Part 30

9.3K 223 8
                                    

Sandy's POV

3 months.. 3 months na ang nakalipas mula nang aksedenteng iyon.. At habang lumilipas ang araw mas lalo akong nangungulila sa kanya.. Mas lalo ko syang namimiss.. Inilibot ko ang paningin sa malaki naming kwarto.. Mula sa wallpaper hanggang sa beddings namin nasunod parin ang paborito kong kulay.. Ang mga naglalakihang kurtina sa malaki naming bintana purple din.. Sa malaki naming couch na kulay purple din nakatatak ang malaking letters C at S.. Kahit nga mga towels namin talagang pinasadya na lagyan ng initials naming dalawa.. Ganun nya raw ako kamahal.. Sa simula pa lang ako na ang iniisip nya.. Wala na syang ibang iniisip kundi ako lang..

Nang mapatingin ako sa malaking purple teddy bear na nasa tabi lang ng kama namin biglang bumuhos ang imosyon ko at hindi ko na napigilang mapahagulhol.. Napaka selfish ko.. Kahit kailan hindi ko man lang sya naisip.. Kahit kailan hindi ko man lang sya naalagaan.. Naalala ko na ang lahat.. Pagkatapos ng aksedenteng yun sabi ni Cris bigla nalang din ako nawalan ng malay.. At paggising ko nga naalala ko na ang lahat.. Ang lahat lahat..

Sabi ni Cris nasa mental hospital na daw si Kyla.. Tuluyan na nga itong nabaliw.. Si Leandro naman hindi ko na pinakulong.. Paulit ulit pang humingi ng tawad si Nay Melba sa akin dahil sa ginawa ng anak nito.. Kaya hindi na ako nagsampa ng kaso bagkos sinabihan ko nalang sya na kung maaari ayoko na syang makita pa.. Naalala ko noong una kong hinanap si Chan paggising ko..

" Nasaan si Yuri? " tanong ko sa kanila ng magising ako ng araw na yun.. Nandoon ang parents ko pati na si Devina.. Nakita kong nagkatinginan pa sila.. Para bang nag'aalangan silang magsabi sa akin.. " Ano? " tanong ko ulit.. Lumapit sa akin si Mama at hinawakan ang mga kamay ko.. Kinakabahan na ako.. Para bang may nangyaring masama sa kanya..

" Si Chan anak.. He's in a coma.. Hindi masasabi ng mga doktor kung maliligtas ba sya.. Napuruhan kasi ang internal organs nya na syang nagpagrabe ng kondisyon nya.. Tanging dasal nalang ang magagawa natin.. " hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.. Hindi.. Hindi ito maaari..

" Dalhin nyu ako sa kanya Ma.. Kailangan ko syang makita.. Please Ma.. " sabi ko habang umiiyak.. Hindi pwedeng ganun nalang ang magiging ending naming dalawa.. Kailangan nyang lumaban..

" Anak baka makasama sa kalagayan mo.. Buntis ka.. " napanganga ako sa sinabi ni Mama sa akin.. Mas lalo pa yatang nadurog ang puso ko sa nalaman ko.. Buntis ako.. Buntis ako kay Chan.. Akmang papanaog ako sa hospital bed ng pigilan ako ni Mama..

" Eh di mas kailangan syang mabuhay Ma.. Mas kailangan nyang mabuhay para sa amin ng anak nya.. Naalala ko na lahat.. Hindi sya pwedeng mawala ngayon! " niyakap ako ni Mama habang umiiyak din sya.. Lumapit si Papa sa amin at nakiyakap na din.. Nakita ko din si Devina na tahimik ding umiiyak..

Nakalipas ang ilang minuto inihatid nga ako nila Mama sa kwarto ni Chan.. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ang kalagayan nya.. Madaming aparato ang nakalagay sa katawan nya.. Para na itong walang buhay.. Itinulak ang wheelchair na inupuan ko sa kama ni Chan.. Naramdaman ko ang paghawak ni Papa sa balikat ko at sabay na silang lumabas.. Naiwan ako kay Chan.. Agad naglandas ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya..

" Ang daya mo naman.. Ako gising na pero ikaw natutulog ka parin.. " hinawakan ko ang kamay nya at dinala sa pisngi ko..

" Gumising kana Yuri ko.. Naalala ko na lahat.. Yung una kitang nakita sa auditorium.. Yung sinundo mo ako sa CR ng mga babae.. Yung una mong nakilala sila Mama at Papa.. Yung unang araw ng panliligaw mo.. Yung binigyan mo ako ng sangkatirbang purple rose.. Yung pagpropose mo sa akin sa bahay at sa graduation natin.. Yung araw ng kasal natin.. Yung unang beses na may nangyari sa atin sa honeymoon natin.. Yuri naalala ko na lahat.. Naalala ko na.. " sabi ko habang iyak lang ng iyak.. Pero wala parin akong nakuhang reaksyon sa kanya.. Tumayo ako at umupo sa gilid ng kama ni Chan.. Dumukwang ako at banayad syang hinalikan sa labi.. Idinikit ko ang noo ko sa noo nya habang wala paring tigil sa pagpatak ang mga luha ko.. May luha na nga din sa pisngi nya dahil sa luha ko..

" Kailangan mong mabuhay para sa akin.. Para sa amin ng anak mo.. Yuri buntis ako.. Magkakaanak na tayo sweetheart.. Please wake up.. " dagdag ko pa.. Namilog ang mga mata ko nang biglang gumalaw ang daliri ni Chan na hawak ko.. Pinakatitigan ko sya sa mukha at mga mata nya baka kasi bubuka na iyon.. Pero mas nagulat ako nang may tumulong luha sa gilid ng mga mata nya.. Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi..

" Sweetheart.. " unti unti syang dumilat at napapikit ulit.. Napangiti ako habang umiiyak.. Nang mapirmi ang mga mata nya sa ilaw sa kwarto napatingin sya sa akin saka bahagyang ngumiti.. Umangat ang kamay nya kaya hinawakan ko agad at dinala iyon sa pisngi ko..

" S-swee-th-eart.. " sabi niya.. Mas lalo akong napaiyak..

" Yes Yuri ako nga.. Ako nga.. " sabi ko.. Alam kong wala paring impis ang agos ng luha sa mga mata ko..

" I- l-lo-ve y-you.. M-masa-ya a-ko d-da-hil o-okay k-kana.. " sabi nya.. Tumango tango ako..

" Sshhss.. Tatawag lang ako ng doktor okay.. " akma na sana akong aalis sa kinauupoan ko nang pinigilan nya ako.. Napalingon ako sa kanya.. May ngiti sya sa labi habang may luha na sa gilid ng mata.. Nagugulohan akong napatingin sa kanya..

" I-I'm s-sorry k-kung h-hin-di n-na a-ako m-ma-k-ka-tagal p-pa.. I-I'm s-so-rry.. " umiling iling ako..

" No.. No don't say that Yuri.. Hindi ko kaya.. Please wag mong gawin sa akin ito.. Please.. " hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko.. Hindi ko gustong mawala sya.. Hindi ako papayag.. Pilit syang ngumiti..

" S-ssh-ss.. K-kaka-yanin m-mo.. P-para s-sa a-kin.. " sabi pa nya.. No!.. Mahigpit ko syang hinawakan sa kamay.. Muli nya akong tiningnan at nakita ko ulit ang lungkot sa mga mata nya.. Ang mga luhang patuloy na umagos sa gilid ng mga mata nya.. At ganun nalang ang pagbilog ng mga mata ko nang unti unti na syang pumikit at unti unti din syang bumibitaw sa kamay ko..

" N-no! .. Yuri no!.. Please Yuri.. Wag mo 'tong gawin sa akin please! " sigaw lang ako ng sigaw.. Naramdaman ko nalang na may humila sa akin palayo kay Chan habang pinalibutan sya ng mga doktor.. Napatulala nalang ako habang nakatingin kay Chan na sinusubukan ng i'revive ng mga doktor..

" Y-yuri.. Yuri wag mo akong iwan please.. Please sweetheart mamamatay ako kung mawawala ka.. " paulit ulit lang ako sa mga sinasabi ko.. Nakita ko din ang parents ni Chan na magkayakap habang nakatingin din kay Chan.. Lahat umiiyak.. Lalo na ako.. Lalong nadudurog ang puso ko.. Ang isipin lang na wala na sya ay nagpapabaliw na sa akin.. Hanggang sa makarinig ako ng tunog.. Flat line..

Niyakap ko ng mahigpit ang teddy bear habang inaalala ang nangyaring yun.. Kahit pa tatlong buwan na ang nakaraan masakit parin sa akin kapag naaalala ko iyon.. Ang pagkawala nya ay isang karanasang hindi ko kayang tanggapin kahit pa siguro hanggang sa mamatay na ako..

" Hey.. Naaalala mo na naman ba yun? " napalingon ako sa nagsalita.. Papalapit sya sa akin habang may ngiti sa labi.. Bahagya akong napangiti at pinahid ang luha ko.. Tumayo ako at mabilis ang lakad na lumapit sa kanya at yumakap ng mahigpit.. Isiniksik ko sa matitipuno nyang dibdib ang mukha ko..









" Don't leave me again.. Yuri.. "

----------------------------------------------
A/N: bulaga! :-P hehe.. Malapit na po talaga itong matapos.. Maybe 1 chap nlng then epilogue na.. Haha.. Salamat po sa lahat ng nagbasa at nagvotes.. Sana yung hindi pa bumoto, votes na po.. Para masaya..

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon