Part Eleven

8.1K 239 2
                                    

A/N : At dahil inspired ang lola nyu mg'a'update ako.. Hahahaha.. Let me dedicate this part sa dalawa sa pinaka fav kong author dito sa wattpad.. Sina fedejik at RainbowColoredMind.. Dalawa sila sa mga taong ngbibigay inspirasyon sa akin.. Salamat sa mga stories nyu.. At sa aking prince charming.. kingAshish even though u might not undrstand this story this part is ddcated to u bcoz aside that its our 1st monthsary today ur one of my inspiration.. I love u baby.. Looking forward to see u soon.. Mmmwwwuuuaaahhhh!!!!

----------------------------------------------

Chan's POV

Finally graduation na namin ni Sandy ngayon at may sorpresa akong hinanda para sa kanya.. Noong nagpropose ako sa bahay nila wala man lang akong dalang singsing which is sinadya ko talaga dahil balak kong ibigay yun sa tamang panahon.. At ngayon ang panahong yun..

As expected cum laude si Sandy at proud na proud ako sa kanya.. Napapailing nalang ako kapag nagkakatinginan kami ngayon at iniirapan ako ng pinakamamahal ko.. Galit siya sa akin dahil hindi ko siya sinundo sa bahay nila kanina.. Syempre naman busy ako sa pag'aasikaso ng surpresa ko sa kanya ngayon.. Sa tuwing iniirapan nya ako ngiti lang ang ginaganti ko.. Hay sana lang hindi talaga sya galit na galit sa akin at baka mapurnada lang ang plano ko ngayon..

-----------------------------------------

Sandy's POV

Nakakainis lang.. Kahit irap ako ng irap sa kanya para pang natutuwa pa sya dahil galit ako sa kanya.. Paano ba naman before pa ang araw na'to nangako na sya sa akin na sabay kaming pupunta ngayon dito sa venue kung saan gaganapin ang graduation namin pero ang ginawa ng hinayupak nauna ng nagpunta dito at ang sabi lang ay nakalimutan nyang daanan ako?!.. Sino ang hindi mang'gagalaiti sa galit nyan?!..

Kaya bahala sya hindi ko talaga sya kakausapin..

" Hoy anong nangyari sayo? " si Divina.. Nakasuot din sya ng toga katulad ko..

" Wala " sabi ko na nakasimangot parin..

" Anong wala.. Kanina kapa.. Pati yung speech mo kanina walang buhay.. Nag'away ba kayo ni Chan? " I rolled my eyes.. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng babaeng 'to..

" Ayoko lang kasi na pinapangakoan ako na hindi natutupad.. " sabi ko.. Nakita kong kumunot ang noo nito..

" So nag'away nga kayo? " tanong ulit.. Hindi ako kumibo.. Hindi naman ito matatawag na away dahil hindi pa naman kami nag'uusap ni Yuri.. Pero hindi ko naman talaga sya kakausapin.. Bahala sya sa buhay nya..

Nang isa isa na kaming tinatawag para sa pagkuha ng deploma namin nanatili ako sa stage para isa sa mag'abot ng deploma ng mga co-graduates ko.. Kahit naman galit ako sa mokong na yun hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na tingnan ang kinaroroonan nya.. Pero wala sya sa upuan nya at wala din sya sa linya ng mga graduates.. Saan kaya ang lalakeng yun?.. Maya maya lang bigla nalang tumugtug ang isa sa paborito kong kanta.. Ang Marry Me by Jason Derulo!!.. Anong nagyayari?

A hundred and five is the number that comes to my head

When i think of all the years i wanna be with u

Wake up every morning with u in my head

That's precisely what i plan to do

Napanganga ako ng makita kong isa isang naglabasan ang mga ka'grupo ni Yuri at nagsayaw.. Pati din mga ka'co-graduates ko ay nagsayaw na din.. Flash mob??!!.. Oh my.. Kilig na kilig kaya ako ng gawin ni Jhon Pratz yun sa harap ni Isabel Oli.. At nasabi ko yun kay Yuri ng isang beses.. Pinapanuod ko pa nga sa kanya ang vedio nila!!

And u know one of these days when i get my money right

Buy u everything and show u all the finer things in life

We'll forever be in love so there ain't no need to rush

But one day i won't be able to ask u loud enough..

Saka na tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan ng makita ko sya na pumagitna at sumayaw din.. Ang gwapo gwapo nya sa suot nyang slacks na pants at white polo na medyo messy ang pagkakasuot pero bagay parin sa kanya.. Shit parang sya lang yata ang nababagay magsuot ng messy na damit..

I'll say will u marry me..

I swear that i will mean it

I'll say will u marry me..

Nakita ko din na nagsayaw ang parents ko at parents ni Yuri.. Natawa pa ako kay papa at mama dahil kahit hindi sila marunong sumayaw nakikita kong nag'effort pa sila.. Kaya ba hindi ako sinundo ni Yuri kanina dahil pinaghandaan nya ito?.. Ang tanga tanga ko naman..

Nakita kong binigyan si Yuri ng mic ng matapos na silang nagsayaw.. Nagpalakpakan pa ang lahat pati ang mga prof at si dean.. Umakyat si Yuri sa stage habang alanganing nakangiti sa akin..

" Im sorry.. Alam ko galit ka kasi hindi kita nasundo kanina.. Well.. Surprise!!.. " sabi nya at narinig kong nagtawanan ang lahat.. Mas lalo pa akong naiyak ng maisip ang katangahan ko.. Galit ako sa wala..

" Alam ko wala akong originality kasi ginaya ko yung pagpropose ni Jhon kay Isabel pero sabi nga nya ginawa nya lang kung ano ang magagawa nya at pareho naman kami na sumasayaw kaya ginawa ko narin kung ano yung kaya kong gawin.. "

Lumapit sya sa akin.. Isang dipa nalang ang layo nya ng huminto sya.. Hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko..

" Sorry kung palagi kitang napapaiyak.. "

Magsasalita sana ako pero pinigilan nya ang labi ko ng daliri nya..

" Ssshhhsss.. Mamaya kana magsalita sweetheart.. Pakinggan mo ang bawat salitang sasabihin ko sa'yo.. "

Tumango tango ako.. Gusto ko rin naman mapakinggan ang mga sasabihin nya.. Nakalimutan ko tuloy na marami palang taong nakatingin sa amin.. Para bang kami lang ang tao dito sa kinatatayuan namin..

" Nung una akong nagpropose doon sa bahay nyu hindi ako nagbigay ng singsing kasi gusto kong ibigay ang magsisimbolo ng pag'ibig natin sa harap ng lahat ng tao.. Kung pwede ko nga lang tipunin ang lahat ng tao sa buong mundo ginawa ko na para lang malaman nila na ikaw Sandy ang iibigin ko ng walang hanggan.. "

Mas lalo pang naglandas ang mga luha ko ng lumuhod sya sa harap ko at kunin ang singsing sa bulsa nya.. Tumingin sya sa akin na naluluha narin ang mga mata..

" Sandy.. Sweetheart.. My love of my life.. The mother of our first baby teddy bear YuSan.. " napatawa pa sya ng banggitin ang binigay nyang life size teddy bear sa akin na pinangalanan naming YuSan.. Natawa narin ako kahit lumuluha ang mata ko.. Narinig ko rin na tumatawa ang mga taong nakapaligid sa amin.. Pero wala akong pakialam sa kanila.. Mas gusto kong pagmasdan ang lalakeng nakaluhod sa harap ko at inaalay ang walang hanggang kaligayahan sa akin..

" And will be the mother of my future kids.. Will you marry me? " tanong nya sabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya.. Bakit ko pa papahirapan ang taong buong pusong nagmamahal sa akin?

Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi at pinunasan ang mga luha nya.. Pinatayo ko sya at kinuha ko ang mic sa kanya at ako naman ang nagsalita kahit naiiyak parin ako..

" Yuri.. Yuri ko.. The father of our first baby teddy bear YuSan.. The love of my life.. And will be the father of my future kids.. " tumitig ako ng buong pagmamahal sa mga mata nya sabay ngiti..

" Yes.. I will marry you.. "

Alam kong expected na nya yun pero nakita ko parin ang pagbilog ng mga mata nya.. Ang kasiyahan ng pagtanggap ko sa singsing na nilagay nya sa palasingsingan ko sabay halik nya dito.. At ang pagyakap nya sa akin ng buong higpit na para bang first time nya pa lang marinig ang pag'oo ko.. Its all worth it.. Worth lahat ng pagmamahal ko sa kanya.. Mahal na mahal ko ang lalakeng to.. Sobra sobra..

----------------------------------------
Mahiwagang Mensaheeeeeee.....

Sorry sa my typo at errors pati sa grammar.. Xnxa na at medyo madalang lang talaga sa pg'UD.. Salamat ulit!!!!!..

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon