Part Six

9.1K 295 2
                                    

A/N: i gain another votes.. Hehe so happy!.. I ddcate this chap to luvanity.. Tnx!!

-------------------------------------------

Sandy's POV

Isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Chan sa akin. At isang linggo narin na parang wala akong gana sa buhay. Its kinda werd pero yun talaga ang pakiramdam ko after ng nangyari sa bahay. Pati nga si Divina nag'aalala na sa akin. Aminin ko man o hindi namimiss ko na siya. Ano ba talaga nangyayari sa akin?

" Alam mo Sand magpagamot kana " si Divina. Nandito kami ngayon sa canteen pero wala naman akong ganang kumain. Hindi ko rin alam kung bakit pati ang pagkain ay inaayawan ko na.

" Wala naman akong sakit " sabi ko.

" Akala mo lang wala. Halata naman. Naku ha sakit sa puso na yan " nilingon ko siya. Kilala talaga ako ng bruhang to. Kung hindi rin naman dahil dito hindi ko rin naman makikilala si Chan eh.

" Anong sakit sa puso? Okay lang naman talaga ako "

" Lokohin mong lilang mo Sandara! Naku kapag hindi pa talaga nagparamdam yang Chan na yan yari yan sa akin. Pati si Kai hindi rin nagparamdam " sabi niya. Umiling iling nalang ako. May something talaga sa dalawang to. Ngayon ko lang din kasi nakita si Divina na ganito ka'apekto sa isang lalake.

" Oy girl bumalik na pala sila Chan Yuri galing amerika. Ang swerte talaga nila nho. Nakasama sila sa kapamilya caravan ng ABS-CBN " narinig kong sabi ng isang babae sa mga kasama nito. Nagkatinginan kami ni Divina.

" At ito pa kasama din pala nila yung ex niya. Si Kyla. Grabe ang ganda niya pala sa personal. Bagay na bagay silang dalawa " kinikilig pang sabi nung isa. Napangiwi ako sa narinig. Parang may matalim na bagay na tumusok diritso sa puso ko. Kasama niya pala yung ex niya.

Ikaw naman kasi.. Ikaw na nga itong pinapansin pero tinarayan mo pa. Ang ganda mo teh!

Heto na naman si konsensya. Tss. Tumayo ako kahit hinang hina ang mga tuhod ko. Gusto kong makalayo sa lugar na yun. Hindi ko na kaya ang mga sakit na nararamdaman ko ngayon. Bago lang ito sa akin kaya hindi ko pa mapangalanan ang nararamdaman ko. Tinatawag ako ni Divina pero hindi ko na siya nilingon pa. Sumasakit narin kasi ang ulo ko.

Habang binabagtas ko ang hallway bigla nalang nagdilim ang paningin ko. Napakapit pa ako sa pader na nadaanan ko para hindi ako tuluyang matumba. My ghad parang mawawalan yata ako.ng malay. Pinilit ko parin na maglakad kahit dumodoble na ang paningin ko.

" Sandy? " napakunot noo ako. Alam kong boses ni Chan yun. Pinilit kong makaaninag. Pero dumilim na talaga ang paningin ko. Nawalan narin ng lakas ang tuhod ko kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Pero bago pa ako bumagsak sa lupa may mga braso ng sumalo sa akin.

" Y-yuri " yan ang huli kong nabanggit bago ako nawalan ng malay.

Chan's POV

Sa wakas nakabalik narin ako sa pilipinas. Grabe kahit sila mama hindi alam na biglaan akong pumunta ng amerika para sa kapamilya caravan ng abs-cbn. Biglaan nga kasi. Nung pag'uwi.ko galing kina Sandy tumawag si manager at may emergency raw. Yun nga on the spot na kaming bumyahe. Sa kasamaang palad pa sa sobrang pagmamadali naiwan pa sa condo ko ang phone ko. Hindi ako nakapag'enjoy sa pagpunta namin doon. Pano naman kasi naiwan ang isip ko rito sa pilipinas. Nag'aalala ako kay Sandy dahil hindi maganda ang pakiramdam niya nung umalis ako sa kanila.

Aminado naman akong nasaktan ako sa pagtrato sa akin ni Sandy. Wala naman kasi akong ginagawang masama pero bakit galit na galit siya sa akin. Nasaktan ang pride ko dun. Wala pang nagtatangkang tratuhin ako ng ganun. Sila mama lang. Kaya hindi ko maiwasang panlamigan sa kanya ng gabing yun. Hindi ko siya pinansin ng bumaba na siya para kumain. Pero nung papauwi na ako sa condo ko hindi ko maiwasang hindi mag'alala sa kanya. Alam ko dahil sa akin kaya siya matamlay. Babalik na nga sana ako pero yun nga dumating naman yung emergency. Naiwan pa ang phone ko. Ang malas lang talaga. Dumagdag pa si Kyla na hindi maintindihan ang salitang tapos na kami. Badtrip tuloy ako sa isang buong linggong nandun kami.

Kaya heto ako ngayon papunta sa room nila Sandy. Kakababa ko palang ng eroplano at may jetlag pa ako pero wala akong pakialam. I miss my Sandy. My nerd angel.

" Hi nakita nyo si Sandy? " tanong ko sa mga grupo ng kababaehan na nasa labas ng room. And as expected nagtititili na naman ang mga ito. I rolled my eyes. Minsan inaayawan ko talaga ang pagiging sikat dahil wala na akong privacy.

" Hi Chan matagal ka yata nawala " nagpapacute pa talaga.

" Have you seen my girl? " tanong ko uli. Nawala pa ang ngiti nito.

" Nasa canteen sila Chan " may isang babaeng sumagot. May matino pa pala sa kanila. Naisip ko. Hindi na ako nag'aksaya pa ng panahon. I really need to see her.

Pasipol-sipol pa ako papunta sa canteen. May mga bumabati sa akin at nginingitian ko nalang sila. May narinig pa akong nagsigawan pagkatapos ko silang ngitian. Napailing nalang ako. Malapit na ako sa canteen ng makilala ang kasalubong ko. It was Sandy. Patakbo pa sana akong lapitan siya ngunit napakunot ang noo ko ng hawak hawak nito ang ulo. I can see pain all over her face. Napasandal na ito sa pader. Oh no!. This isnt good.

" Sandy? " tawag ko sa kanya. Ngunit kunot noo lang itong napatingin sa akin. Para bang inaaninag niya ako. Lumapit ako sa kanya. Bago pa siya bumagsak.ay agad ko na siyang nasalo.

" Y-yuri ? " mahina niyang sabi bago siya nawalan ng malay.

Paroo't parito lang ako sa loob ng clinic sa school namin. Hindi ako mapakali. Alalang alala ako sa kanya. Tinawagan ko na din si Divina at sabi nito tataposin nya lang ang last class niya.

" Mr. De Guzman " tawag sa akin ng doktor.

" Kumusta na ho siya dok? " agad kong tanong ng makalapit ito.

" Nanghihina lang siya. I think its because she skip her meal. Masyadong weak ang katawan ni Ms Gatchalian " sabi nito. Napailing ako. I feel guilty. Pakiramdam ko may kinalaman ako sa nangyari kanina.

Matapos magbilin ng mga ilang kailangan gawin ay umalis na agad ang doktor. Nakatunghay lang ako sa kanya habang natutulog. She's really an angel. Wala siyang suot na eye glasses ngayon kaya kitang kita ko ang buong mukha niya. Kailangan kong makabawi kay Sandy. The hell with my pride! Wala na akong pakialam kahit buong buhay niya pa akong tarayan. Basta ang importante maging maayos kami. Kanina nung bumagsak siya sa mga bisig ko at sambitin pa niya ang second name ko isa lang ang narealize ko. Ayokong nasasaktan ang babaeng to. She is special to me. I love Sandy.

Hindi na ako pumasok ng araw na yun. Kailangan ko siyang bantayan.

" Yuri? " napatuwid ako sa pagkakaupo at tiningnan si Sandy. Nakatingin siya sa akin na nakakunot noo. Nilapitan ko siya.

" Hi, how are you feeling? " pag'aalala kong tanong. Ngumiti ito. Ngunit ang mas nagpagulat sa akin ng ay ang bigla niyang pagyakap sa akin. Yumuyugyug pa ang mga balikat niya. Umiiyak siya. Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niya sa pisngi.

" Hey why are you crying? May masakit ba sayo? Do you need anything? " sunod sunod kong tanong. Putcha! This is all my fault. Mas nadurog ang puso ko sa sunod niyang sinabi.

" You're here... You're really here " sabi niya sa gitna ng pag'iyak. Para din akong maiiyak. Ghad, ganito ba ang epikto ng hindi ko pagpansin sa kanya ng gabing yun? Gumanti din ako ng yakap sa kanya. Pikit matang hinalikan ang noo nito.

" Hush now sweetheart. Im here. Im here " sabi ko habang hinahagod ang buhok niya. She really smells good.

" I-im sorry for being rude " sabi niya. Tiningnan ko muli siya at hinawakan ang magkabilang pisngi.

" No sweetheart. Wala kang kasalanan. Ako ang dapat na magsorry sayo. Napakagago ko dahil nagpadala ako sa pride ko. Im so sorry Sandy " sabi ko. Tumango siya sabay yuko. Hindi ko maiimagine ang araw na wala ang ngiti ni Sandy. Kailangan kong bumawi sa kanya. Kailangan kong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. And i will promise i will do everything to make her happy everyday and forever. At muli niyakap ko siya at sinuklian naman niya ng yakap. Napangiti ako. I know the feeling is mutual.

-----------------------------------
Mahiwagang Mensaheeeeeee..

Grabe nilalabanan ko talaga ang antok ko. Enjoy reading guyz..

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon