Part 29

9.3K 214 8
                                    

Chan's POV

Gusto kong sapakin ang sarili ko nang malamang kasabwat ni Kyla si Leandro.. Tama nga ang hinala ko na hindi dapat pinagkakatiwalaan ang lalakeng yun.. Una ko pa lang kita sa kanya alam ko nang may tinatago sya.. And this.. Oh my god Sandy.. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring hindi maganda sa kanya..

Agad kaming nagsagawa ng plano nila Cris at ng kanyang mga taohan.. Ayaw sanang pumayag ni Cris na sumama ako pero hindi naman ako pwedeng maghintay nalang.. Alam kong ako ang kailangan ni Kyla kaya nya ito ginagawa.. At ako lang ang makakaligtas sa asawa ko..

" Alam kong tatawag sayo si Kyla one of this days para ipaalam na nasa kanya si Sandy.. Lalagyan ko nang tracking device ang phone mo para masundan ka namin.. " Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Cris.. Nasa meeting ding iyon ang parents ni Sandy at parents ko.. Even Kai and Devina is there too.. Sa totoo lang nahihiya na ako sa parents ni Sandy.. Ipinangako ko sa kanilang aalagaan ko ang anak nila pero dalawang beses ko iyong hindi nagawa.. I'm failing them to protect their only daughter..

Nasa veranda ako ngayon ng aming bahay ni Sandy na tanaw na tanaw ang malawak na harden.. Noong ipinakita ko itong bahay sa kanya ito agad ang una nyang hinangaan.. Itong lugar na'to.. Napahigpit ang hawak ko sa railings.. Pakiramdam ko napaka walang kwenta kong asawa.. Napalingon ako nang may tumapik sa balikat ko.. Nakita ko ang Papa ni Sandy na malungkot na nguumiti sa akin.. Mas lalo tuloy akong nakokonsensya dahil wala man lang akong naririnig na paninisi nila sa akin.. Tumabi ito sa akin at tumanaw din sa kawalan..

" Alam mo bang itinuturing kong prinsesa si Sandy?.. " napapikit ako sa sinabi nya.. " Kahit hindi kami kasing yaman nyu I make sure na mabibigay ko sa dalaga ko ang lahat.. Hanggang sa nakilala ka nya.. " tumingin ito sa akin..
" Nakita ko kung gaano sya kasaya kapag kapiling ka nya.. Kaya naisip ko siguro dapat pabayaan ko ng ikaw ang mag'alaga sa anak ko.. " nakangiting sabi nito.. Umiling iling ako..

" But I failed.. " malungkot kong sabi..

" No.. You never failed son.. Dahil kahit nangyayari ang lahat ng ito hindi ka sumuko sa anak ko.. Nandyan ka parin Chan.. Ngayon ka nya mas lalong kailangan.. Kaya wag kang susuko.. " mapait akong ngumiti.. Kahit kailan naman talaga hindi ko inisip na sumuko.. Ngayon pa ba?.. Alam ko kahit hindi ako naaalala ng isip ni Sandy ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya sa akin.. Kaya gagawin ko ang lahat makuha lang sya sa kamay ni Kyla.. Kahit pa ikamatay ko mabawi ko lang sya..

Madaling araw pa lang nagring na ang phone ko.. Hindi rin ako nakatulog simula noong mawala na naman si Sandy.. Nag'aalala na nga sila Mama sa akin dahil baka ano na naman raw ang gawin ko sa sarili ko.. Pero hindi ko na gagawin yung nangyari noon.. Ngayon pang alam ko na kung sino ang kumuha sa kanya.. And this time hindi ko na palalampasin ang may sala..

Nang makita kong si Kyla ang tumatawag agad kong tinanggap iyon..

" Where is Sandy you bitch! " bungad ko agad sa kanya..

" Woah woah relax lang Chan.. Pwedeng pwede kong patayin si Sandy sa isang putok lang.. " naikuyom ko ang mga kamay ko.. May araw ka rin sa akin Kyla..
" Where is she? " matigas kong tanong sa kanya.. Kailangan nya pa ako kaya alam kong wala syang gagawin kay Sandy.. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya..

" I'm sure she is having fun right now.. Pinagsasaluhan na malamang nila Leandro at Sandy ang langit.. "

" Fuck Kyla! Kapag may nangyaring masama kay Sandy.. I really swear to God papatayin ko kayo! " malamang kung nasa harapan ko lang sya kahit babae pa sya susuntokin ko talaga sya..

" Uunahin ko muna ang asawa mo! " galit din nitong sabi.. I know I should composed myself.. Nasa panganib pa si Sandy kaya dapat akong maging sunudsunoran kay Kyla.. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit..

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon