A/N: yehey! Since may mga silent reader na ako kaya nakapagpasya na akong mag'UD ng part one ko..sana naman kung hindi kalabisan sana i'vote nyu rin ang story ko..hehe..masaya na ako dun..salamat!..so here it goes....
______________________________
Sandy's POV
Nasa sulok lang naman ako ngayon sa usually na inuupuan ko sa classroom.Matagal na naman na ganito ang buhay ko. Parang kakaiba lang talaga ang araw na'to.
"Sandy samahan mo ako mamaya" si Divina. Bestfriend ko rito sa school.
"Saan naman?" Walang gana kong tanong at hindi ko rin tinapunan ng tingin. Nakatitig lang naman ako sa libro ko.
"Sa auditorium,sasayaw kasi mamaya ang idol ko" sagot niya na feel na feel ko rin ang kilig.
"May gagawin ako" wala paring emosyong sabi ko.
"Ano ka ba,minsan na nga lang ako mangulit eh. Sige na Sandy. Lagyan mo naman ng kulay ang buhay mo" sabi pa niya. Kumunot ang noo ko at pabiro pa akong napatingin sa sarili ko.
"May kulay naman ako. Pilipinang pilipina nga eh. Tsaka kulay pula rin ang dugo ko" sabi ko na seryoso parin ang mukha na nakatingin sa kanya.
"Ha. Ha. Ha. Ang korni mo talaga. Sige na samahan mo na ako. Gusto ko lang makita ang idol ko" sabi niya. I rolled my eyes. Minsan talaga napapaisip ako kung bakit ba kami nagclick ni Divina eh sobrang layo naman namin. Sa looks pa lang malayo na. Although may pagka chinita naman ako kasi may lahing chinise ang mother side ko. Hindi nga lang talaga ako maarte sa katawan. Hindi tulad ni Divina na maarti sa katawan at mahilig pa maglagay ng kolorite sa mukha. Nerd na nerd nga ang dating ko eh dahil nakapusod lang ang buhok ko at suot suot ko palagi ang walang kamatayan kong reading glasses. Simula elementary dean's lister na ako at dalawang taon lang ako sa high school. Sabi naman ng iba nai'intimidate raw sila sa akin kaya hindi nila ako masyadong kinakausap at ilan lang ang lumalapit. Ito lang naman si Divina ang kumakausap sa akin sa simula pa lang ng school year. Tatlong taon ang tanda nito sa akin at ako 18 pa lang pero ga'graduate na this year. Ganun ako katalino. < ° 0 ° >
"Hoy ano na? Samahan mo na ako please" sabi niya na nagpa'puppy eyes pa. Sira ulo din eh.
"Oo na. Pero sandali lang tayo dun ha. Marami pa akong gagawin" sabi ko. Niyakap naman niya ako sa sobrang kasiyahan. Ang babaw lang eh. Tss
"Thank you Sandy! The best ka talaga. Dont worry hindi mo pagsisisihan ang pagsama mo sa akin. Ipapakilala kita sa idol ko" sabi niya. Ang landi.
"Alam mo kanina kapa diyan sa idol mo. The last time I check wala ka namang idol dito" sabi ko. Ayan at nakikita ko na naman ang pagniningning ng mga mata niya. Malandi talaga.
"Lately ko lang naman sila napapanood nho. Tsaka ang galing niya sumayaw" sabi niya na kinikilig pa.
"Kilala ko ba?" Tanong ko.
"Hmmmm.. Ewan ko lang. Chan Yuri De Guzman ang name niya. Leader ng dance group" sagot niya. Parang pamilyar ang name niya. "Oh medyo hawig pa ng name ng idol mo" dagdag pa niya. Oo nga hawig ng first name ng idol ko na si Chanyeol ng EXO.Pero sigurado naman akong mas gwapo pa ang idol ko dun.
"Eh ano naman? Nag'iisa parin ang Chanyeol ko" sabay irap sa kanya. "Pamilyar ang name niya. Pero hindi ko siya kilala" sabi ko.
"Naku mula't mula pa lang na mag'umpisa ang school year eh babad kana sa mga libro. Kaya papano ka makakakilala ng ibang tao?" Sabi niya. Oo nga tama siya. School bahay lang naman talaga ang routine ko sa simula pa lang. Kahit nga sila mama at papa ko nag'aalala narin sa akin dahil napapasobra na raw ako sa pag'aaral at hindi ko na nai'enjoy ang totoong buhay.
"Eh ganun talaga ako" sabi ko.
"Sandy gusto ko lang naman ma'enjoy mo ang buhay. Tsaka hello! Ga-graduate nalang tayo pero wala ka paring lovelife" sabi niya. Nilingon ko siya. Matagal na niyang gustong magka'lovelife ako dahil baka raw mag'iba na ang pananaw ko sa buhay. Pati sila mama ganun din. Seriously? Abnormal ba ang tingin nila sa ginagawa ko? Aughh! I can't believe this.
"Wala ngang nagkamali diba" sabi ko
"Papano nga magkakamali eh nagdadalawang isip sila na lumapit sa'yo. Tsaka palagi mong tinatago ang maganda mong mukha diyan sa nerd look mo" sabi niya at kukuhanin na sana ang reading glass ko pero nakaiwas naman ako.
"Alam mong hindi ako nakakakita kung wala ito" sabi ko sabay ayos sa salamin ko.
"May mga paraan na ngayon nho. Ikaw lang ang ayaw" sabi niya.
"Talagang nakatotok sa akin ang topic nho. Samantalang yung idol mo naman ang pinag'uusapan natin" sabi ko.
"Hay naku basta sama ka mamaya" sabi niya. Napailing nalang ako. Natahimik narin kami dahil pumasok na ang prof namin.
After lunch nga ay sumama ako kay Divina sa auditorium. Wala naman kaming klase ngayon kaya okay lang. Pagkapasok namin marami ng estudyante kaya medyo siksikan na pero dahil malakas itong kasama ko sa commity kaya nakapwesto kami sa unahan. Para narin daw makita ng malapitan ang idol niya. Sigawan na ang lahat ng pumailanlang ang sasayawin ng grupo. Pati nga si Divina halos lumabas na ang lalamunan sa kakasigaw.
"Chan Yuri!! Idol!!" Sigaw pa niya. Napangiwi naman ako. Ngayon ko lang kasi nakita ang side na ganito ni Divina. Nacurious tuloy ako sa Chan Yuri nayan. Napatakip pa talaga ako sa tainga ko dahil sa ingay para kasing mababasag na ang ear drums ko.
"Ayan na siya!!" Narinig kong may sumigaw. Napatingin ako sa stage at nakita ko na ang lalaking tinuturo niya. Tama nga si Divina,no doubt napakagaling nga niyang sumayaw. Tsaka gwapo din ito,may pagka chinito at ang katawan parang James Reid lang ang peg. Kaya pala marami ang umiidolo dito. Pero magaling parin si Chanyeol para sa akin. Tiningnan ko lang siya ng bigla naman itong napatingin sa gawi ko. Then our eyes meet. Napahinto pa nga ito sa pagsayaw. Hindi ko lang alam kung kasama ba yun sa steping kasi wala naman nabago sa mga naghihiyawan. Tumahip ang dibdib ko ng kumindat siya sa akin. Automatiko tuloy akong napayuko. Ano yun? Ako ba ang kinindatan niya? Naku baka assuming naman ako nito. Pero aaminin kong malaking epikto sa akin ang ginawa niyang pagkindat sa akin. Nagulo talaga ang sistema ko.
"Ahhhhhh!! Sandy kumindat siya" sigaw ni Divina. Nakita din niya pala yun. Siguro nga guni guni ko lang na isiping sa akin siya nag'wink kanina. Sa dinami dami ng mga eatudyante dito imposible pang mapansin niya ako. At bakit pakiramdam ko nalungkot ako sa isiping yun? Tss ang werd na nito ha.
"D-divina halikana lumabas na tayo" nabubulol pa talaga ako? Oh shit!
"Ha? Hindi pa naman tapos eh" sabi niya.
"Eh di maiwan ka nalang dito. Basta ako lalabas na ako" sabi ko at nagmamadali nang lumabas.
"Okay sige na hintayin mo'ko" sabi niya. "Chan Yuri ang galing mo talaga!" Narinig kong sigaw pa niya pagkatapos sumunod na sa akin. Gustohin ko man makonsensya pero parang ako naman ang hindi makakatagal sa loob. Grabe ang pagtambol ng puso ko na parang anytime hindi na ako makahinga. At bago lang itong pakiramdam ko na ganito ngayon. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. At hindi ko pa ito mapapangalanan.
"Panira ka rin eh. Pero ok lang. Atlest nakita ko siya. Anong ma'say mo kay Chan?" Tanong niya.
"Okay lang" sagot ko.
"Okay lang?" Tanong ulit niya na para bang may mali sa sagot ko.
"Ano ba naman kasi ang dapat kong isagot?" Balik ko ring tanong sa kanya. She rolled her eyes.
"Abnormal ka talaga. Akala ko pa naman magiging idol mo na si Chan kung makita mo siya" sabi niya. Inirapan ko nalang siya. Hindi mo alam Divina kung ano ang ginawa ng idol mo sa akin. Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko pa masasabi sa kanya ang nangyari hanggat hindi ko pa napapangalanan ang nararamdaman ko. Kung ako man o hindi ang kinindatan nito kanina one thing is for sure pinagulo niya ang nananahimik kong puso. Ghad! Parang gusto ko narin yata maniwala na abnormal talaga ako.
__________________________
Mahiwagang Minsaheeeeeee!..Next na naman ang UD ha inaantok na ako eh..zzzzzzzzzzzzzzzz
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...