Sandy's POV
Inaantok pa talaga ako nang pumasok ako sa school. Putik hindi man lang ako pinatulog ng Chan na yun. Alam ko hindi ko dapat sinisisi si Chan dahil hindi naman niya alam na ginulo niya ang buong sestema ko ng simpleng pagtitig lang niya. Gosh! Nababaliw na yata ako.
"Oh anong nangyari sayo?" Tanong ni Divina. Kakarating lang nito.
"Hindi ako makatulog ng maayos eh" sagot ko.
"May sakit kaba?" Sabay hawak sa noo ko.
"Wala, may iniisip lang ako"
"Si Chan?" Napatingin ako sa kanya. Kailan pa naging mind reader tong babaeng 'to? "Tama ako nho?" Tanong ulit na may kasamang ngiti. Iniwas ko ang tingin.
"H-hindi ah" at talagang nauutal ako. Great.
"Asus deny mo pa. Kahapon pa kita napapansin ha. Akala mo. Sige na sabihin mo na" umiling ako. Tss. Nakakahiya kaya. "Ano paglilihiman mo na ako?" May himig tampong tanong pa. Binatukan ko tuloy.
"OA mo. Lihim agad hindi ba pwedeng nahihiya lang akong pag'usapan"
"At sa akin kapa talaga nahiya?" Namaywang na ito sa akin. "Sige na sabihin mo na" napabuntong hininga ako.
"Yung idol mo kasi" nakakunot noo kong sabi.
"Crush mo nho?" Nakangiting tanong niya.
"Hindi ko alam, basta kahapon nung nagwink siya para bang kinabahan ako na nai'ixcite. Hindi ko maintindihan" hindi parin ako tumingin sa gawi nito. Nilalaro ko lang ang ballpen sa kamay ko.
"Oh my gosh Sandy in love kana" bilog na bilog pa ang mata nito. Nilingon ko siya.
"Kanina crush ngayon naman inlove na agad agad? Hindi ko nga kilala yun eh"
"Problema ba yun? Kilala ko ang bestfriend niya si Kai papakilala kita" sabi naman nito.
"Ayoko nho, nakakahiya" sabi ko at umiling pa.
"Basta mamaya sa break time natin itetext ko si Kai" inirapan ko nalang. Knowing Divina hindi ito magpapapigil. Hay naku goodluck nalang talaga sa akin mamaya. Nagsisisi pa tuloy ako kung bakit sinabi ko pa sa kanya.
Dumating amg break namin na hindi ako mapakali pero nakahanap na ako ng paraan para hindi makasama kay Divina.
"Ahm Div mauna kana muna sa canteen ha punta muna ako ng cr" sabi ko na hindi ito tinitingnan at kunwaring inaayos ang mga gamit ko sa bag. Sana lang pumayag siya.
"Okay sige, basta sumunod ka agad ha maghihintay si Chan" pagkarinig ko palang sa pangalan nito agad ng nagtambolan ang puso ko. Tumango ako. Mabuti nalang at hindi man lang aiya nakapansin na gusto ko lang umiwas. Kahapon pa nga lang halos kapusin na ako sa paghinga ano pa kaya kung harap harapan na. Ngayon pa lang pinagpapawisan na ako ng malambot.
Pagkapasok ko sa cr agad akong nagkulong sa isang cubicle doon. Panigurado ako magagalit si Divina sa akin dahil hindi ako sumunod sa canteen. Nagugutom pa naman ako. Hay naku para lang akong highschool niti na first time nagka'crush. Ngayon lang ako nahiya ng ganito katindi. Nagvibrate ang cp ko at tumatawag na si Divina pero hindi ko sinagot. Malamang naiinis na yun. Bahala na.
Bigla nalang ako nakarinig ng hiyawan sa labas. Ano kayang nangyayari?
"Oh my gosh si Chan Yuri nasa labas" namilog ang mga mata ko sabay takip sa bibig ng marinig kong sabi ng isang babae sa labas. Kinikilig pa ito.
"Excuse me girls may kasama ba kayong Sandara Gatchalian dyan?" Pasigaw na tanong ng isang lalake na malamang si Chan dahil nagtilian nalang bigla ang mga haliparot dito sa loob ng cr.
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...