totoo dahil rin sa akin.. Dahil sa akin lahat.. Ngayon naman ayaw sumama ni Sandy sa akin.. Maybe bcoz she saw Kyla in my room.. Sino ba naman kasi ang hindi makakaisip ng masama nun.. Kahit pa sabihing wala namang nangyari sa amin the fact na nasa loob sya ng kwarto ko kahit sino makakapag'isip ng kahit ano.. Ang masaklap pa hindi makaalala si Sandy kaya makakaisip sya ng masama sa aming dalawa..
Natagpuan ko ang sarili ko sa tabing dagat at nakatingin sa kawalan.. Hanggang kailan ko ba mararanasan ang sakit?.. Oo nga nakita ko na si Sandy pero hindi ko naman sya makakapiling dahil ayaw nyang sumama sa akin.. Para pa syang ilap na ilap na parang ayaw nya talaga akong makita..
Napasabunot ako sa buhok ko sabay ang pag'agos ng mga luha sa pisngi ko..
Sandy.. Ikaw nalang ang maaaring makapagpasaya sa akin.. Please sweetheart come back to me..
Hinayaan ko lang ang mga luha ko sa pag'iyak.. Para kasing hindi ko na makaya pa.. And all I can do is cry..
------------------------------------------------
A/N: salamat sa pagbabasa.. Follow nyu po ako..
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...