Part 28

9.2K 223 3
                                    

Chan's POV

Ang takbo ng relasyon namin ngayon ni Sandy ay masasabi kong napakaganda na.. Wala nang problema.. Wala na sana.. Buong puso kong kinikwento sa kanya ang love story namin at nakikinig naman sya.. May times pa nga na hindi sya makapaniwala na nagagawa nya ang isang bagay.. Katulad nung nasa clinic kami ng school dahil hinimatay sya.. Hindi sya makapaniwala na bigla nalang nya akong niyakap noon dahil sa guilt ng pagtataray nya sa akin..

May mga times parin na sinisisi ko pa ang sarili ko dahil sa pagkawala nya noon.. Pero paulit ulit nya namang sinasabi na hindi ko dapat sinisisi ang sarili ko sa pagkawala nya.. Hindi ko lang talaga maiwasang isipin yun..

Kahapon nang itawag ni Lily sa akin na may bisita si Sandy at nagngangalang Kyla hindi na ako nag'isip pa.. Iniwan ko agad ang importanteng meeting ko sana sa isang potential client ng kompanya.. Alam ko malaki ang mababawas sa amin nun specially at doon nakasalalay ang pagpapalago ng business namin sa ibang bansa.. But it's my wife that we're talking about.. To hell with that business.. Kung mawawala man ang investor na yun I don't give a damn.. Ang importante sa akin ay ang asawa ko..

Nang makarating ako sa bahay namin hindi ko na tiningnan ang kotse ko kung naisara ko ba basta umibis nalang ako agad ng sasakyan at patakbong pinasok ang bahay.. Walang pagsidlan ang takot ko ng malaman kong si Kyla ang bisita nya.. Nakaya nyang itago sa akin si Sandy, magagawa nya rin itong saktan.. And it's all because of me..

Mabuti nalang talaga at nakarating ako sa tamang oras.. Hindi na nagtagal pa si Kyla at galit na galit itong umalis.. I know hindi dapat ako makampante.. Sa nakikita kong galit sa mga mata ni Kyla hindi imposibleng may gagawin na naman itong masama.. Lalo na sa asawa ko..

Ngayon nga nagpupuyos ang kaluoban ko dahil nakipagkita si Sandy kay Leandro.. Isa pa yun.. Wala akong tiwala sa kanya.. I don't know what's happening to me.. Pero simula ng nangyari iyon kay Sandy noon ayoko nang basta nalang sya sumasama sa kahit sino.. Gusto ko nakikita ko lang sya.. Pero ayoko namang isipin nya na hinihigpitan ko sya.. We just make love last night.. At masasabi kong kahit hindi ako naaalala ng isip nya, ang puso naman nya ang nagdidikta..

Buong araw akong naging abala sa kompanya.. Buong araw na din na hindi man lang nagparamdam si Sandy at kahit pinipigilan ko ang makaramdam ng kaba, kinakabahan parin ako.. Sabi nya sa akin sandali lang daw sila na mag'uusap ng Leandro na yun.. Pero tanghali na bakit hindi parin nya ako tinatawagan.. I decided to call her pero puro ring lang ang nasa kabilang linya.. Im starting to freaking out when my secretary enter my office..

" Sir nasa labas ho si Sir Cris.. " sabi nya.. Si Cris ay kasamahan ko noon sa pagsasayaw.. Isa na sya ngayong sundalo.. Pinaimbestigahan ko sa kanya si Kyla.. Hindi ko na iyon binanggit pa kay Sandy dahil gusto kong maging normal na kahit papano ang buhay nya sa piling ko..

" Ok let him in.. " seryuso ko pang sabi.. Pumasok si Cris na may bitbit na envelop.. Nakipagkamay muna sya sa akin bago ko sya pinaupo..

" What brought you here? " tanong ko.. Seryuso parin syang nakatingin sa akin..

" Tama nga ang hinala ni Kai.. Matagal ng alam ni Kyla na nasa islang yun si Sandy.. Sinadya nya ang pagtago nito sa atin o sa kahit kanino dahil sayo.. " naikuyom ko ang mga palad ko.. Baliw na talaga sya..

" At may dapat ka ring malaman Chan.. " aniya na nagpakunot ng noo ko..

" What is it? " seryuso kong tanong kahit kinakabahan na ako..

" Si Leandro Sandoval.. Kasabwat sya ni Kyla.. " para iyong bombang sumabog sa tainga ko.. Para akong nabingi.. Namimilog ang mata ko at mas lalo ko pang naikuyom ang mga kamay ko.. No.. No.. This can't be..

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon