Sandy's POV cont.
Hindi na ako makapaghintay ng lunch.. Parang gusto ko na ngang hilahin ang oras para lang maglunch break na.. Pati si Divina kilig na kilig din sa ginawa ni Chan Yuri sa akin.. Hindi ko tuloy mapigilan na titigan nalang ang life size purple teddy bear na bigay nya.. Grabe lang, ang sweet nya talaga..
Nang magbell na hudyat para sa lunch break parang tumalon naman bigla ang puso ko.. Kinakabahan ako na parang lalabas na ang puso ko.. Biglang tumunog ang phone ko.. May nagtext kaya binasa ko.. Napangiti ako ng malamang sa kanya galing ang text..
Sandy ko daanan mo naman ako dito sa dance studio sabay na tayo sa canteen
I hit reply..
Ok.. Kakatapos lang ng klase namin.. Papunta na kami ni Divina dyan..
Napapangiti pa ako habang inaayos ang gamit ko.. Wala lang naman sa akin kung ako pa ang pupunta sa kanya.. Meaning gusto nyang ibahagi sa akin ang mundo nya kaya nya ako hinahayaang pumunta sa dance studio..
Habang binabagtas namin ang pasilyo papunta sa dance studio hindi ko maiwasang pagtinginan ng mga studyante.. Well hindi ko sila masisisi.. Sikat sa school namin ang nangliligaw sa akin at dapat na akong masanay dun.. May ilan pa na iniirapan ako at may narinig pa akong hindi raw kami bagay ni Chan coz im just a nobody.. Hindi ko nalang sila pinapansin..
" Alam mo hindi parin ako makaget over sa kasweetan ni Chan.. Grabe Sandy ang haba ng hair mo.. Kahit nung sila pa ni Kyla hindi nya yun ginawa sayo lang talaga.. " sabi ni Divina.. Ngumiti ako..
" Wag nalang tayo magkumparahan Div.. Alam mo naman na ayoko ng gulo.. " sabi ko.. Tumango tango ito..
Pagkarating namin sa dance studio nadatnan pa namin na nagpapractice pa sila ng sayaw.. Hindi pa nila kami napansin kaya umupo muna kami sa gilid.. Wow ang galing nya pala talagang sumayaw.. Siya pa yung nagtuturo sa mga ka'grupo nya..
Nang matapos na sila pinigilan ko si Divina na tawagin si Chan.. Sabi ko nalang na hayaan muna na makapagpahinga sila total wala naman kaming prof sa susunod a subject.. Wala lang gusto ko lang syang pagmasdan..
Nakita kong may lumapit sa kanya na babae.. Pilit pinupunasan ang pawis nya sa noo pero umiiwas lang sya na para pang naiirita sa ginagawa ng babae..
" Ano ba Kyla kaya ko namang punasan ang pawis ko " narinig kong sabi ni Chan.. So sya pala si Kyla.. Ang ex.. Maganda nga sya at maporma samantalang ako wala man lang kaarte arte sa katawan..
" Ang landi " narinig kong bulong ni Divina na nasa tabi ko lang.. Nakikita ko parin ang iritasyon sa mukha ni Chan at si Kyla naman nagpa'pout lang sa kanyang labi.. Napataas tuloy ang kilay ko.. Nagpapacute ba sya kay Chan?
" Chan!! " nabigla naman ako sa pagsigaw ni Divina.. Napailing nalang ako at tumingin uli kay Chan na kung kanina kunot na kunot ang noo ngayon naman bakas sa mukha ang kasiyahan.. Lumapit sya sa amin na ngiting ngiti..
" Kanina pa kayo? " tanong nya..
" Yup.. Sapat para makita ang kalandian ng ex mo " si Divina..
" Div " saway ko sa kanya.. Minsan talaga kinakahiya ko ang magkaroon ng palaban na kaibigan.. Umirap lang ito at lumapit kay Kai..
" Sorry ha.. Hindi agad kit napansin eh.. Tsaka kita mo naman na sya yung lumapit.. " kita talaga sa mukha niya ang sensiridad sa sinabi.. Si Divina kasi eh..
" Okay lang naman.. Alam ko naman na hindi mo rin gusto ang ginagawa nya.. " sabi ko na nagpangiti sa kanya..
" Halika ipapakilala kita sa mga kagrupo ko.. " ginaya nya ako sa mga kaibigan nya.. At nandoon parin si Kyla na hindi na maipinta ang mukha..
" Guys this is Sandy my love of my life.. " napayuko pa tuloy ako.. Pakiramdam ko kasi napunta lahat ng dugo ko sa mukha ko.. Grabe naman ang lalaking to..
Isa isa nyang pinakilala sa akin ang mga kagrupo nya.. May nagtangka pa ngang magpacute pero sinamaan lang ito ng tingin ni Chan.. Hanggang sa ipakilala nya si Kyla sa akin na hindi parin ngumingiti.. Umirap lang ito sabay walk out.. Nagtawanan lang ang mga kaibigan nya.. Napailing nalang ako..
" Are you hungry? " tanong ni Chan sa akin..
" Medyo "
" Halika kana.. Gutom narin kasi ako eh " nagpaalam na siya sa mga kasama nya at sabay na kaming lumabas.. Sa hallway pinagtitinginan parin kami.. Nang nilingon ko naman si Chan ngiting ngiti lang ito.. Bakas sa mukha ang kasiyahan.. Well masaya din naman ako kasing saya din siguro ng nararamdaman nya o mas higit pa..
Si Chan na ang umorder ng kakainin namin.. Mas marami pa ang sa akin dahil ayaw nya raw magutom ako.. Diba ang sweet.. Sigurado tataba ako.. Napansin ko rin na kami nalang palang dalawa ang naglalunch at wala sila Divina.. Im sure magkasama sila ni Kai..
" Yuri salamat pala sa binigay mo kanina ha.. " sabi ko ng matapos kaming kumain.. Hinihintay ko nalang ang susunod ko na klase at sya naman babalik pa sa studio..
" Kulang pa nga yun eh.. " nilingon ko sya.. Nakatingin din sya sa akin..
" Kulang eh halos mapuno na nga ang room namin sa bulaklak eh.. " tumawa sya ng mahina..
" I want the best for you Sandy.. Kaya nga kinulit ko talaga si mama na tawagan si tita sa Australia para umorder ng purple rose eh.. Mahirap kasi yun hanapin dito.. " gulat akong napalingon sa kanya.. Galing pang ibang bansa ang mga bulaklak? Seriously?!
" Nakakahiya naman sa mama mo " sabi ko.. Ngumiti ito..
" Actually she love doing it.. Sabi nga nya ipakilala na raw kita sa kanya.. Sabi ko naman saka na kapag sinagot mo na ako " uminit na naman ang mukha ko sa sinabi nya.. Palagi nalang nyang pinapainit ang mukha ko..
" Eh yung life size na teddy bear? Ang laki nun ah.. Panu ko kaya yun dadalhin sa bahay "
" Syempre naman ihahatid kita.. Tsaka nakipagbid ako dun para lang mabili ko yun.. Ayaw pa nga nya ibigay eh pero gumawa talaga ako ng paraan para lang mabili yun.. " sabi nya.. Kunot noo akong humarap sa kanya..
" Nakipagbid ka? Magkano naman? " nagkibit balikat sya bago sumagot..
" Half a million? " what?! WTF?! Literal talaga na napanganga ako.. Nakalimutan kong mayaman pala ang nasa harap ko ngayon.. Pero grabe naman gumastos ang lalaking to.. Sa mga bulaklak na nga parang nayanig na ako ng malamang galing pa pala ito sa ibang bansa eh yung half a million pa kaya na worth ng isang teddy bear.. Parang nagdadalawang isip na tuloy ako na tanggapin yun..
---------------------------------------
Mahiwagang Minsaheeeee...Isang pilit na UD na naman.. Xnxa na po.. Hahaha.. Keep on reading!!!.. Solomot!!!
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...