Chan's POV
Hindi naman ako umiinom pero sa nangyayari sa akin ngayon parang iyon lang ang nakikita kong sulosyon para makalimutan kahit saglit ang sakit na nararandaman ko ngayon.. Im very sure that I saw Sandy last night.. Sinabi ko na iyon kina Kai pero hindi sila nagsalita at alam kong hindi nila ako pinaniwalaan.. Iba ang pakiramdam ko kagabi ng makita ko ang babaeng yun kagabi.. Para bang lumukso ang puso ko.. Kung hindi lang sana ako pinigilan ni Kai maabotan ko pa sya.. Nang matapos nga ang audition kagabi agad kong nilibot ang lugar.. Inisa isa ang mga taong naroroon.. Pinagkagulohan na nga ako ng ilan para magpa'picture o kung ano pa man pero hindi ko na talaga sya nakita pa.. Alam ko.. Alam ng puso ko na si Sandy yun..
Kanina pa ako nandito sa tabi ng dagat at umiinom.. Gusto sana akong samahan ni Kai pero ayoko namang sirain ang araw nila kaya hindi ako pumayag.. Mas gusto ko rin na mapag'isa.. Alas sais na ng gabi pero ayoko namang pumasok pa sa kwarto ko.. Nandito lang ako at tahimik na umiiyak.. Bakit ba ito nangyayari sa akin? Alam kong hindi ko dapat kini'kwestyon ang Diyos.. Pero sa nangyayari sa akin ngayon hindi ko maiwasang magtanong kung bakit sa lahat ng tao sa mundong ito sa amin pa ni Sandy nangyari ang ganitong trahedya.. Naalala ko ang sabi ni Mama na baka raw sinusubukan lang ang katapatan ko kay Sandy.. But it's almost two fucking years na wala sya sa buhay ko pero nandito parin ako tapat sa kanya.. Bakit hindi pa Nya ibalik si Sandy sa akin?.. I really don't know why Im still breathing right now without her.. Tanging ang pagmamahal ko nalang sa kanya ang bumubuhay sa akin..
" Chan.. "
Napalatak ako ng marinig ko ang boses ng tumawag sa akin..
" Please Kyla gusto kong mapag'isa.. " walang imosyong sabi ko.. Pero tumabi parin ito sa akin.. Napailing nalang ako at tinungga ang inoming hawak ko.. Pero inagaw nya lang iyon sa akin..
" Chan naman kasi.. Diba hindi ka naman nag'iinom? " sabi pa nya.. Inagaw ko ulit sa kanya ang bote pero inilayo nya lang iyon sa akin..
" Ano bang pakialam mo?! " sigaw ko sa kanya.. Napa'igting pa sya sa paglakas ng boses ko.. Napayuko ako at napasabunot nalang sa buhok ko.. Baka hindi ko mapigilan ag sarili ko at masaktan ko pa sya..
" May pakialam ako.. Ako ang nagmamhal sa'yo ng totoo.. Alam mo yan.. " sabi pa nito na parang maiiyak.. Napapailing ako.. Hindi sya ang kailangan ko kundi ang asawa ko.. Hindi ko sya kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko kay Sandy.. Bakit ba hindi nya iyon maintindihan?
" Mahalin mo ulit ako Chan please.. " pagsusumamo nito.. Tiningnan ko sya ng matagal.. Nagtitigan kami.. Dala na siguro ng alak na ininom ko kaya bigla ko nalang sya kinabig at siniil ng halik.. Ipinikit ko ang mga mata ko para namnamin ang halikan namin.. Baka sakaling malimutan ko ang pagkawala ni Sandy.. Pero sa pagpikit ko naman nakangiting mukha ni Sandy ang nakita ko.. Ang masayahin nyang mukha.. Ang mala anghel nyang mukha.. Kaya naitulak ko si Kyla.. Nakita kong napaupo ito sa buhangin at nagtatakang napatingin sa akin.. Kahit hilong hilo na tumayo parin ako.. Gusto kong mapalayo sa kanya.. Ayokong magtaksil sa asawa ko.. Ayoko.. Pinilit kong maglakad ng tuwid papunta sa kwarto ko.. Naramdaman ko pa ang pagsunod ni Kyla sa akin at pagtawag nya pero hindi ko na sya nilingon.. Ayokong makalimut.. Ayokong makagawa ng malaking kasalanan sa asawa ko..
Masakit na ulo na parang mabibiyak ang agad bumungad sa akin paggising ko kinabukasan.. Kunot noo akong bumangon at sapo sapo ang ulo na umupo sa gilid ng kama.. Ano ba ang nangyari kagabi?
Napailing nalang ako ng maalala na nag'inom pala akong mag'isa kagabi.. At si Kyla.. Ang paghalik ko sa kanya.. Ang muntikan ko ng pagkalimut.. Ugh!! Napasabunot ako sa buhok ko..
" Gago ka talaga! " sabi ko sa sarili ko.. Inabot ko ang wireless phone na nasa bedside table at di'n'ial ang reception desk..
" Yes.. Good morning may I help you? " sabi agad sa akin ng nasa kabilang linya..
" Yes.. This is Chan Yuri De Guzman.. Pwede bang dalhan nyu ako rito ng breakfast ko at gamot na din sa hang over? " sabi ko habang hawak parin ang sentido ko..
" Okay Sir.. That would be all Sir? "
" Yeah.. Thank you.. " ibinaba ko na ang telepono at pumunta na ng banyo para maligo.. Baka kasi mawala nalang ito kapag nakaligo na ako..
Narinig ko na may kumatok.. Baka ang maghahatid na yun ng pagkain ko..
" Sige pasok ka nalang!.. Nasa banyo pa ako.. " narinig ko ang pagpihit ng pinto at pagsara.. Matatapos na rin naman ako..
Pagkatapos kong magbanlaw lumabas na ako na tanging tuwalya lang ang bumabalot sa baywang ko pababa.. Pero napamura lang ako ng makita si Kyla na nakahiga sa kama ko..
" What the fuck are you doing here?! " nakapamaywang pa ako na humarap sa kanya.. Ngumiti ito sa akin na para bang walang nangyari kagabi..
" Pinapasok mo ako.. Remember? " sabi pa nito habang kagat kagat ang labi.. Napailing ako.. Saan ba sa ayoko sa kanya ang hindi nya maintindihan?
" Lumabas kana.. " sabi ko saka ako pumunta sa maliit na kabinet at kumuha ng susuotin..
" Chan naman.. Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan? Alam ko mahal mo pa ako ramdam ko iyon sa mga halik mo kagabi.. " sabi pa nito.. Nilingon ko sya at tiningnan ng masama..
" Mahal? Naririnig mo ba ang sarili mo Kyla? Matagal ng walang tayo.. Isang babae lang ang mamahalin ko.. Si Sandy lang.. So please, get a life Kyla.. " sabi ko sa kanya at naglakad na papuntang pintoan.. Pero bago pa ako nakarating sa pinto agad na syang yumakap sa likod ko..
" No Chan.. No.. Hindi ako susuko.. Mahal na mahal kita.. Please.. " sabi pa nito.. Marahas kong kinalas ang mga kamay nya sa baywang ko at hinarap sya..
" Wala na akong magagawa pa sayo.. Hindi kita mahal.. At kahit kailan hindi kita minahal.. " sabi ko.. Akma nya akong sasampalin ng makarinig ako ng mga katok sa labas.. Baka ang maghahatid na iyon ng pagkain ko.. Huminga muna ako ng malalim para pahupain ang nararamdaman kong inis kay Kyla.. Nakita ko din na tumalikod ito at pinahid ang mga luha.. Napapailing nalang ako.. Ayoko naman sanang saktan ito.. Pero ayoko namang mas masaktan pa sya kung aasa lang sya sa wala..
" Sige pasok kana.. " sabi ko habang isinusuot ang sando na kinuha ko sa kabinet kanina..
" Ito na po yung breakfast nyu Sir.. " sabi pa ng babaeng pumasok..
" Thank yo- " napanganga ako sa nakikita ng dalawa kong mga mata.. Nakita ko din ang gulat na romehistro sa kanyang mga mata at nagpalipat lipat pa ito ng tingin sa amin ni Kyla.. Saka ko lang naalala si Kyla.. What the fuck!!!..
" S-sandy.. "
----------------------------------------------
A/N: oh yeah bitin.com hehe.. Ganun talaga.. Salamat sa mga readers!!!..
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...