Part Five

10.3K 302 5
                                    

A/N: woohooh! May votes at comments na ako.. This chapter is dedicated to Luluhanxoxo .. Tnx sa votes at comments mo..

Sandy's POV

Ang kulit lang talaga ng lalaking 'to. Sabi ng ayokong magpahatid sa kanya heto at wala akong magawa.

Asus gusto mo naman..

Kailan ko pa kinakausap si konsensya?

Habang umaandar ang sasakyan ni Chan nakahalukipkip lang ako dito sa passenger seat at nakatanaw sa labas.

" Hey " tawag niya sa akin. Bahala ka dyan hindi kita kikibuin. " Galit ka parin ba? " tanong niya. Hindi parin ako kumibo. Hindi ko naman talaga alam kung bakit ako naiinis. Basta ayoko lang siyang kausapin. Pero kung hindi ba naman sira ang ulo bigla ba naman siyang nagpreno. Buti nalang at naka seatbelt kami.

" What the hell Chan!! " sigaw ko sa kanya.

" Ayaw mo kasi akong kausapin " sabi niya na nagpout pa. Akala mo naman cute.

" At sa tingin mo magugustuhan ko ang ginawa mo? Muntik na tayong madisgrasya ah. Kung may balak kang magpakamatay wag mo akong idamay " bigla siyang ngumiti. Tingnan mo naging baliw na.

" Atlest kinausap mo ako " nakangiti paring sabi niya. I rolled my eyes.

" Sira ulo ka " napapailing na sabi ko. " Paandarin mo na dahil gusto ko ng umuwi " ngumiti parin siya sabay pinaandar na ang kotse.

" Ang cute mo talaga " narinig kong sabi niya. Nilingon ko siya pero siya nasa daan lang nakatingin na ngiting ngiti. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya. Gwapo naman talaga si Chan. Chinito pero sabi ni Divina half korean daw ito. Ang lakas lang makahatak ng atensyon. Kanina nga habang hila hila niya ako sa kamay papunta sa kotse hindi ko maiwasang pamulahan. First time kasi na may ibang humawak sa kamay ko na ganun ang pagkakahawak. Tsaka lahat ng atensyon ng mga estudyanteng madadaanan namin nasa amin lang naman ni Chan. May mga kinikilig at meron din namang umirap. Hay naku lakas lang makagirl nitong lalaking 'to eh.

" Kikiligin naba ako sa klase ng pagtitig mo sa akin? " tanong niya. Iniwas ko naman agad ang tingin ko. Grabe pati pagtitig ko hindi ko na napansin.

" Ilusyunado ka. Magdrive ka nalang dyan " hindi na ako nagtangka pang tumingin sa kanya kahit alam kong paminsan minsan lumilingon ito sa akin.

Pagdating namin sa bahay pagkapark na pagkapark pa lang ng kotse niya ay umibis na agad siya para pagbuksan ako ng pinto. Well syempre kinilig naman ako dun. Hindi ko nga lang pinahalata.

" O sige na umalis kana " sabi ko.

" Hindi mo man lang ba ako papapasokin? " wow hindi ba niya nararamdaman na ayoko siyang magtagal pa?

" Wag na baka magalit pa sila mama ko kapag pinapasok pa kita. Tsaka baka ano pang isipin nila "

" Mas magagalit ang mama mo at papa mo kung ihahatid kita tapos aalis nalang ako ng hindi ako nagpapakilala sa kanila " bakit ba ang dami niyang alam sa buhay? Magsasalita na sana ako ngunit may nagsalita sa likod ko.

" Oo nga naman Sandy dapat pinapakilala mo sa amin ng papa mo ang naghahatid sayo " si mama na ngiting ngiti pa na nakatingin kay Chan. Oh my! This can't be!!.

" Good evening po tita. Ako nga pala si Chan Yuri De Guzman. Chan for short po " pagpapakilala niya sa sarili at lumapit pa kay mama saka nakipagbeso beso. Seriously? Close na sila agad?

" Good evening din iho. Ako naman ang mama ni Sandy. Pagpasensyahan mo na yan ha. First time lang kasi niyan na may maghatid sa kanyang lalake " Seriously two times? Mama ko ba talaga 'to? Hiyang hiya na kaya ako. " Halika iho pasok ka. Malapit narin dumating ang papa ni Sandy. Dito kana rin maghaponan " sabi pa ni mama at hinila na siya papasok ng bahay. Ito namang mokong na'to hindi man lang tumanggi. Iniwan pa nila ako rito sa labas. Oh my ghid! Simula na talaga ito ng super kahihiyan ko.

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon