Sandy's POV
Hindi ko na natapos pa ang programa kagabi dahil iniuwi agad ako ni Leandro ng malaman nyang sumakit na naman ang ulo ko.. Nakakalungkot din dahil hindi nakuha sila Ana at Cris sa audition kagabi pero hindi ko naman nakitaan ng kalungkutan si Ana dahil sabi nya ganun raw talaga sa mga audition.. May makukuha at mayroon ding hindi.. Ngayon naman ready na ako sa una kong trabaho..
" Nay Melba okay na po ba ang suot ko? " tanong ko nang makalabas ako sa kwarto.. Nakita kong nandoon pala silang lahat..
" Wow ate ganda ang sexy nyu po.. " si beboy.. Isang mini skirt na black na hanggang gitna ng hita at polo shirt na hapit na hapit sa katawan ko ang suot ko.. Ito kasi ang uniform sa isang private resort na pagtatrabahoan ko..
" Anong masasabi mo Leandro? " tanong ni Nay Melba sa binata na ngayon ay nakatitig lang sa akin..
" Hala ka Nay si kuya hindi na nakapagsalita.. " sabi naman ni Ana na tumatawa.. Napakurap naman si Leandro na bahagya kong ikinangiti..
" A-ahm okay naman.. " sabi nito sabay yuko.. Napailing nalang si Nay Melba at saka bumaling sa akin..
" Bagay na bagay sayo ang uniform Chin.. Para ka ngang may'ari ng resort eh.. " sabi pa nito.. Napangiti ako lalo..
" Nay talaga.. Sige po at aalis na ako.. Baka kasi ma'late pa ho ako.. " sabi ko sabay kuha sa bag ko.. Tumayo rin si Leandro.. Doon rin naman kasi ito nagtatrabaho kahit noong nag'aaral pa lang ito..
Sabay na kaming sumakay sa owner type jeep nito na nabili noong nagbigay ng bunos ang amo nito.. Regalo narin daw nya iyon sa sarili..
" Parang ang saya saya mo ngayon ah.. " tanong nito.. Nakangiti akong tumingin sa kanya..
" Oo naman.. Pakiramdam ko kasi unang beses na magtatrabaho ako.. Ewan ko ba parang kakaiba lang ang pakiramdam ko ngayon.. " sagot ko.. Tumango tango ito..
Hindi naman masyadong malayo ang private resort na pinagtatrabahoan nito.. May mga guest kasi ngayon ang resort kaya nangangailangan ng tao.. Nang malaman ko naman iyon nakiusap agad ako kay Leandro na ako ang ipasok nya dahil kailangan ko din ng pera para sa pagluwas ko ng maynila.. Pero hindi ko na binanggit sa kanya ang dahilan ko..
Pagdating namin doon agad akong dinala ni Leandro sa opisina ng manager doon..
" Good morning po boss.. Ito na ho yung sinasabi ko sa inyo si Chin.. " pagpapakilala sa akin ni Lean sa isang lalakeng hindi naman katandaan..
" You're right Leandro maganda nga sya.. Chamber maid muna sya rito.. Kailangan kasi ngayon asikasohin ang mga important guest natin na taga maynila.. Sana lang hindi nya ako ipapahiya.. " sabi pa nito.. Tumingin muna si Leandro sa akin bago tiningnan ulit ang lalake..
" Maaasahan nyu po boss.. " sabi niya.. Lumabas na kami at dumiritso sa chamber maid area..
" Sige hanggang dito nalang ha.. Sabay narin tayo sa pag'uwi mamaya.. Kung may problema man alam mo kung saan ako pupuntahan okay.. " sabi ni Lean.. Ipinakilala pa nya ako sa magiging kasamahan ko sa trabaho.. Nang masiguro nyang okay na ako saka naman ito umalis na..
Sa buong araw na ng unang trabaho ko hindi naman ako nahirapan dahil tinuroan naman ako ng mga kasama ko.. Lalo na si Marie na naging malapit narin sa akin.. Hindi naman ako nakatoka sa pag'aasikaso ng mga importanteng bisita..
" Chin pwede bang magtanong? " kasalukuyan kaming nag'aayos ni Marie sa isang kwarto..
" Oo naman.. Ano ba yun? "
" Kayo ba ni Lean? " tanong nito..
" Hindi ah.. Kapatid lang ang turing ko sa kanya.. " sagot ko naman.. " Bakit mo naman natanong? " balik ko namang tanong sa kanya.. Umiling ito at nakita ko ang paglungkot ng mata nito.. Napakunot noo ako.. May gusto rin ba sya kay Lean?
" Maiba pala tayo.. Nakita mo naba ang mga bisita galing sa maynila? " tanong ulit nito na may sigla na..
" Yung nagpa'audition kagabi sa plaza? " tanong ko naman.. Bumalik ulit sa akin ang mukha ng isang judges doon.. Yung may malungkot na mga mata..
" Oo.. Ang swerte nga ni Karen eh sya yung nakatoka na mag'istima sa kanila.. Pero alam mo ba mas type ko yung si Chan Yuri De Guzman.. Ang hot kasi eh kahit suplado.. Pero ang sabi naman ni Karen kasama pala nito ang girlfriend nya.. Ano nga yung pangalan.. Hmmm.. Kyla? Ahh oo Kyla nga.. Ang ganda nga naman.. " mahaba nitong kwento pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang huling pangalang binanggit niya.. Kyla.. Parang narinig ko narin yun noon.. Bigla naman may tumusok bigla sa puso ko ng malamang may girlfriend na pala ang lalakeng may malungkot na mata.. Nag'away siguro sila ng girlfriend nya kaya sya malungkot.. Bakit malungkot rin ako? At nasasaktan?..
Pagkatapos ng trabaho ko naglakad lakad muna ako sa dalampasigan dahil mamaya pa naman matatapos ang trabaho ni Leandro sa restaurant na nasa mismong resort din.. Napadpad ako sa ilalim ng malaking puno.. Para namang walang tao kaya umupo ako sa may nakausling ugat doon paharap sa dagat.. Napabuntong hininga ako.. Kahit buong araw pa ako nakaharap sa dagat o kahit habang buhay pa ako nakaharap hindi ko parin maalala ang pagkatao ko.. Napatingin ako sa mga singsing na nasa mga kamay ko.. Hinahanap din ba ako ng asawa ko? May mga magulang pa ba ako na naghihintay sa pagbabalik ko? Ayoko namang pilitin pa ang sarili ko dahil sasakit na naman ang ulo ko.. Hanggang kailan kaya ako ganito?
" Pwede ba Kyla tantanan mo ako kahit ngayon lang please.. "
Kunot noo akong nagpabaling baling kung saan nanggagaling ang ingay.. Sumilip ako ng bahagya sa kabilang puno at namilog ang mga mata ko ng mapagsino ang dalawang taong nag'uusap doon.. Hindi naman masyadong madilim sa kinaroroonan nila dahil may mga ilaw na tumatama sa kanila galing sa malaking poste..
" Chan naman kasi diba hindi ka naman nag'iinom? " sabi pa ng babae na tinawag nyang Kyla.. Nang maaninag ko ang mukha ng babae mas namilog pa ang mga mata ko.. Sya yung babaeng nilapitan ko noong nasa palengke kami ni Nay Melba.. Sya yung tinanong ko kung kilala nya ba ako..
" Ano bang pakialam mo?! " galit na tanong ng lalake na si Chan Yuri De Guzman pala.. Yung may mga matang malungkot.. Kahit gustohin ko mang umiwas para hindi na sila tingnan pero hindi naman sumusunod ang katawan ko..
" May pakialam ako.. Ako ang nagmamahal sayo ng totoo.. Alam mo yan.. " sabi naman ng babae.. Yumuko ang lalake at pailing iling.. Parang kanina pa yata ito umiinom dahil narin sa mga boteng nakakalat sa harap nito.. Parang mas gusto kong ako ang nasa sitwasyon ngayon ng babae.. Parang dapat ako yung nasa tabi ni Chan.. Parang may mali sa nararamdaman ko dahil nararamdaman kong nasasaktan ako.. Parang naramdaman kong may umaagos sa pisngi ko at ng pinahid ko iyon.. Laking pagtataka ko ng mapag'alamang luha pala yun.. Bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan?
" Mahalin mo ako ulit Chan please.. " sabi pa ni Kyla.. Hinihintay ko kung ano ang susunod na gagawin ni Chan at mas nasaktan pa ako ng bigla nyang kabigin ang babae para halikan.. Napaawang ang labi ko at napahawak ang kamay ko sa dibdib ko dahil pakiramdam ko sasabog na iyon sa nararamdaman kong sakit.. Napabalik ako sa pag'upo habang hawak parin ang dibdib ko.. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit hindi tumitigil ang luha sa pag'agos sa mga mata ko? Hindi ko sila kilala pero bakit ako nagkakaganito? Na para bang pinagtaksilan ako.. Na para bang ginago ako sa nasaksihan ko..
" Chin? " napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Leandro.. Punong puno ng pagtataka ang mukha.. Tumayo ako sabay lapit sa kanya at yumakap.. Kahit nagtataka ito ay yumakap narin ito ng mahigpit sa akin.. Para bang nakahanap ako ng kakampi sa kataohan nya.. Umiyak ako ng umiyak sa mga bisig nya..
" Sshhss.. Ano ba kasing nangyari? May umaway ba sayo sa mga kasama mo? Hindi mo ba kaya ang trabaho mo? " sunod sunod na tanong nito.. Umiling ako.. Hindi ko naman alam kung papano ko ipapaliwanag sa kanya ang nararamdaman ko dahil mismong ako hindi ko rin maintindihan..
" I-ilayo mo n-nalang ako rito Lean.. " mahinang kong sabi.. Kahit nagtataka tumango nalang ito at inalalayan ako para makaalis sa lugar na iyon.. Lumingon pa ako sa kinalalagyan ng dalawa pero wala na sila doon.. Mas napaiyak pa ako dahil hindi ko nagustohan ang iniisip ko kung saan hahantong ang paghahalikan nila.. Sino ba talaga sila? Bakit ako nasasaktan ng makita ko silang naghahalikan? Bakit hindi ko matanggap na may iba na yung Chan na yun? Bakit?
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...